Liham para kay bespren. (background music: bestfriend by jayson chen)
Bakit ganto ang aking nadarama tuwing wala ka sa aking tabi, tila bang ikaw at ako ay parang may namamagitan sa atin, bakit ganto nalamang ang aking nadarama tuwing aalis ako o aalis ka dahil kaylangan maghiwalay, wala pang tayo pero ang aking damdamin ay sabik na sabik kang makita, bawat araw, bawat oras, bawat minutong dumadaan, bawat segundong lumilipas ay tanging ikaw ang aking nasa isipan, ikaw ang nais makasama, walang tayo, walang namamagitan sa atin pero bakit ganto nalamang ang aking puso, laging ikaw ang hinahanap, sabik sa iyong malambing na boses, sabik na mahawakan ang iyong mukha at kamay, sabik na madama muli ang iyong pagmamahal, naway sa aking pagtatapos dito sa aking liham na isinulat ay naway makatulog na ako ng mahimbing dahil ikaw lang naman ang nagpapagising sa akin, ikaw ang nagbibigay ng lakas sa akin na kahit gaano man yan kalayo ay aking susuungin para lamang makita ang sinisigaw ng pusong ito at nang kumalma ang aking puso. :)
Paggising sa umaga, ikaw agad ang nais makasama, hinahanap hanap ang boses mong malambing, ninanais nais ng aking tenga na marinig muli ang iyong boses ngunit sa aking pagdilat, ang mga pinapangarap na makita at marinig ay tanging asa panaginip lamang dahil walang kasiguraduhan kung kaylan ka muling masisilayan. Bawat araw na dumadaan ikaw ang laging hinahanap at sa pagsapit ng gabi ikaw ang ninanais na makatabi. Ngayong araw na to, ang tanging kasama ko lamang ay ang aking pamangkin, walang naiisip na gawin kundi ay ang ikaw kausapin ngunit pano ko iyon magagawa? Madaming sagabal para magawa ko ang mga bagay na pwede kitang makausap. Pero gagawin ko ang lahat para lamang marinig ang maganda mong boses. Sabi nga nila kung gusto may paraan kung ayaw may dahilan. :)
Gabi gabi ikaw ang nasa isip, mukha mo ang tanging nais na mahawakan, ang mga kamay nating nais kong pagdikitin, ang mga ngiti mong bumubuo sa araw at gabi ko, ikaw ang gumigising saakin sa himbing ng tulog, ikaw ang nagbibigay ng lakas sakin para bumangon araw araw, ikaw ang nagbibigay ng lakas sa aking mga binti na kahit gaano pa yan kalayo ay kakayanin kong lakbayin para mahawakan at masulyapan ka lamang at ikaw ang dahilan ng aking d pagtulog dahil ikaw ang laging nasa isip ngunit nagbago na ito ikaw na ang dahilan kung bakit ako nakakatulog ikaw na ang dahilan kung bakit d na ako napupuyat, dahil ikaw na ang dahilan kung bakit ako nagpapahinga at magkaroon ng lakas para sa pang araw araw na gawain.