CHAPTER 3
KAHIT HINDI lingunin, alam ni Johna na umaagapay ang motor ni Prince sa sinasakyan niyang jeep. Ganoon ang ginagawa nito kapag 'sinusundo' o 'inihahatid' siya. Engineer si Prince pero hindi ito basta-bastang engineer lang. Isa ito sa mga may-ari ng Engineering firm na pinagtatrabahuhan. Ang alam niya ay may building project sa malayong lugar na personal nitong sinu-supervise. And because his current work was almost 3 hours drive from Angeles City, tuwing weekends lang umuuwi si Prince. Usually, Biyernes ng gabi ito umuuwi. Ngayon ay nagtataka siya dahil Huwebes pa lang.
"Sa tabi lang po," aniya nang malapit nang tumapat sa café ang sinasakyang jeep. Nang tumigil ay bumaba na si Johna. Tumigil din ang motor ni Prince.
Pagkaalis ng jeep, narinig niyang kumakanta si Prince. "Araw-araw sinusundan, 'di ka naman tumitingin. Ano'ng dapat... gawin?"
Hindi na iyon bago sa pandinig ni Johna. He likes singing. Madalas itong magparinig sa pamamagitan ng kanta. In fairness, may boses ang loko. Kapag may pa-okasyon sa isang kapitbahay ay siguradong may videoke, pagkatapos naririnig na lang niya na si Prince na ang kumakanta. Nakikilala kasi niya ang boses nito.
Hindi niya pinansin si Prince. Lumiban siya sa kalsada. Sinabayan siya ng binata. At lalong lumakas ang boses nito. "Kailan? Kailan mo ba mapapansin ang pusong bitin na bitin? Kahit anong gawing lambing, 'di mo pa rin pansin..."
Ah, kung nakilala niya si Prince noon pa--- maybe seven or eight years ago--- malamang ay tunaw na tunaw at kilig na kilig ang puso niya sa lalaki. Because, six years ago ay may lalaki na nagpakilig sa batang puso niya. Sa kasamaang palad, nang mabuntis ay tinalikuran siya.
Yes, she was a single parent to a five-year-old daughter. At dahil bata pa at mahirap lang sila, kinailangan niyang tumigil sa pag-aaral. Now, at the age of twenty five, graduating pa lang siya sa kolehiyo. At kailangan niyang kumuha ng part time job para masuportahan ang pag-aaral.
"Johna, hey..."
Ang boses ni Prince at ang papalapit na mukha nito ang nagpabalik sa kamalayan niya. Itinaas niya ang nakakuyom na kamao. "Sige. Lapit pa nang matikman mo ang kamao ko." Hindi niya namalayan na naglalakbay na pala ang isipan niya. Mabuti na lang at nakaliban na sila ng kalsada.
Ngumisi ito. "Ang bayolente naman talaga ng love ko. Aminin mo natulala ka sa kaguwapuhan ko, ano? Did you miss me that much?"
Napansin ni Johna ang backpack nito. Hindi mahirap sabihin na mula sa trabaho nito ay sa university na ito dumeretso. "Kung ako sa 'yo, uuwi na ako ng bahay at matutulog. Hindi yung nangungulit ka pa."
Lumiwanag ang mukha ng loko. "Uy, concern na siya sa akin. Hindi naman obvious na puyat at pagod ako, ah." Kumindat ito. "You're my energizer. Nakita lang kita, tumaas na ang energy level ko. At saka, huwag kang magde-deny, nakita kong lumiwanag ang mukha mo noong makita mo ako. Missed me, love?"
Natigilan si Johna. Pero agad niyang kinalma ang sarili at kunwa ay naaasar na iniikot niya ang mga mata bago tumalikod at pumasok sa Angelicious.
Minsan na siyang naloko. Minsan na siyang naging tanga at hindi pinakinggan ang lohikal na daloy ng isipan. Now she learned her lesson. She learned it the hard way. Kaya ngayon, gaano man ka-guwapo at katamis ang dila ng lalaki ay hindi na siya basta-basta nagpapabola. Once is enough. Natuto na siya sa pagkakamali niya kaya hindi niya iyon mauulit pa.
BINABASA MO ANG
Of Love... And Miracles (Completed)
Romance"Makapal lang ang guwapong mukha ko pero hindi bato ang puso ko. Nasasaktan din ako." "I... I w-want to hear y-your voice f-for the last time. I... w-want to tell you h-how-how much I love you..." Iyon ang huling tawag na natanggap ni Johna mula kay...