Nakatingala ako sa mga nagkikinangang tala sa langit, habang patuloy na tumutungga sa bote ng alak. Nalasahan ko ang pait nito kaya medyo napangiwi ako.
Sana nga parang alak na lang ang lahat. Sa simula'y matitikman mo ang pait, pero kalaunay maeenjoy mo rin. Ang alak, nauubos, pero ang pagsubok ay patuloy lang na nadaragdagan.
Simula nang mangyari ang isang trahedya sa buhay ko, nakalimutan ko na ang pakiramdam nang masaya. Nakalimutan ko na rin maski ang magtiwala. Mahirap maging masaya kapag alam mong nag-iisa ka. At mahirap nang magtiwala, kung minsan ka nang naloko.
Narito ako ngayon sa tabing-dagat, sa pinakadulo ng Beach Resort na aking pinagbabakasyunan. Nakaupo sa buhangin at umiinom nang mag-isa.
Tahimik ang lugar, lalo't maghahatinggabi na. Kaya naman agad akong napatingin sa gawing kanan ko nang makarinig nang ingay. Isang grupo nang magkakaibigan ang naroon, mukhang nagkakasiyahan sila.
Bigla'y naalala ko ang dati kong mga kaibigan. Ganyan rin kami noon, tumatawa nang malakas kahit pa pinagtitinginan na kami ng mga tao. Sayang nga lang at lahat ng pinagsamahan namin ay tinapon nila, mula nang masira ako.
Agad kong iniiwas ang tingin nang sumulyap sila sa gawi ko. May kalayuan ang pwesto nila sa pwesto ko. Pero hindi hadlang iyon para marinig ang malalakas nilang tawanan.
Hindi na ako muling tumingin pa sa gawi nila. Naiinggit at nasasaktan lang ako. Kung sana nandito pa si Mommy, hindi sana ako nag-iisa. Kung sana nakuntento na lang ako sa pagmamahal na binbigay niya sa akin noon, hindi sana siya nawala. Sana'y kapiling ko pa siya ngayon. Sana kahit paano, may dahilan pa rin ako para patuloy na lumaban at mabuhay.
Pero ano pang silbi ng buhay ko, kung ang lahat ng meron ako noon, ay wala na ngayon? Ang aking ina, mga kaibigan, si Daddy, at ang pagkatao ko.
Paano ako mabubuhay kung sa bawat araw-araw na nilikha ng Diyos, wala na akong ibang maalala kundi ang kahayupan nila?
I deserve to die.
Kasalanan ko lahat ng 'to, eh. Kung sana hindi ako nagtiwala, masaya pa rin ako ngayon. Kung sana hindi ako nagmahal, buo pa rin ako ngayon.
Maraming pangyayari sa buhay ang labis kong pinagsisisihan, pero kahit na anong gawin ko, hindi na nun maibabalik ang dati.
Tumingin ako sa grupo nang maiingay kanina, at nakitang naglalakad na sila palayo.. Halos tatlong oras na pala akong nagmumuni-muni rito.
Bumaling akong muli sa karagatan at inilabas ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko. Idinial ko ang numero ni Zander at nakakailang ring pa lamang ay sinagot na iya ito.
"Thank God, you finally called! Where are you? Kamusta ka diyan? Maayos ka lang ba?", sunod-sunod na tanong nito.
Siya ang tumulong sa akin noong mga panahong walang-wala ako. Itinuring niya akong kapamilya kahit pa hindi ko siya lubos na pinagkakatiwalaan.
Nakikita ko naman sa mga kilos niya na mabuti siyang tao, ngunit natrauma na ako. Hindi ko na talaga kaya pang magtiwala.
"Sorry.", 'yan lang ang katagang nasambit ko dahil kumawala na ang impit na hikbing kanina ko pa pinipigilang lumabas.
"Wait! Are you crying? What happened?" Mahahalata na sa boses niya ang pagkataranta at takot. Maaaring may ideya na ito sa binabalak ko. "Oh, please! Wag kang gagawa nang bagay na ikapapahamak ko.", nagmamakaawa ang tinig nito. Batid kong anumang oras ay maiiyak na rin siya.
Masasaktan ko siya. Alam ko 'yun! Pero mas nasasaktan ako para sa sarili ko. Pagod na pagod na ako at hindi ko na kayang lumaban pa.
"I'm sorry, Zander. But I can no longer fight. This world is so unfair to me. Pagid na pagod na ako. Ayoko na!", nanginig ang boses ko at kasabay nito ang paghagulgol ko. Pinatay ko na ang tawag dahil ayaw kong marinig kung paano siyang masaktan.
Pinulot ko ang pangatlong bote ko ng alak at tinungga ang kalahati nito. Tsaka ako tumayo at parang umikot ang mundo. Ipinilig ko ang ulo at tinanaw ang hangganan ng dagat.
Payapa ito ngayon. May mangilan-ngilang alon pero hindi kagaya kanina na malalaki. Nagmistulang krystal ang hitsura nito dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan.
Dito ako mawawala na parang bula. Walang makakaalam, at mas lalong walang may pakialam. Napabuntong-hininga na lang ako.
Dahan-dahan kong inihakbang ang aking paa. Isa.. dalawa.. tatlo.. hanggang sa naaabot na ng dagat ang mga binti ko. Nagpatuloy lang ako hanggang sa ulo ko na lang ang nakalitaw.
"Miss!" May narinig akong sigaw ngunit hindi ko na iyon pinansin pa.
May isang malaking alon ang paparating. Nakaramdam ako nang takot, pero mas nanaig ang kagustuhan kong tapusin na ang lahat dito.
"I'm sorry, Mom. Hindi ko natupad ang pangako ko sa'yo. Hindi ko nagawang mabuhay nang masaya. Konting hintay na lang, magkakasama na rin tayong muli. I love you, Mom!" Pumikit ako ng may luha sa mga mata at lakas-loob na sinalubong ang alon.
Pero bago pa man ako tuluyang lamunin ng dagat, naramdaman ko na may kumuha sa kamay ko at pilit akong hinihila nito patungo sa pampang.
YOU ARE READING
Wounded
RomanceI just want a normal life, but they ruined it. Sinira nila hindi lang ang buhay ko, pati buong pagkatao ko. I wanted to take my revenge, but I just can't. Gusto ko na lang tapusin ang lahat, maging ang buhay ko. Nalulunod ako sa pighagi at lungkot...