CHAPTER 5
NANLAKI ANG mga mata ni Johna nang ma-realize na puro pangalan ni Prince ang isinusulat niya sa notebook habang nakapangalumbaba. Agad na pinunit ng dalaga ang pahina ng notebook at nilamukos iyon. What the hell was happening to her? Bakit nawawala na siya sa sarili? Hindi naman ganito dati ah. She can handle him before, right? She can handle him and she can control her feelings. Pero ngayon bakit— umiling siya. Hindi. Hindi dapat siya ma-distract sa panahong ito. Dapat ay focus pa rin siya sa pag-aaral niya, sa pamilya, at sa trabaho. Prince Wolfe Patterson is just a distraction. Period.
Naramdaman niya ang pagba-vibrate ng cell phone niya. Tiningnan muna niya ang professor sa harap bago palihim na inusisa ang phone. Baka kasi galing sa nanay niya. But the message was from Prince.
Hi, love. I just bit my tongue. Iniisip mo ako, ano? How about you? I bet you're tired already. Kanina ka pa kasi takbo nang takbo sa isipan ko, iyon ang laman ng message at may kasama pang emoticon na kumi-kiss. Nakagat ni Johna ang lower lip niya, papaano ba naman ay parang gustong ngumiti ng mga labi niya. Kinikilig ba siya? Oh, jeez! Nanlulumong isinubsob ng dalaga ang noo sa armchair. Agad din naman siyang umayos ng upo nang maalala na nasa classroom nga pala siya. Mabuti na lang at nakatalikod ang professor. Ayaw na ayaw kasi nito na may natutulog sa klase. Mahirap na at baka mapagkamalan siyang inaantok o natutulog.
You're so annoying, reply niya. Napindot na niya ang send bago pa niya naisip na hindi nga pala siya nagrereply sa mga text messages nito. Gustong tampalin ng dalaga ang sariling noo.
Nang mag-vibrate agad ang cell phone, alam niyang nag-reply agad si Prince. She checked it anyway. Aba, himala, nagreply ka. Mahal mo na ako, ano? I knew it.
Sabi na nga ba niya. Imposibleng hindi iyon papansinin ng binata. Tse. May load ako kaya nakareply ako. Huwag kang feeling.
Eh, bakit ang calls ko hindi mo rin sinasagot? Hindi naman kailangang may load para maka-receive ng call ah. Basta ang alam ko... I love you.
Nahugot ni Johna ang hininga dahil sa huling nabasa. Dali-dali niyang ini-off ang cell phone. She felt scared. Natakot siya dahil pagkabasa niya sa huling tatlong salitang iyon ay parang... parang sumagot ang puso niya.
BINABASA MO ANG
Of Love... And Miracles (Completed)
Romance"Makapal lang ang guwapong mukha ko pero hindi bato ang puso ko. Nasasaktan din ako." "I... I w-want to hear y-your voice f-for the last time. I... w-want to tell you h-how-how much I love you..." Iyon ang huling tawag na natanggap ni Johna mula kay...