Ang Babae sa Larawan

52 1 0
                                    

Isang ordinaryong araw sa school, isang batang lalaki ang nagngangalang Tom ang nakaupo sa upuan niya sa room at gumagawa ng math. May anim na minuto pa bago matapos ang klase. Habang ginagawa niya ang kanyang homework may, napansin siya.

  Ang kanyang desk ay malapit sa bintana, lumingon siya at may napansin mula sa labas ng bintana. Isang litrato. Nung oras na nang uwian galing sa paaralan, nilapit niya agad kung saan niya ito nakita. Mabilis niya itong nilapitan para walang sino man ang maunang makakuha nito.

  Kinuha niya ito at napangiti. Sa larawan niya natagpuan ang pinakamagandang babaeng nakita niya.  Ang babae ay nakadress na tight at nakasuot ng pulang sapatos, ang kanyang mga daliri ay nakapeace sign.

  Nagandahan siya nang sobra sa babae kaya gusto niya itong makita, nilibot niya ang buong paaralan at nagtanong tanong kung may nakakakilala sa babae sa litrato. Pero lahat ng pinagtanungan niya sumagot ng "Hindi". At ikinalungkot niya ito ng sobra.

  Nang makauwi siya sa kanilang bahay, tinanong niya rin ang kanyang ate kung kilala nito ang babae sa larawan, sa kasamaang palad tulad din ng iba ang sagot niya ay "Hindi". Nang kinagabihan, umakyat na si Tom sa kwarto, nilagay niya ang litrato sa tabi ng kanyang kama at natulog.

  Sa kalagitnaan ng gabi na gising si Tom sa ingay sa bintana. Tunog ng kuko na kumakatok sa bintana ang narinig niya. Natakot siya. Pagkatapos niya marinig ang katok nakarinig naman siya ng halakhak ng isang bata. May naaninag siyang anino mula sa bintana, kaya tumayo siya sa kanyang higaan, at naglakad palapit sa bintana, binuksan niya ito at sinundan ang tawa na naririnig niya. Pero nang palapit na siya, nawala ito.

  Kinabukasan nagtanong tanong siya sa kanilang kapitbahay tungkol sa larawan. Karamihan ay nagsabing "Sorry, hindi". Nang makauwi ang kanyang ina pati ito ay tinanong niya kung kilala ang babae sa litrato. "Hindi" ang tugon ng kanyang ina. Pumunta siya sa kwarto niya at nilapag ang litrato sa tabi ng kama at natulog.

  Tulad nung isang gabi nagising
siya sa katok mula sa bintana. Kinuha niya ang larawan at sinundan ang tawa. Naglakad siya patungo sa kalsada at nabundol ng sasakyan. Namatay siyang hawak hawak ang larawan.

  Lumabas ang driver para tulungan siya, pero huli na ang lahat. Nakitang nang driver ang hawak nitong litrato at kinuha. Ngumiti ang driver. Nakita niya ang babae na nakatatlo ang daliri...

"Ang Babae sa Larawan" (Horror)(Completed) From: Scary StoriesWhere stories live. Discover now