Chastique's POV

Tinulak ko si Axel papalayo sa akin.Linakasan ko pa ang pagtulak dahil malakas nga talaga siya tsaka siya napalayo sa akin.

Agad na sinuntok ni Kyle si Axel nang napakalakas sa mukha.Muntik na natumba si Axel ngunit nakabalanse siya.

"Kyle!" napasigaw ako.Ngayon ay pinagtitinginan na kami ng mga studyante sa Cafeteria.

"Not my perfect face" Agad namang sinuntok ni Axel si Kyle sa mukha gamit ang kanang kamao niya tsaka sinuntok pa niya uli sa kabila namang parte ng mukha ni Kyle at ginamit naman ni Axel ang kaliwang kamao niya.Napasandal si Kyle sa lamesa.

"Tama na!" Sigaw ko ulit sa kanila.

Lumapit ako kay Kyle na nakahawak sa kanyang panga at nagdurugo na ang kanyang labi.

Susuntukin na sana ni Axel ulit si Kyle ngunit pinigilan ko siya.

"I said stop!" Tsaka ko siya sinuntok sa kanyang mukha gamit ang kanang kamao ko.Napasandal siya sa kabilang mesa.

Nakangiti siyang hinawakan ang kanyang panga.

"Mali ka nang kinakampihan,Chas" ani Axel.

Tinignan ko siya nang may galit sa mukha and then took Kyle's wrist,at sabay kaming umalis.





Nasa Garden kami ni Kyle at nakaupo sa isang bench.Tahimik ang garden at parang may tatlo o apat na studyante lang ang naroon na nagbabasa ng libro kasunod ng mga malalaking kahoy.

"Bakit mo ba kasi ginawa 'yon? Nako kung may nakakita lang sa atin na Teacher o kaya ang Principal,we're so dead!" sabi ko habang dahan-dahang tina-tap ng cotton na binuhusan ko ng kaunting alcohol ang mga pasa niya sa mukha.

"Sino siya?" Galit niyang sabi.

"Ha?" Napatigil ako sa ginagawa.

"Sino siya" Tumaas ang tono ng kanyang boses.

"Si Axel? Siya 'yong nakalaban ko sa badminton match"

"Chas,are you cheating on me?" tanong niya na nakakunot ang noo at nakatingin ng malalim sa mga mata ko.

"What are you saying Kyle,of course I'm not cheating on you,don't you trust me?"

"Bakit ka niya hinalikan? Bakit siya nandito,diba ang nakalaban mo ay taga Lesrel?"

"Hindi ko alam basta't inaasar niya ako" irita kong sabi at napapikit ako ng mata at napabuntong hininga.

"I'm sorry Chas,I trust you,it's him that I don't trust.Let me know kung inaasar ka pa ba niya't pupuntahan kita nasaan ka man,ok?" Sabi niya.

Tumango naman ako kaagad at napangiti siya.












"Monique,matatagalan ako ng uwi ha,alam mo na" sabi ko kay Monique na nakaupo sa sofa,kumakain ng popcorn at nakatutok sa TV.Pinapanuod pa ang Goblin.

Tumango lang siya sa sinabi ko at nakatutok parin.

Suot ko ang aking coated shinny black leggings with matching black leather tube with a zipper in front at naka black wedge high-heels ako.

The Ultimate BadassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon