Chapter 17 [EDITED]

55 44 10
                                    

Last Chapter na guys =)

~~~~~~~~~~~~~~~♡~♡~♡~~~~~~~~~~~~~~~

Trisha's POV

Nandito na kami sa star city at pinagtitinginan kami pero buti aang din at hindi nagpapapicture ung mga tao. Nakakapagtaka kasi ang konti ng mga tao.

Nagsimula kami sa haunted house hahahhha~ buena manooooo!

"Trish, nakakatakot naman." Sabi ni Kyline at natawa ako. Kaso biglang may bumulaga kaya napairit ako.

"Ayan tatawa ka pa?" Tanong ni Ann at natawa parin ako. Buong pag ikot namin ay natawa ako kasi naman pati si Drake nasigaw.

"Tara dun sa magbabaril." Aya ko. Sabi kasi ni Darren ay huwag kaming maghihiwa hiwalay dahil mahirap na pag dinumog at magkaissue.

Edi ayun kanya kanya kaming diskarte at nagbaril nung mga bote. Walang sinwerte kaya napasimangot lang kami.

"Tara nalang sa grand carousel!" Aya ko at hinila si Kyline at Ann. Napasunod naman yung tatlong lalaki sa amin. Sumakay kami sa kanya kanyang kabayo sa second floor ng grand carousel.

"Awiiiiieeeeeee! Drake papicture!" Sabi ko at tumayo naman si Drake sa harap at nagulat ako nung inakbayan ako ko Darren bigla.

So natawa si Drake at pinakita samin ang picture. Nakatingin sakin si Darren habang nakaakbay at nakatingin ako sakanya habang nakaawang ang bibig at kunot noo.

"Happy birthday sainyo!" Sabi ni Drake at sumakay sa kabayo sa unahan ko. Naupo si Darren sa katabi ng kabayo ko.

Habang naikot ay napatingin ako kay Darren at ngumiti ganon din sya. Nakita kong may nagflash. Whaw mabilis tong si Drake.

Pagkatapos ay sumakay kami dun sa parang pinapaikot kami nung ride at itong mga babaeng eto naman pinaikot na ng pinaikot ung sinasakyan namin jusko T^T nahihilo ako! Bukod kasi kaming babae at lalaki dahil hindi kasya.

Pagkababa ay pagewang gewang kaming tatlo.

"Puro kasi kayo kalokohan hahahahaha~ hinilo nyo pa si lodi" Tatawa tawang sabi ni Paolo na paeasy easy lang dahil hindi nila pinaikot ung sinakyam nila.

"Tara dun tayo sa floating ride!" Aya ni Ann at nagpunta kami dun sa ride na pinapaandar sa tubig. Tas nagsisirit ng tubig sa kalaban.

"Tara bilis!" Ngiting sabi ko. Kami ni Darren partner. Si Drake at Ann, si Kyline at Paolo.

Nagbasaan lang kami at tatawa tawa kami nung matapos ung time tapos nagpunta kami sa bump cars. Change partners kami. Si Drake at ako, Darren and Kyline, Paolo and Ann.

Kung kanina babae ung nagdrive ngayon ay lalaki kaya ayun alog ung utak ko at pinagtawanan lang ako ni Drake. Walang hiya din ito eh. Makalipas ang ilang oras ay marami na kaming nasakyan na mga ganong rides.

Nagulo ang buhok ko kaya naman itinirintas ko nalang iyon.

"ROLLERCOASTER NAMAN TAYOOOOO!!" Sigaw ni Paolo at lumabas kami at nakita ang mga nakakatakot na rides.

At gaya nga ng napagusapan walang KJ. Kaya ayun nung sa loops na ay sigawan lang kami ng sigawan.

Andami naming sinakyan na mga extreme rides at mangiyak ngiyak kami ni Kyline sa kakasigaw.

"Ayos ka pa?" Tanong ni Darren at natatawa.

"Nahihilo ako grabe kayo! Dirediretso walang preno preno sa pagsakay ng rides!" Sabi ko at natawa si Darren.

"Tara sa snow world!" Aya ni Kyline at kuminang ang mga mata namin.

"Tara!" Aya ko pero pinigilan ako ni Darren.

Home (Darren Espanto Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon