Prologo

372 16 7
                                    


Tahimik ang paligid sa village ng Don Trinidad. Patay ang ilaw ng mga bahay at tanging mga streetlights lamang ang panangga sa madilim na kalye. Malalim na ang gabi at halos lahat ng taong nakatira sa lugar na iyon ay mahimbing nang natutulog sa kanilang malalambot na kama at airconditioned na kwarto.

Sa isang eskinita malapit sa palaruan ng Don Trinidad, nakatayo ang isang lalaking walang suot na pang-itaas na damit habang nakatingala sa ikalawang palapag ng kulay kremang bahay. Nakabukas ang ilaw ng isang kwarto roon at natatakpan ng puting kurtina ang hindi nakasaradong bintana.

Sa loob ng kwartong iyon ay mahimbing na natutulog ang isang dalaga habang yakap-yakap nito ang isang human sized teddy bear na nakasanayan na nitong itabi sa pagtulog. Wala itong kaide-ideya sa pagpasok ng isang matipunong lalaki at may madilim na mukha mula sa nakabukas nitong bintana.

Dahan-dahang naglakad ang lalaki palapit sa dalaga at bahagya pang natigilan sa biglaang pagibitiw nito sa yakap na teddy bear at ang pagtihaya nito sa paghiga.

Ilang segundo ang lumipas at nang masigurong mahimbing parin itong natutulog ay nagpatuloy ang lalaki sa paglapit dito. He slowly sat on the side of the bed and stared at her gentle and innocent face. Itinaas niya ang kamay at inabot ang mamula-mula nitong pisngi. Nang dumako ang tingin niya sa hugis puso at nang-aakit nitong labi ay napabitaw siya sa pisngi nito.

'Don't do anything reckless. ' Pigil ng isang boses mula sa utak niya dahilan para mapapikit siya at dahan-dahang lumayo rito.

He deranged his disheveled hair and stared at the girl again. Hindi niya mapigilang mapatingin ulit sa labi nito na ngayon ay bahagya ng nakaawang. Napalunok siya nang hindi niya na maialis ang titig doon.

Fuck. I'm going to regret this.

And when the clock strikes at exactly 12 o'clock on the morning, the stranger man kissed the pinkish lips of the sleeping girl.

-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Midnight KisserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon