Sand Castle Love

19 3 6
                                    

"Huwag kang maghangad ng isang reyna kung kastilyong buhangin ang pag-ibig mo" sabi ni Selena kay Cris. Siguro dala na rin ng galit kaya lumalabas ang pagiging manunulat.
Akmang aalis na si Selena ngunit na narinig niyang nagmura si Cris.

"Bullsh*t don't you dare used that writer tone to me." sabi ng lalaki na halatang nang-gigigil. Marahil hindi na rin kinaya ng lalaki ang sobrang pagkamuhi dahil sa mga letrato na nakita. Ang asawa niya ay may kasamang iba at hinahalikan ito.

"Baka nalilimutan mo. Ako ang dahilan kung bakit mo naabot ang pangarap mo. Kung hindi kita kinuha sa impyernong 'yon, hindi mo mararating ang tagumpay mo ngayon." sabi nito sabay ngisi.

Hindi na nakasagot si Selena dahil totoo naman. Kung hindi siya kinuha ng pesteng lalaking ito, hindi siya magiging manunulat.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Cris.
"Saka 'wag kang magmalinis, dahil hindi ka naman malinis. Remember? Marumi ka na, no'ng nakuha ko."

Lihim na nasaktan si Selena at tuluyang umalis. Oo tama naman si Cris. Marumi ito.

Nagtrabaho ito noon sa isang bar, gawa ng hirap sa buhay. Oo, marami na ang gumalaw sa babae. She's a slut.
Pero hindi niya ginusto ang bagay na 'yon. Hindi niya gustong ipahawak sa maruruming kamay ang katawan niya. Hindi niya gustong bayaran para babuyin lang.

Pero wala siyang magawa. Nagdadalaga siya ng mamatay ang tatay.

Sunod-sunod na kamalasan ang nangyari sa buhay ni Selena. Pagkatapos mamatay ng ama, inatake sa puso ang ina. Wala siyang magawa.
Akala niya tapos na ang kamalasan. Nang nalagpasan ng ina ang pagsubok na iyon. Ngunit hindi pa pala.

Dumagdag sa gastusin ng maintenance ng mama niya ang biglaang pagkasunog ng kanilang bahay. Iyon na lamang ang natitira sa kaniya.

Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana.

Hindi niya na alam ang gagawin. Hanggang samapunta na siya sa impyernong sinasabi ni Cris.

Laking pasalamat nga niya ng dumating ang tulad ni Cris. Nalala niya pa kung pa'no s'ya kinuha ng isang anghel sa inpyernong nagpasakit sa kaniya.

"Stop this Selena. Sumama ka nalang sa akin. Papakasalan kita." sabi ni Cris.

Kababata niya si Cris. Nahinto lang ang pagkakaibigan nila ng umalis ito at pumunta sa U.S. Lingid sa kaalaman ni Selena na matagal ng may gusto sa kaniya si Cris. Kaya hindi nito tanggap ang sinapit nito.

"Loko. Baliw ka ba? Ako papakasalan mo? You deserve better Cris." sabi nito kahit sa totoo, humihiling ito na sana makaalis na talaga siya sa impyernong ito.

Tumingin na lamang kami sa dalampasigan. Habang nakikita ang hampas ng alon.

"Then I deserve you." sabay halik nito sa kamay ni Selena.
"Papayag ka bang maging reyna sa palasyong gagawin ko?"

Doon nag-umpisa ang mala-pantasyang kuwento ng buhay ni Selena.

Maayos naman ang lahat. Anibersaryo nga nila at pupunta sana sila sa lugar kung saan nangako si Cris na gagawing reyna si Selena. Ngunit bago pa man sila pumunta sa paraiso. May humampas na alon.

Hindi alam ni Selena, kung sino ang kumuha ng larawan na 'yon. For pete's sake, binastos siya ng lalaking yun.

"Selena!" lumingon s'ya sa laalking tumatawag sa kaniya. Galing siya sa doctor.

"Amm?" nahihiyang yumuko si Selena. Isa kasi ito sa mga lalaking nasa nakaraan  niya.

"Wala ka na sa bar?" nakangisi nitong sabi. Sabay hagod ng tingin sa buong pagkatao ni Selena.

"Wala na. Saka may asawa na ako. Sige. Aalis na 'ko ha. Hinihintay na ako ng asawa ko." nais nitong magmadali dahil gusto nitong ibalita sa asawa ang biyayang ipinagkaloob sa kanila ng Poong Maykapal.

"Selena!" muling tawag nito. Sabay hila at halik sa kaniya. Isang malakas na sampal ang ginawa ni Selena.

"Damn. Selena I missed you. I know you missed me too. Don't you? Please 'wag ka ng pakipot." tumakbo na lang si Selena dahil sa sobrang pandidiri.

Natapos ang alaala ni Selena. Nakasakay siya sa kotse at pumunta sa paraiso.

Nang makarating siya roon. Agad siyang pumunta sa dalampasigan. Umupo at pinagmasdan ang paglubog ng araw.

Ibinaba ang sulat para sa asawa at ang letrato ng biyaya  nila. Naabutan niya roon ang munting palasyong gawa sa buhangin. Ang sayang pagmasdan na kahit gawa sa buhangin ang palasyo matatag itong nakatayo.

Ngunit dumating ang alon na nagpatumba rito. Nawala ang ngiti ni Selena. Manunulat siya. Alam niya ang pinahihiwatig ng simbolo nito.

Ipinagpatuloy niya nalang ang pagsusulat.

Nagpapasalamat ako sa'yo munting hari ko. Salamat sa pagbibigay ng palasyo sa maruming tagapagsilbing tulad ko.

Hindi ko naman hiling na magkaroon ng palasyong gawa mo. Hindi ko rin hiling na umupo sa kasama sa trono mo.

Ngunit sana. Bato ang tiwalang binigay mo sa akin. Sana noong tumama ang malalaking alon, nanatili itong matatag.

Patawad kung hindi ako malinis, karapat-dapat at mabuting reyna para sa'yo.

Sana mahanap mo ang kaligayahan mo. Humanap ka ng karapat-dapat na reyna.

Gusto ko lang sabihin na...
Kahit hindi ikaw ang una. Ikaw naman hanggang sa dulo.

Sa ngayon hahanapin ko muna ang lahat. Hanggang sa maibigay ko sa'yo ang pagmamahal ng dagat.

Ang iyong taga-pagsilbi
Selena.

Ps. Sana malunod ako sa pagmamahal ng isang haring tulad mo.

Tinapos niya ito at naglakad sa dalampasigan. Umabot na hanggang tuhod... Bewang... Leeg...

"Ramdam ko ang lalim ng pagmamahal mo sa akin noon."












"Selena!"
Sigaw nito ng wala na siyang abutang Selena. Sinundan niya ito. Naunahan lang naman siya ng galit. Ng selos.

Lumingo ito sa paligid ngunit walang Selena. Pumunta ito sa dalampasigan.
Walang Selena.

Letrato ng biyaya at sulat na lamang ang andoon.

"Hindi..."

Sand Castle LoveWhere stories live. Discover now