Entry # 6 - Da Speechless Scenery

357 4 0
                                    

Dear Diary,

  Kanina the unexpected scenery ang nangyari eto na ikwento ko na lang...

Umagang umaga super excited ako pumasok sa school dahil diba nga diary yung sinabi ko sayo na nandito si Oppa Andrei sa Manila ei syempre excited ako dahil makikita ko nanaman ulit siya at kung hindi man gagawa ako ng paraan para lang makita ko siya so yun nga.

Lumabas ng bahay
.
.
.
.
.
Sumakay sa jeep
.
.
.
.
.
Bumababa
.
.
.
.
.
Pumasok sa school
.
.
.
.
.
Naglakad
.
.
.
.
.
Pumasok sa classroom
.
.
.
.
.
Nag-aral ng nag-aral ng nag-aral.
.
.
.
.
.
At RECESS NA

O diba ang bilis ng pangyayari kasi wala namang espesyal duon wala kong kaibigan kaya less kalokohan, kahit naman dati sa labas wala ding espesyal, pero ngayon na nandito na siya special na ang aking recess araw araw.

Kaya lumabas na ko ng classroom pero may asungot nga pala na laging nagkabantay diyan sa labas na parang budi gard bushak ei, "Hallo drey" with matching kaway kaway pa "Hallo" yun lang tapos umalis na ko kasi naman baka mangulit nanaman yun, GG nanaman ako.

Tumakbo na agad ako para hindi ko na siya maka-usap ulit pero narinig ko na may sinabi pa siya, sabi niya "Uyyy wait lang drey, sabay na tayo kumain" hinabol niya pa nga ko ei, pero binilisan ko talaga, ngayong araw hindi na ko pumunta ng canteen nagbaon ako ei, pinagbaon kasi ako ni mama ng mansanas kaya yun.

Pero alam mo kasi diary, ang gagawin ko ngayon ei susundan ko Oppa, alam mo yun, mag-aacting stalker ako ngayon tsaka diba wala naman akong ginagawa lagi lang akong naka-upo, kaya ngayon para naman maging makabuluhan ang highschool life ko, itatry ko na ngayon ang lahat ng hindi ko pa nagagawa, diba kasi sa nagdaang taon, lalo na ngayon na last year ko na sa pagiging highschool, kaya nagpapasalamat talaga ako kasi dito napadpad si Oppa Andrei ei, kasi wala naman akong nagugustuhan dito, hindi naman sa sinasabi kong paget ang itsura nila, pero yung ugali nila diary grabe, NAKAKAGIGIL parang hindi mga naturuan ng good manners and right conduct ang ibang tao dito, bushak, nakakapagtaka lang kasi diba elementary palang tinuturo na yun.  ̄へ ̄

Pero eto na nga, nagpunta ako malapit sa classroom ni Oppa, paglabas niya sinalubong agad siya ni Margo, ano ba naman tong babaeng ito, lagi na lang nakadikit kay Oppa Saranghaeyo ko nakakainis na ha, nung una sa bakanteng lotte tapos ngayon sa labas ng classroom, magkaano-ano kaya tong dalawang to at palaging magkasama, pero keri lang basta para sa kanya, sinundan ko sila nang sinundan haggang sa kabilang ibayo, grabe tong scenery na ito ha, para silang kamag-anak ni Dora the explorer at ako naman tong mala-swiper ang peg na sunod ng sunod sa kanila, kasi gusto kong nakawin si Oppa Saranghaeyo kay Margo laki NGUSO. Oo Diary ang laki talaga ng nguso niya para na siyang girl version ni Donald Duck sa sobrang laki.

Pero ang napansin ko lang kanina pa sila naglalakad di  ba sila napapagod, kasi nalibot na namin ang buong campus, at ngayon ko lang nagets siguro, nag-acting tour guide ang peg si Margo, OMG siguro yun labg talaga ang dahilan kung bakit sila magkasama, kasi itotour niya si Oppa Saranghaeyo sa buong campus then tapos na ang trabaho, pero ano yun parang sa tingin ko ei hindi naman papayag si Margo laki nguso sa ganon, sa sobrang arte pa naman nito, tsaka yung sa bakanteng lotte nakaakbay siya.

Hay ano ba yan, sumasakit na ang ulo ko, sa nangyayari, sa tinagal tagal ng pagsunod ko sa kanila, feeling ko ito na ang huli, sa canteen aalis na sana ko ei, kaya lang nakalimitan ko may baon nga pala ako at hindi ko to nagalaw simula kanina sa sobrang busy ko kakasunod sa kanila tsaka kinakabisado ko yung nangyayari para may maikwento ako sayo, kaya kumain muna ako, tapos nung tapos na ko kumain, aalis na dapat ako kaya lang may isang babae na lumapit sa akin tinabihan niya ko, at alam mo ba kung sino Diary si NGUSO at kinurot niya ko nang sobrang sakit pasi maliit lang yung pagkakahawak niya kaya maskit, at sinabi "Hoy balake, kanina pa kita napapansin ei, sinusundan mo kami ng kasama ko, tigilan mo yan kung ayaw mong ipabully nanaman kita sa mga kakilala ko dito, tsaka wag na wag mong susubukang lumapit sa kasama ko ha" tapos dumating si Oppa nawala yung sakit ng kurot niya kahit na bumaon wala kong naramdman napatulala lang ako sa kanya, "be tara na naorder ko na yung pagkain natin" umalis na sila pero ako tulala parin.

"Huyyyyy" OMG parang pakiramdam ko eh binalikan ako ni Oppa, pero pakiramdam ko lang yun kasi in reality ang tunay na nagkalabit sakin ay si Ulap, hayyysss siya nanaman, bakit ba sa lahat ng lugar na napupuntahan ko nandun din siya juicecolored naman oh, "Ano nanaman!!" sabi ko, "May gusto ka dun sa lalake no, kanina ko oa napapansin titig na titig ka sa kanya ei", "Eh ano naman sayo!?", "Wala hehe, Teka sabay na tayo!" mabilis ang lakad ko kasi malelate na rin ako at naiinis ako, kasi ngayon ko lang narealized yung tinawag ni Oppa kay Nguso, BE DAW DIARY BE, so ano meaning non be as in beb, or beh, or beybe, ang corny naman ng endearment nila, hindi bagay, tsaka hindi din naman sila bagay ei, mabait si Andrei, salbahe naman si Margo, simple lang si Andrei, Maarte naman si Margo, lahat na as in total opposite silang dalawa kaya hindi sila bagay, pero diba sabi nila yung magkaiba daw ang mas bagay sa isa't isa, ano baka nga magjowa talaga sila.

Hay nako, ewan sumasakit na yung ulo ko, tsaka yung kamay ko kakasulat, bukas na lang ulit, pero nakakaspeechless talaga yung kanina na lumapit siya, as in malapit na malapit sa akin, pero hindi para sakin (。•́︿•̀。).

O sige na good night na diary, labyu ♡.

Diary ng Slight na Titibo-tiboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon