"Ano? Ayoko nga! Idadamay mo pa ko dyan sa mga kalokohan mo caloy ha!" ayel.
"Please na, ayel? Samahan mo na ako tsaka nasabi ko na rin naman sa kanila na isasama kita eh"
"Bakit ba kasi kailangan mo pa akong isama don? Kaya mo naman kahit di ako kasama eh" ayel.
"Eh gusto ko nga kasi kasama kaaaaa" pagpupumilit ko.
Pumunta ako sa kabilang kwarto para lang sabihin kay ayel na samahan ako next week.
"Ano ba? Yan lang ba talaga ang pinunta mo dito sa kwarto namin?" ayel.
"Bakit ba kasi hindi na ikaw ang roommate ko?" paawa kong sabi kay ayel.
"Ayan! Idadaan mo nanaman ako jan sa mga paawa mo palibhasa alam mong mabait ako" ayel.
"Well caloy you are abusing ayel" pagsingit ni isa.
"Am i? Ayel?" paawa kong sabi.
"Hay nako pinagtutulungan nyo nanaman ako" ayel.
"Kung di lang kita mahal eh" pahabol na sabi ni ayel.
"I know and Im sorry kasi I cant return the love th -------"
"Dream on caloy" pagsingit ni ayel.
Napatawa na lang ako. Hay! I love my teammates.
"Ikaw isa? You want to come?" pagtatanong ko pagkatayo ko galing sa higaan ni ayel.
"Am i invited?" isa.
"Ofcourse! So you want to come?"
"Sure!"
Pagkasagot ni isa lumabas na ako ng room nila at bumalik na sa room ko. Nadatnan ko ang the one and only MARISTEL LAYUG na kumakain nanaman.
"Really? Kumakain ka nanaman?" pagtatanong ko.
"If you want to, you can join me you don't have to be sarcastic" maris.
"Bakit ang tataray ng mga taong nae-encounter ko ngayon?" pagkasabi ko nan nahiga na lang ako sa bed ko.
"Hayaan mo na pogi ka naman" maris.
"I know" pagyayabang ko.
"Caloy? Gising pa you?" maris.
Di ko sya pinansin kasi feeling ko may ipapagawa nanaman to sa akin eh.
"Caloy? Nagtext sakin si celine" maris.
Napabalikwas ako nang makinig ko ang pangalan ni celine.
"WHAT??"
nagulat naman sya sa inakto ko.
"Chill, nag text si Celine de Chavez yung kaklase ko sa isang unit na kaklase mo din sa isang unit?" maris.
Akala ko si ano na eh.
"Oh bakit daw?" pagkasabi ko nan bumalik ako sa pagkakahiga ko habang nag cecellphone.
"Yung research paper nyo daw kelan nyo isu-submit?" maris.
"I dont know, Im pretty busy din kasi these past few weeks"
"Ay sya samahan mo na lang ako sa Mcdo" maris.
"Ang random mo maris bahala ka jan" pag iignora ko.
"Dali na kasi!" maris.
"It's almost midnight can't you see? I have school tomorrow"
"Ako din naman eh, ano ikaw lang ang napasok!!?" maris.
"Hay nako! Tara na nga! Hindi mo nanaman ako titigilan eh! Why can't I refuse my teammates?!!!" pasigaw kong sabi.