Chapter 20: selosan na to!

581 14 0
                                    


Wahhh!!sorry sa mga nag-iintay. Masyado po akong busy sa trabaho. Sana maintindihan niyo. Lul. Love you guys!

Chapter 20:

Jelliane's POV

Nanunuod kami ng horror movie dito sa sala. Si Jade na katabi si Cleah sa kabilang sofa habang nasa gilid naman nito si Loue.

Si lalaine,Cheska,ako at si Lester dito sa sahig na nakaupo lang at sina Christian at Tanya sa kabilang sofa.

Psh! Pasuggest suggest ng horror tapos ang lakas tumili. Ang higpit pa ng yakap kay Christian na akala mo kukunin ng mumo na sana nga kunin na!.

"Baka matunaw." Bulong ni Cheska sakin.

Sana nga matunaw. Tsk!

Di ko nalang pinansin yung bulong sakin ni Cheska at tinuon nalang ang pansin sa pinanuod namin.

Ding dong..

Siya na siguro yun.

"May pinapunta kaba dito Loue?" Tanong nila. Natigil yung atensiyon nila sa palabas.

"Actually si Jell." Napakamot batok na sagot ni Loue.

"Bubuksan ko lang." Nagsalita na ako bago pa nila ako tatanungin. Tumungo na nga ako sa pinto at binuksan to.

"Hi,flowers for you." Nakangiting sabi niya sabay abot ng bulaklak sakin.

"Para saan yan?" Takang tanong ko.

"Diba sabi ko manliligaw ako?" Psh! Sinabi niya nga pala sakin yun. Pero bakit dito pa? Atsaka di pa naman ako pumayag ah. Baliw na Luke to!

Tinanggap ko nalang yung flowers at pinapasok siya.

"Hindi kana sana nag abala pa. Pero thanks." Ngiti lang ang sinukli niya.

"Bakit nandito siya?" Halatang naiirita na tanong ni Chris sabay turo kay Luke.Napakalas sa yakap si Tanya dito dahil tumayo si Christian. Psh! Yakap ng yakap mukhang tuko.

"Pinapunta ko." Maikling sagot ko.

"He's not invited." Madiin na sabi nito. Magsasalita na sana ako ng inunahan ako ni Cheska.

"Wow! Flowers. Galing ba yan kay Luke?" Nakangiting banggit ni Cheska sabay sulyap sa kakambal niya na kanina pa nagsalubong ang kilay. Nangyari sa kanya? Kung makaasta akala niya bahay niya to.

"Lukey..nanliligaw ka kay Insan?" Cleah asked.

"Yes." Maikling sagot ni Luke dito at ngumiti lang sabay akbay sakin. Ano ba Luke.

Nakakahiya.

Padabog na pumaitaas si Christian na ikinunot ng noo ko.

"May gustong sumabog. Boom!" Jade.

"Christian wait." Tanya. Tse! Tuko be like.

Nagsihandaan na kaming mga girls dito sa kusina kasama si Luke. Siya yung Chief ngayon at kami lang ang taga alalay.

"Infainess Luke ah. Mahilig ka pala magluto. Ang sarap." Lalaine na kanina pa tikim ng tikim at tinampal naman ni Cleah ang kamay nito na kukuha na naman sana ulit.

"Malapit mo na maubos Lalaine. Ang takaw mo kain ka ng kain di ka naman tumataba." Cleah.

"Since high school natuto na ako nito. Bata pa kasi ako,gusto ko na maging Chief." Sagot nito na natatawa dahil Kay Lalaine at Cleah.

"Nasan ba yung Tanya na yun? Papuntahin niyo nga dito at ng makatulong naman. Walang silbi eh." Cheska. She's right. Nandoon lang sina Tanya kasama ang ibang boys sa may pool.

"Wag na pakainin yun. Akin nalang yung parte niya." Lalaine. Pft!

"Mukha kang patay gutom." Cheska.

