Chastique's POV

Sinipa ko ang tuhod niya at agad siyang tumingin sa akin.

"Aray!"

"Akala mo hindi ko nalimutan 'yong ginawa mo?"

"Hindi...alam kong iniisip mo ako palagi.Aminin mo gusto mo ako diba? ....Diba?" Nilapit niya 'yong mukha niya sa akin.Nilayo ko naman kaagad ang mukha ko at sinuntok ko ang mukha niya,hindi naman gaanong malakas.

Nagsi lapitan 'yong mga tauhan niya.

"Unang-una wala kang karapatan na halikan ako,lalong lalo na't hindi kita kilala!"

"May karapatan ako,dahil labi ko 'to" aniya na senanyasan ang mga tauhan niya na tumigil tsaka sila naglakad.

"Pffft" Nagpapatawa ba siya? Sino ba talaga siya?

Sinundan siya ng mga mata ko at nakitang tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin tsaka ako nginitian.Bakit niya na ako palaging nginingitian?!!

Nakasandal lang sa pader ang iba kong mga tauhan na nakatingin sa mga tauhan ng bobang lumalakad papalayo.Ang iba namay papormang nakasakay sa kanilang mga motor na hinihintay ang aking salita.





Monique's POV

I'm in Senior High pa,iniisip ko tuloy kung anong mangyayari pagtungtung ko ng college.Mahirap kaya,mas lalala ba ang aming paghihirap as students?

"Mag-ingat ka little devil" ani Chas na napadaan sa aking harapan at nakasakay sa kanyang Blue na kotse.Hindi ko na muna pinansin si Chas,sapagkat wala ako sa mood ngayon.Nakalagpas na siya sa gate at nakahawak at naiwan akong nakatayo at nakahawak sa aking bike.Bike lang sinasakyan ko,hindi naman ako parehas kay Ate na alam mag-drive ng kotse at motor,tsaka malapit lang naman 'yong skwelahan namin dito mga di lalagpas sa 2 km.

Linabas ko muna ang bike ko tsaka ko sinarado ang wicket gate.Isinuot ko naman ang bicycle helmet ko.........at nagsimula na akong pumadyak.

Hindi masyadong maganda mood ko ngayon gusto ko pang matulog.Hayst.

Nabigla ako nang biglang may bumangga sa akin,nawala sa balanse ang bike ko kaya agad na natumba ang bike ko pati ako.

"Aray!"

"Miss? Ok ka lang ba? Sorry,hindi kasi kita nakita kaagad" aniya na tinulungan akong tumayo tsaka din niya itinayo ang bike niya.Sa kaliwang parte ng bike pala niya ako nabangga kaya hindi ko napansin.

"Bakit kasi hindi ka tumi-" Natigilan ako nang nakita ko ang mukha ng nakabangga sa akin,"tumi....tu-mi.."

"Miss? Ok ka lang ba?" [Mukhang nasiraan 'ata nang ulo 'tong babaeng 'to nang nabangga ko siya]

"Ahh...ok lang ako! Hi,my name is Monique,Monique Ramueva" sabi ko tapos ay inabot ko ang kamay ko.

"And..." nakipagkamayan naman siya sa akin,"I'm Sky Martinez"

"Bago ka lang dito?" Tanong ko sa kanya.Nagsimula akong naglakad kasama ang bike ko.Omegesh naglakad din siya at ipinaandar niya ring mag-isa ang bike.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Ultimate BadassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon