Chapter 13 [EDITED]

56 43 3
                                    

Trisha's POV

Custome party daw ung napagisipan ng mga Darrenatics and Diannanatics. At dahil nga kahit kami'y mga mag17 na ay damulag parin ang party dahil cartoon network ang theme.

At dapat daw si Darren lang ang Finn at ako lang ang Princess Bubblegum.

Kaya ngayon ay napagtripan namin ni Darren na magpakulay ng buhok. Nasa salon kami at nakadisguise. Nakafake braces sya at ako naman ay ung fake nunal sa tabi ng mata.

"Ano pong kulay gusto nyo?" Tanong nung bading.

"Pink akin. Yung medyo dark. Then ang  lalagyan lang ay yung simula sa balikat ko pababa. Pero wag masyadong diretso  ung hati. Wavy." Explain ko at sinimulan na yung akin. Nagpatrim muna ako.

"Yellow akin." Sabi ni Darren at natawa ako.

"Paninindigan mo talaga yung yellow?" Tanong ko habang nakatingin sakanya sa salamin.

"Oo naman. Finn nga eh." Sabi nya.

At makalipas ang ilang oras ay natapos rin.

(Start video)

"Nakakangalay maupo." Sabi ko nung nakalabas na kami ni Darren sa salon. Pumunta muna kami sa kainan para kumain syempre.

"Ganda ng buhok mo." Sabi ni Darren at natawa naman ako.

"Bakit ka nakabonet? Pakita mo yang yellow hair mo hahahahha~" Pangaasar ko at natawa rin sya.

"Saka na baka malaman nila na ako toh pag nakita nila ako sa celebration." Sabi nya at ang ginawa ko ay sinimple braid ang buhok ko at binun.

Dumating na yung pagkain namin at kumain na kami agad.

"Hindi ba mahirap kumain habang nakafake braces?" Tanong ko.

"Hindi, hindi ko naman dama eh." Sabi nya at pagkatapos naming kumain ay hinigit nya ako.

"Cine tayo." Sabi nya at bumili sya ng dalawang ticket for...

"Oh my ghad! Wala na akong alam sa mundo! Showing na pala ang infinity war?!" Gulantang ko at natawa lang sakin si Darren. Right timing lang kami dahil pasimula na rin.

Nanuod lang kami. Chancing tong isang toh nakaakbay sakin kaya nagsisimula palang movie mukha na akong kamatis.

"Rice terraces ba yan?" Tanong ko dahil pamilyar yung Wakanda.

"Oo daw sabi nila." Sagot nya at napamangha naman ako.

Nanuod lang kami at nainis ako nung maging abo sila lalo na si Spiderman.

"Badtrip! Dapat di na natin pinanuod yan!" Sabi ko nung makalabas na kami ng cinehan.

"Ang init ng ulo neto hahahahha~" tawa sya ng tawa kasi kanina pa ako galit sa cinehan.

"Bitin kasi! Sobrang bitin!" Sabi ko at nanggigigil.

Nawala si Darren sa tabi ko at nagulat nalang na habang hinahanap ko sya ay inabutan nya ako ng sundae.

Kinain ko naman un at kumalma na ang diwa ko.

"Tara maglaro!" Aya ko at pagkaubos namin ng ice cream ay hinatak ko sya sa World of Fun.

Nagbasketball kami

"Wooooo! Shoot!" Sigaw ko pag nakakashoot ako at napapakamot sa batok si Darren kasi ang ingay ko. Naglaro lang din sya at nakitang walang kaeffort effort ung pagshoot nya.

Matangkad kasi sya psh.

Hinila ko sya

"Barilan tayo!" Sabi ko at naghulog ng dalawang token.

Home (Darren Espanto Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon