Dear Diary,
Grabe Diary magugulat ka sa ikekewento ko sayo ngayon, hindi ko inakala na ganito ako gugulantangin ng araw na ito, pero ito na nga...
Kasi diba kahapon ei nagbalik si prince charming at sabi niya nga gusto niya kong maging kaibigan, ei ayun hanggang kinabukasan ei kinukulit pa rin ako, kasi nung recess nanaman ei nag-aantay sa labas nang classroom namin, edi syempre nahiya ako kasi first time na may ganung taong nag-intay sa akin bigla pa siyang lumapit kaya ang daming tumingin, kaya hindi ko siya pinansin, nag-dirediretso lang ako, hanggang sa makarating ako sa canteen tapos bumili tapos doon na ko sa favorite spot ko.
Pero hindi din talaga siya nagpatinag mamsh talagang umupo ulit siya sa tabi ko, sabi ko sa isip ko talagang hindi ako titigilan nitong prince charming na ito ei no, pero dedma lang.
At sa katagalan ei nagsalita na rin siya "Ano na brad ayaw mo pa rin ba sakin, sige na naman" luh siya, ang kulit naman "Nasabi ko naman sayo ang dahilan diba kung bakit ayoko, kaya please lang kuya tigilan mo na ko" sabi ko tapos umalis na ko.
At eto pa Diary ito na pinaka nakaka-shook sa lahat ng nangyari, kasi brad talaga hindi ka maniniwala, kasi kung hindi mo alam ei, ilang linggo na rin simula nung napansin ko na hindi na nagpopost ng mga vlog si Oppa Andrei ko, tapos nung isang araw lang nagpost siya sa twitter na titigil na nga siya nang tuluyan sa pagba-vlog, kaya nung araw na yun nalungkot lang ako kasi hindi ko na makikita kung ano nang nangyayari sa kanya, ang sabi niya sa twit niya, magpofocus na muna daw siya sa pag-aaral niya kasi napansin nang magulang niya na bumababa daw yung grades niya, at tsaka lilipat na daw sila ng environment, pero hindi niya sinabi kung saan.
At alam mo ba na kani-kanina lang ei, nakita ko siya dito sa campus, oo Diary hindi talaga ko makapaniwala na dito sila sa maynila naglipat, at mas lalong hindi ako makapaniwala na dito siya mag-aaral grabe talaga Diary nashookt ako ng bonggang bonga, imagine Diary yung Oppa mo ilang hakbang na lang ang layo sayo makakamit mo na, huhuhuhu dun ako naiyak ng sobra.
Pero kanina may hindi ako kanais-nais akong nakita at nashookt ako ng bonga dito, kase diba pag nakita mo yung oppa mo syempre susundan mo pagakakataon mo na ei, pagkakataon mo na na magpapicture, oh gusto mo na mapansin ka niya, kahit ngiti lang sapat na sayo, pero hindi ko inaasahan na sa kakasunod ko sa kanila, nakita ko siya na bigla nung nakita niya si Margo ei bigla niya niyakap na parang sobra niya itong namiss, OO Diary si Margo, yung girl crush ko DATI pero hindi na ngayon kasi nalaman ko na masama ang ugali, parang dragon.
Magkakilala pala sila, hindi ko man lang nalaman kasi naman, hanggang ngayon ei hindi parin niya kino-confirm yung friend request ko sa kanya, ei kapag ganon hindi ko makita kung sino sino mga friends niya, pero okay lang maghihintay pa rin ako, pero ang tanong ko ngayon ei magka-ano-ano kaya sila, magkaibigan, magkamag-anak... wait OMYGAS baka girlfriend niya si Margo, hindi niya lang sinasabi sa vlog niya pero ang totoo may gf siya, halaaaaaaaaaaaa!!!!! Ano ba naman yan kung kailang nandito na siya saka naman umentra yang babaeng yan, hay bakit ko ba nagustuhan yang babae yan.
Hanggang sa umalis na sila at ito ha ang masakit pa dun umalis sila na naka-akbay yung kamay ni Andrei kay Margo, ako naman nakatunganga pa rin dito, tinitignan ang likod nila hanggang sa maglaho.
"HWAHHHHHHHHHHHHH" "Ay anak ng nanay nang kalbong may buhok" hala siya, sino ba yung bushak na nang gulat sa akin, pero bakit pa ba ko magtatanong ei isa lang naman ang kilala ko na mang-gugulat sakin ng hindi intense, edi si Ulap, kasi kung iba yung baka timba na puno ng ihi ang ibulaga sa akin, pag tingin ko sa kanya tawa siya ng tawa, sabi pa "HAHAHAHAHAHAHAH ang cute mo pala pag nagugulat, alam mo ang ganda sana ei tamad ka lang mag-ayos" hay nako po eto nanaman siya, "Sinong tinitignan mo jan?" sabi ko "Wala bakit ba nangingialam ka ha, alis nga"
Hala, late na pala ko sa next class ko, anu ba yan kakasunod ko dun kay Oppa Andrei ei nalate tuloy ako, nasilayan ko pa yung pinaka panget na scenery nayun, tapos nagtatakbo na ko sa room, pero nandon na yung teacher kaya kabado akong pumasok, mabuti na lang at nakatalikod siya.
Makakalusot na sana ko, kaya lang ay nagsumbong na classmate ko, bushak talaga, kaya ayun parusa ako, langya -_-
So yun Diary ang nangyari sa akin, sobrang bongga ng pasabog para saakin nito ngayon, kaya lang it's time to make tulog na ei, kaya lab lab you, and nighty nighty Diary.
---------------***---------------
BINABASA MO ANG
Diary ng Slight na Titibo-tibo
Novela JuvenilAlam niyo ba hindi naman talaga ako tibong tibo ei kumbaga slight lang, kasi minsan nagiging kilos babae din naman ako pero hindi yung super duper babae yung mga tipong nagsusuot ng mga kung ano anong maiiksing damit tulad ng maiksing short, maiksin...