NAPASINGHAP SI Johna nang sa isang kisap-mata ay nasa harapan na siya ng isang babae. Nakasisilaw ang kulay puti sa aura nito. The lady in front of her was wearing white flowing dress. Nakaladlad ang medyo kulot na buhok. May tila koronang bulaklak sa ulo nito. She had an angelic face. May hawak itong isang libro na kulay pilak.
Binuksan ng babae ang libro, sa parte kung saan parang may sumisilip na liwanag. "Your name is Johna Navales Patterson. Age: 25 Years old. Cause of death: Vehicular accident." Tumigil ang babae sa pagsasalita. Isinara nito ang libro. She smiled at her.
"S-sino ka? Ano'ng..." Naguguluhan sa nangyayari, inilinga ni Johna ang paningin sa paligid. The blurry surroundings suddenly became so vivid. Ang sound na tila naka-mute kanina ay naririnig na niya. Her eyes grew big. Her lips parted in shock. Nagkakagulo sa kalye dahil sa isang aksidente. Isang cement mixer and dumag-an sa isang taxi. Nagkakagulo ang mga tao. Nakabibingi ang busina ng truck ng bumbero at ng sirena ng ambulansiya.
Tinakasan ng lakas si Johna nang maalala ang nangyari. Siya ang nasa aksidenteng iyon.
Nang biglang may isang babae na tumatakbo at tinutumbok siya. Nang malapit na ito ay tumabi siya dahil tiyak na babanggain siya nito. What's wrong with that woman? Hindi ba siya nito nakikita?
"You're now in energy form, Johna," sabi ng mala-anghel na babae sa tabi niya. "Isang kaluluwa. You're invisible now. Untouchable. Lulusot ka lang sa ano mang physical things, pati na sa mga Tao."
Kinilabutan si Johna. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Naghahalo ang takot at pag-aalala. Pero kakatwa na agad siyang kumalma nang hawakan ng babae ang palad niya. Ang babaeng ito, walang pakpak pero mukhang anghel. She seemed magical.
"P-patay na ako? A-at ikaw... you're an a-angel. A-anghel ka hindi ba? Wala kang pakpak pero anghel ka."
The angelic lady gently smiled. "Ako si Armia. Hindi ako isang Anghel, kundi isang Tagasundo."
Umalon ang sikmura ni Johna. Hindi niya alam kung dapat pa ba niyang maramdaman iyon. Kaluluwa na lang siya, hindi ba? Maraming bagay ang hindi na niya mararamdaman pa.
"T-taga— Tagasundo," nanginginig ang boses na sabi niya. Ibinalik niya ang paningin sa aksidente. Nakita niyang hindi magkaintindihan ang mga bumbero kung papaano aalisin ang nakadag-an na mixer. Yupi ang taxi. Kahit siya mismo, masasabi niyang isang milagro ang bubuhay sa sino mang sakay niyon. Unfortunately, she was the passenger. At heto siya ngayon, kaluluwa na at may Tagasundo sa kanyang harapan.
"K-kung ganoon... kung ganoon s-susunduin mo na nga ako? M-my name was written on that book. At siguro... siguro ang librong iyan ay listahan ng mga pangalang susunduin mo."
Ah, when it rains, it really pours. Patay na siya. Her rocky road has come to an end.
Tumigil ang isang jeep sa harap nila. Tumaas ang sulok ng labi niya nang mabasa ang mga letrang nakasulat sa katawan ng jeep. B'yaheng Langit. Napansin din niya ang driver. May maputing aura ito na katulad ng kay Armia.
Then, this is not an ordinary jeep.
"Tara na, Johna," ani Armia. Nauna na ito sa pintuan ng jeep pero tumabi at pinauuna siyang sumakay.
Nag-alangan si Johna. Pakiramdam niya kapag sumakay siya, there was no turning back. Baka ito ang sasakyan nila patungo sa pintuan ng langit. O dadalhin sila nito sa nakasisilaw na liwanag. That magical light— iyon ang mga nababasa niya sa libro at napapanood sa mga pelikula. Ah, siguro ay hindi lang laging ganoon. Pero kung patay na siya papaano na ang anak niyang si Lia? Papaano na ang asawa niyang nasa hospital na lumalaban para sa buhay nito. Papaano na ang nanay niya? Her death will leave them broken.
"What's wrong, Johna?" tanong ni Armia. "What's holding you back?"
"H-hindi... hindi ganoon kadali na umalis," mahinang sabi niya, halos pabulong. She wanted to cry but for some reason she can't cry. Siguro ay dahil wala na ring kakayahan ang mga kaluluwa na lumuha.
"It was paradise there, Johna. Walang problema, walang luha ng pighati. Payapa doon, masaya, walang alalahanin. Everything is perfect," anang malamyos na boses nito.
Nagyuko siya ng ulo. "My life was far from perfection. I travelled a rocky road. Mahirap ang buhay. Maraming problema. P-pero kahit ganoon, m-masaya at kuntento ako dahil k-kapiling ko ang mga mahal ko sa buhay. H-hindi ko alam kung papaano ako mabubuhay sa isang paraiso k-kung... kung hindi ko sila kasama. It will be meaningless. Limang taon lang si Alia— ang anak ko. At ang asawa ko, si Prince— nasa hospital siya at comatose. My mother was already old. M-mahirap pumunta sa lugar na masaya kung alam mong maiiwang nasasaktan ang mga mahal mo sa buhay."
"Pero natapos na ang oras mo dito sa Lupa, Johna. It's time to meet Him. Oras na para humarap ka sa Kanya at sabihin kung paano mo ginugol ang buhay mo dito sa Lupa."
Johna closed her eyes. This is God's will, right? And she should trust Him. Iminulat niya ang mga mata nang may maalala. "O-on my last breathe, I asked Him to save my husband's life. Prince was c-comatose and deteriorating, m-makakaligtas ba siya? S-sabi ng mga doctor ay h-himala na lang kung... kung makakaligtas siya. I need him to live. I love him. I need him to live f-for my daughter. H-hindi p'wedeng dalawa kaming mawawala. M-makakaligtas siya, hindi ba, Armia? Ibibigay ng Diyos ang hiling ko. T-tell me, please tell me he'll wake up. M-magigising siya. G-gagaling siya."
"God heard your prayers. M-magigising si Prince. Gagaling siya," tugon ni Armia.
"Thank God! Thank God..." bulalas ni Johna. Ganoon na lang ang saya at relief na pumuno sa dibdib niya. Umalis man siya, alam niyang hindi pababayaan ni Prince ang nanay niya at ang anak nila.
"Now, please..." Iminuwestra ni Armia ang pintuan ng jeep, pinasasakay siya. "We should get going now."
BINABASA MO ANG
Of Love... And Miracles (Completed)
Romance"Makapal lang ang guwapong mukha ko pero hindi bato ang puso ko. Nasasaktan din ako." "I... I w-want to hear y-your voice f-for the last time. I... w-want to tell you h-how-how much I love you..." Iyon ang huling tawag na natanggap ni Johna mula kay...