"Leigh pinapatawag ka ng Ma'am Ores sa faculty " hinihingal habang nagsasalita ang kanya kaklase.
" sige salamat " ngiting pagpupumilit ni leigh na naglakad na patungong corridor.
Habang naglalakad ako madadaanan ko ang isang soccer field may nagprapractice na estudyante masasaya sila ,napasimangot nalang ako habang tinatanaw ko sila .Pinagpatuloy ko nalang ang aking paglalakad para makapunta na ako kay Ma'am Ores. Magpapakilala muna ako sa inyo
"Ako si leigh isang babae na hindi mahilig makisocialize, wala na ginawa kundi focus sa pag aaral , oo tama nabasa niyo kasi mga magulang ko strikto pagdating sa pag aaral kahit paglalabas lang ako ng bahay hirap na hirap ako mapapayag si mommy. Daddy ko may ari ng Veles company si Mommy naman tinutulungan si Daddy sa pagpapatakbo ng kumpanya. Akala nila perpekto akong anak maswerte daw ako kasi nasakin na daw lahat katulad ng matalino, mayaman at kung ano ano pa. Pero nagkakamali sila may kahinaan din ako ,napapagod , para bang hindi ako masaya sa lahat na ginagawa ko. Hay naku bakit ba ganito, naiingit ako sa mga ibang kong kaklase hindi sila kasing yaman ko atleast nagagawa nila ang gusto nila pero ako hindi para akong isang bata pa din na kailangan bantayan. May mga body guard ako nagbabantay para daw safe ako sabi ng aking magulang pero wala sila sa aligid ko dahil sinabihan ko sila na sa labas ng school nalang ako intayin buti napapayag ko naman nakakainis na kasi hindi ko na magawa kung ano gusto ko .
Simula bata palang ako hindi kona naenjoy ang pagkabata kahit maglaro sa kalsada ., pero ito tinadhana sakin ng panginoon sanay na ako kung ano man takbo ng buhay ko.Habang paakyat ng hagdanan si leigh may lalaking nakabangga sa kanya .
" Ano ba ! Hindi kaba tumitingin sa dinadaanan mo ha !" Sigaw ng lalaki sa kanya.
Aba aba sinisigawan ako ng lalaking ito sa isip isip ng dalaga.
" Kung ikaw naman ho kasi hindi tumitingin sa dinadaanan mo panay ka kasi cellphone so? Kasalanan ko ba na mabangga mo ako . Tingen tingen din ho kasi pag may time " habang nakapameywang ang dalaga.
Isang ismid na labi lang nasagot ng lalaki at nilampasan na neto ang dalaga.
" Hoy bastos ka kinakausap pa kita wala kang modo " gigil na gigil sa galit si leigh.
" Walang modong lalaking yun ah ako pa daw may kasalanan. Hay naku leigh bakit mo ba pinagkakaisipan ang walang kwentang bagay". bulong neto sa sarili
Nasa faculty na si leigh nakita niya mga teacher na abala sa pag aasikaso.Lumapit si leigh kay Ma'am Ores.
" Ma'am pinapatawag niyo daw po ako ?"
" Oo leigh may gusto lang sana akong ipagawa sayo kasi wala ako mamaya sa klase natin tutal ikaw naman ang president ng buong klase ihahabilin ko muna sayo "ngiting tugon ng guro
" sige po Ma'am makakaasa po kayo "
" Salamat sa iyo Leigh " sabay abot ng mga photocopy .
Tangong sagot ni leigh sa guro.
YOU ARE READING
Till we meet again
Teen FictionOur love, Love is like a wind i can't see it but i can feel it. - Nicholas Sparks