"Tapos na ba yan?" Tanong ko kay Luke. Ako kasi taga lagay sa plate, si Cheska at Cleah taga hugas, samantalang si Lalaine naman ang tagakain. Psh! Di siguro to pinapakain sa kanila.

"Malapit na. Umupo kana lang dun,ako na bahala dito." Ngiting banggit nito.

"Okay lang,gusto ko tumulong." Sagot ko.

"Baka pagod kana kakatayo diyan."Luke. Ano ba Luke..

"Okay lang ako ano kaba."

"Ehem! How sweet." Silang tatlo.

"Tss!"

Ano bang problema niya?

"Oops! Someone got jealous." Cheska.

Walang imik na kumuha ng tubig sa ref si Chris.

"Para saan yan Chris?" Lalaine asked.

"For Tanya." Sagot nito na hindi ko ma explain kung bakit parang naiinis ako.

"Wow! Galing mo magluto pare." Puno na bibig na sabi ni Loue.

"Taste good." Jade.

"Sarap as always." Cleah.

"I love it." Cheska.

"Sarap nga." Lester.

"Ang sarap mo pala magluto. Masarap kapa magluto sa Chief namin eh." Tanya. Masarap talaga. Best friend ko yan eh.

"Busog na ko." Natawa kami dahil sa sinabi ni Lalaine.

"Kung di kaba naman patay gutom kanina." Cleah.

"Grabe kayo sakin ah. PG talaga." Napasimangot na banggit ni Lalaine.

"Cute naman." Dahil sa sinabi ni Lester natahimik si Lalaine.

"Ayiehh.." tukso namin sa kanila.

"Cute daw oh." Jade.

"Wait. Christian,wala kaba sasabihin sa luto ni Luke?" Tanong ni Loue dito.

Bale pwesto namin.

Cleah, Jade,Christian ,Tanya,Loue
_______________________________________
                        TABLE
_______________________________________
Lalaine,Lester, Ako,Luke,Cheska.

Gezz? Bali magkatapat kami ni Christian.

"Not so good." Kinunutan ko siya ng noo dahil sa sinabi niya. Pati nga yung iba mukhang hindi sang ayon sa sinabi niya.

"Wag mong intindihin sinabi niya Luke. Para sakin luto mo ang pinakamasarap." Nakangiting sambit ko kay Luke. Walang hiyang Christian,not so good? Tapos kumakain? Sapakin ko kaya to.

"Thank you." Ngiting banggit nito.

"Ayon oh." Sila.

Nakita ko kung gaano kasama ang mukha ni Chris samin ni Luke. What happened to him? Kanina pa siya ah.

"Oops! Tanya, ikaw na maghugas ha." Cheska.

"Wait. What? Why me?" Maarteng sambit nito. Tss.ang arte.

"Wala ka kasing ginawa kanina." Lalaine.

"Para magkaroon ka ng silbi." Deretsong sambit ni Cheska. Biglang sumama naman ang templa ng mukha ni Tanya. Yeah. Ilabas mo yang baho mo.

"Girls stop. Don't worry An. I'll help you. Kami na maghuhugas." Presenta ni Christian na ikinaiinis ko. Halatang pati sila naiinis din.

Ngumingiti-ngiti Lang si Tanya dito. Halatang kinikilig psh!

"Are you okay?" Luke.

"Yeah. Busog nako. Samahan mo ko sa labas." Yaya ko sakanya. Tumungo naman siya.

"Guys. Lalabas lang muna kami." Sabi ko sa kanila at tumayo na.

"I'll go with you." Christian. Kumunot na naman noo ko.

"No need. Kasama ko si Luke."

"Chris diba tutulungan moko maghugas ng mga plates?" Psh. Tanya be like.

Walang nagawa si Christian.

Lumabas na nga kami ni Luke na magkasama.

_____

Bitin? Sorry,Yan lang po Kasi Kaya ko ngayon.

Salamat sa pagbabasa.

@ruby_gail

I Hate You I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon