Jeepney LoveStory

187 7 5
  • Dedicated kay Mr.FEU <3
                                    

Jeepney Lovestory 

©2012. All Rights Reserved. 

---------------------------------------------------------------------------

 " Oh ! Isa pa! Isa pa ! "

" Sa kanan, Sa kanan, konteng usog naman diyan !! " sabay tubtob ng gilid ng jeep.

 Iyan, Sa araw araw ba naman na ginawa ng diyos, yan lagi ang naririnig ko.

Bakit ba kailangan sumakay ng jeep?

Bakit ba natin kailangan ipagsiksikan ang sarili natin kung puno na, eh may kasunod naman.

Dahil ba nagmamadali tayo?

Dahil ba late na tayo sa pupuntahin natin?

o dahil nagbabaka-sakali tayo na makatabi o makasakay man lang natin si mr. destiny natin?

" Manong meron pa po ba? " tanong ko sa konduktor ng jeep.

" Meron pa miss beautiful! Sa kanan, oh unting usog naman diyan ! "

Si kuya nanguuto pa. Tiningnan ko ang loob ng jeep parang wala ng space para sa akin, pero parang may naguudyok sa akin na " Halika ! Sumakay ka " Sumakay nga ako.

Pagpasok ko sa loob kakarampot  na lang ang natitirang espasyo para sa akin. Linoloko ako ni kuya eh  -_____- pero keri na yan kahiya naman kung bababa pa ako hindi pa sila makakaalis XD.

pero tingnan mo nga naman ang pagkakataon oh ! Pagkaupong-upo ko, parang bigla na lang nagslo mo ang paligid ko at siya lang ang nakikita ko. Grabe may ganitong nilalang pala sa pilipinas OHHEMMGEE .. super gwapo niya. Fair skin, matangkad (alam ko kahit nakaupo) at chinito plus yung buhok niya .. Para siyang yung mga lalaki ng Kpop groups pinoy version nga lang ! i can't take off my eyes from him ..

First time kong mastarstruck ng ganito !

 Natauhan na lang ako ng biglang siningil na ako ng kundoktor "miss saan kayo?" tanong niya. Ang sarap sanang sagutin na " kuya papuntang puso niya "  bwisit si kuya eh istorbo eh. Inabot ko na lang yung bayad kay kuya ng makaalis na kami.. Byaheng langit ata to' shet!

Hindi ko maiwasang sulyapan siya ng palihim, alam ko nakakahiya pero bakit ba ? eh kung sa pogi ang nakasakay mo sa jeep eh why not coconut db? at tsaka shet tumitingin din siya sa akin siguro nakakahalata na to >___<" naman eh!

pero  inferness gentleman siya ah may sumakay na matanda na may bitbit  ng madaming plastic tinulungan niya .. aww ang cute lang.

Ayoko ng pumara kahit saan mapunta ayoko ng pumara kung ikaw ang kasama ayoko na ayoko na ayoko naaaa

Shet dito na lang titira sa jeep. Grabe sa buong byahe ko siya lang tinitingnan ko .. sobrang starstruck ako sa kanya . Ang sarap picturan. Ang daming tanong na naglalaro sa aking isipan

saan kaya siya nakatira?'

may girlfriend na ba siya?

lagi ba siyang sumasakay ng jeep ??

anong oras uwian niya kasi GUSTO KO SIYA MAKASABAY SA JEEP SHETE!!

Ayoko nang pumara kahit san pa lumiko

Ayoko nang pumara sana di na huminto

Ayoko nang pumara

Ayoko nang pumara

 Ayoko na

Kung ikaw ang kasama

Pero kailangan ko ng bumaba :(( nalulungkot ako .. sana makasabay ko ulet siya gosh !

" Manong para po! " sabi ko, pero parang hindi niya ata ako narinig kasi tuloy tuloy pa din siya sa pagdadrive.

"MANONG PARA !! " sumigaw na ako pero wala padin!

" MANONG PARA DAW ! "

Nagulat ako ng siya na yung nagsalita automatikong huminto yung jeep. Shet ang bait naman niya. Gentleman na  Mabait pa . Nice pwede !  Pagbaba ko ng jeep, gusto ko sana siyang lingunin pero di ko magawa .. nahihiya ako e. Lilingunin para saan?? Wala lang . at yun ang ang una naming pagkikita.

Lumipas ang mga araw,buwan, hindi ko pa din siya nakikita. OO weird ba? pero sa tuwing sumasakay ako ng jeep lagi ko na lang siyang hinahanap na nagbabakasakali na makasabay ko ulit siya. Pero naniniwala ba kayo sa kasabihan na "EXPECT THE UNEXPECTED"? kasi ako OO.

Maaga kaming dinimiss ng teacher sa isang subj namin kasi may something daw nagdesisyon na din ako umuwi kasi birthday ko kinabukasan OO ! birthday ko HAHAHA.

Pasakay na ako ng jeep pero parang napaurong ako kasi puno na, pero nung MAKITA KO SIYA .. OO SIYA ... Napasakay ako bigla ewan ko bigla na lang nagautomatic yung paa ko na sumakay sa jeep. Grabe ANG SAYA KO TALAGA NUNG ARAW NA YUN BEFORE NG BIRTHDAY KO.. EARLY GIFT FOR ME ANG MAKITA ULIT SIYA. Sobrang nakakatuwa talaga :">> kung alam niyo lang. As ususual wala pa din siyang pinagbago katulad pa din ng dati XD. Simula noon hinanap ko na siya sa facebook pero hindi ko siya makita .. KASI DI KO ALAM ANG PANGALAN NIYA. Pero i know somewhere over the rainbow magkikita't magkikita kasi maliit lang mundo. 

--the end

------------------

hahaha nga kalokohan ko eh! bat ba ! VOTE and Comment kayoo THANKSS :***

One Shot Story by urheynessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon