Chapter 16 [EDITED]

51 42 3
                                    

Trisha's POV

Ansaya ko kahapon dahil sobra kong naenjoy yung party at hanggang ngayon ay hindi parin maalis yung ngiti sa mga labi ko. Wala pa pala akong regalo kay Darren.

Nabuksan na namin ni Darren yung mga regalo samin kaninang umaga pagkagising at andami talaga. May mga nakuha akong libro, nakakuha pa nga ako ng collection ng he's into her season 1 tapos sa ibang tao naman ay collection ng season 2 at sa isa pang tao collection ng season 3. Nakakuha rin akong sweater na spiderman meron ding captain america at pares kami dun ni Darren.

May nagregalo ng kwintas, bag, notebooks, scrapbook, sapatos, gitara, at ang pinakapaborito kong regalo sakin ay ung tshirt na maroon at may printed sa gitna na kulay white nakalagay ay "Dianna".

Naligo na ako at nagbihis ng pang alis. Kinuha ko ung pouch bag ko at lumabas ng kwarto.

"May lakad ka?" Tanong ni Darren. Nasa trabaho ngayon si Mommy pero kahit lagi syang wala, kahit kailan hindi yun nawalan ng oras sakin. Pag special day ko hindi pwedeng hindi sya makakarating at no work talaga.

"Ah, oo." Sabi ko at naupo muna sa couch at nagtirintas ng buhok na waterfall at nagsuot ako ng salamin na parang harry potter, natanggap ko sya kahapon.

May fake nunal na ako sa tabi ng mata ko.

"Sama ako." Sabi nya.

"Dyan ka lang! Wag kang tatayo! Kailangan pagdating ko nandyan ka lang!" Sabi ko at tumakbo paalis.

Nakarubber shoes naman ako kaya madali lang akong nakatakbo. Sumakay na ako ng jeep at pagkadating ko sa mall ay nag ikot ako sa kung saan saan. Ano bang pwedeng iregalo sakanya???

Relo? Salamin? Bag? Sweater? Hoodie? Sapatos? Damit? Gitara? Camer--

"AYH PUSO KO!" Napasigaw ako nung may nanggulat sa akin.

"Bakit ka mag isa?" Tanong ni Drake at binatukan ko sya.

"Bibili ako regalo ko kay Darren. Pero wala akong maisip." Sagot ko sa tanong nya.

"Yung sinigaw mo kanina." Sabi nya at napaisip naman ako...

"AYH PUSO KO!"

Namula naman ako at naglakad palayo.

"Hahahahhaaha~ kinikilig!" Habol sakin ni Drake.

"Recording set nalang ireregalo ko." Sabi ko sakanya at nagpunta sa bilihan.

"Yayamanin." Sinusundan parin ako ni Drake buisit toh.

Binili ko na at inabot ko kay Drake yung malaking kahon.

"Tutal sinusundan mo ako, ikaw na bahalang magbitbit nan. Pahatid naman sa bahay." Sabi ko at nag okay lang sya.

Pinabalot ko na kanina yung kahon kaya ayos lang na makita yun ni Darren.

"Special delivery!!" Sigaw ni Drake nung makarating kami sa bahay.

"Thank you pakibaba nalang dyan." Sabi ko. Pagbukas ng pinto nakita ko na nakaupo lang si Darren sa inuupuan nya kanina.

"Wow hindi ka talaga gumalaw?" Tanong ko sakanya.

"Sabi mo eh." Sagot naman nya. Binitbit ko yung kahon at ibinaba sa kwarto ko.

"Ano yung dala mo? Bakit kasama mo si Drake?" Tanong nya nung naupo ako sa tabi nya.

"Bakit mo tinatanong?" Tanong ko sakanya.

"Eh gusto ko itanong eh, hindi moko pinasama tapos kasabay mo umuwi si Drake tapos may dala kang kahon na nakagift wrap. Regalo ba nya yon sayo? Anong laman? Patingin nga! Baka naman nagdate kayo?!" Tanong ni Darren habang nakatingin sakin. Tiningan ko sya at namumuo luha nya.

Home (Darren Espanto Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon