Chapter 12 [EDITED]

51 42 2
                                    

Darren's POV

Natulog na sya nang hindi nakain ng dinner. Nabusog siguro sa kasweetan ko. Pero nagluto parin sya para samin ni Tita.

Habang nakain kami ni Tita...

"Tita, may tanong  po ako." Panimula ko at tiningan ako ni Tita na parang nagtatanong ng ano.

"Wag po sana kayong mabibigla." Sabi ko at medyo napapakamot sa batok dahil nahihiya ako.

"Ano yun hijo?" Tanong ni Tita at uminom. Pagkatapos nyang uminom saka ako nagsalita.

Mahirap na baka mabuga pa ni Tita.

"Uhmm.. pwede ko po bang...uhmm.. hingin permiso nyo.." nakatungong sabi ko dahil namumula ako sa hiya.

"Para saan, Hijo?" Tanong nya at tiningan ko sya.

"Manliligaw po sana ako kay Trish.." And there! Nasabi ko na ang gusto kong sabihin!

"Nagbibiro ka ba?" Natatawang sabi ni Tita sakin pero umiling lang ako.

"Seryoso po ako kay Trisha.. tsaka bago ko po hingin ung sagot nya kung papayag syang manligaw ako gusto ko po muna magpaalam sainyo. Para may basbas nyo ung panliligaw ko kung sakali man pong pumayag kayo.." Mahabang lintanya ko at nakita ko ang pagsulyap ng ngiti sa mga mata nya.

"Alam mo ba na simula nung iwan kami ng Daddy nya, hindi na yan nangiti ng totoo? Hanggang sa sumali ka nga sa The voice kids. Nakilala ka nya, nagkaron sya ng mga bagong kaibigan. In short, dahil sayo sumaya ulit yung anak ko. Kaya thank you, pero sana maintindihan mong bata pa si Trisha..." Sabi ni Tita kaya napatungo ako.

"Ahh... sige po, naiintindihan ko po.." Sabi ko at ngumiti ng malungkot.

"Bata pa si Trisha kaya sana pag sinagot ka na nya ay know your limitations, parehong bata pa kayo. Wag mo sasaktan anak ko ha?" Nakangiting sabi ni Tita at nanlaki mata ko at may sumilay na ngiti sa aking mga labi.

"Payag po kayo?" Tanong ko.

"Oo naman hijo, hindi naman na trese anyos yang anak ko. Nasa tamang edad na rin naman kayo." Sabi nya kaya napayakap ako sakanya.

"Thank you po, Tita!" Sabi ko at humiwalay sa pagkakayakap.

"Basta hijo, wag mo sasaktan anak ko ha?" Sabi nya at tumango ako.

"Kung masaktan man po sya ay pasasayahin ko sya ng doble, pag napaiyak ko sya, yayakapin ko po sya at handa akong patawanin sya. Hindi po ako gagawa ng sadyang makakasakit sakanya." Sabi ko.

"Sige na, hijo. Pahinga ka na liligpitin ko pa ito." Sabi nya pero...

"Ako na po maglilinis. Pahinga na po kayo." Sabi ko at wala namang nagawa si Tita.

Niligpit ko ung pinagkainan namin. Dahil masaya ako hindi ko alintana yung pagod sa paglilinis. Nagwalis din ako ng buong bahay.

Naligo ako at nahiga na sa kama.

"Kelan ko kaya sya tatanungin?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kisame.

"What if sa celebration kasama ang fans?" Pagkausap ko sa sarili ko.

"Or sa birthday namin?" At nakaisip ako ng magandang plano.

Habang basa pa buhok ko ay nagbasa lang ako ng libro mula sa shelf ni Trish.

Habang nagbabasa ay naaptigil ako at naisip ung mga pinagsamahan namin.

"Hindi ako nagsisising ipinagtapat ko sayo ung totoo." Sabi ko at naisip na sana naging mas maagap ako.

Binalik ko sa shelf ung libro nya at may nakita naman akong libro na...

"Mine"

Kinuha ko yun at nakita na ang cover ay plain maroon at nakalagay "My Diary"

Bakit nakalagay sa shelf? Hahahahaha~ baliw talaga yun

Binasa ko yun at puro naman kalokohan yun hanggang sa mapadako ung mata ko sa mga linya na...

"Depression is killing me. I hate this life. Lahat nalang ng lalaking minamahal ko, iniiwan ako. Ayoko na sumugal dahil sa huli ako rin ang masasaktan..."

Pero bakit sumugal ka parin sakin?

"Kung susugal man ako... dun nalang sa taong babalikan ako. Tol..."

Trish... ang bigat ng pinagdaanan nya. Andaming nakasulat sa diary nya na about depression. Binalik ko ung notebook sa pinagkuhanan ko.

Sorry.. babawi ako ngayon.

Kung ikaw handa kang isugal puso mo para sa kaligayahan mo, ako handa kong isugal ang buong pagkatao ko mapasaya lang ang kaligayahan ko.

Pumunta ako sa kwarto at binuksan laptop ko.

"Ma." Bati ko.

"Napatawag ka, anak? Gabi na dyan ah? Hindi ka pa ba tutulog?" Sunod sunod na tanong nya.

"May liligawan po ako."

"Ngayong hating gabi manliligaw ka? Juskong batang toh."

"Hindi po! Hahahahhaa~ I mean may gusto po akong ligawan, magpapaalam po sana ako."

"Binata na talaga ang baby boy namin. Sino ang lucky girl?"

"Si Dianna Francisco po."

"Oh... yung may ari ng tinitirahan mo ngayon?"

"Opo."

"Sige anak, basta lagi mong tatandaan na andito lang kami. Sa birthday mo pala makakauwi kami."

"Talaga po? Ipapakilala ko po sya sainyo."

"Sa 23 andyan na kami sa Pilipinas."

Kinwento ko yung plano ko sa birthday namin at nabanggit na sabay kaming birthday.

"Iba talaga magplano toh, sige. Sabihin ko nalang din kela Don at Lynelle na may liligawan na ang unico hijo namin."

"Sige po, goodnight. I miss you po, I love you po."

"I love you din, anak. Miss kana din namin."

Pagkasabi nya non ay binaba na nya. Napangiti naman ako at tinabi ang laptop ko saka nahiga.

"I will do my best para maging successful ang buong plano ko." Bulong ko at natulog na.

~~~~~~~~~~~~~~~♡~♡~♡~~~~~~~~~~~~~~~

Vote ☆ Comment ☆ Follow

Home (Darren Espanto Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon