Ezzekiel

0 0 0
                                    

Pumunta sila sa isang nagyeyelong pinto at pagkabukas nito, nakita niya ang matipunong si Master Izzy habang kinakausap ang ICE Dragon nito.

"Izzy, ito si Erick, isang binatilyo, ipinadala siya ni Warren dito" ani ni Lula habang nakaakbay sa balikat ni Erick

"Halika, Erick at nang malaman ko ang iyong lebel" sabi nito

Lumapit si Erick at dinamdam nito ang kanyang pulso

"Ahhh..." sabi nito habang ang itsura ay hindi maipinta

"Iba ka, higit pa sa dapat mong antas ang antas mo ngayon. Hindi na ako magtataka, dahil uncle mo si Warren" sabi nito habang tumatawa nang mahina

"Tanong ko nga po pala, bakit po Warren ang pangalan ni Tio Nardo ko rito" sabi ni Erick

"Nagbabago ang pangalan rito batay sa antas mo, tsaka nga pala ang pangalan mo ay.... EZZEKIEL" sabi ni Izzy

"Ezzekiel, magamdang pangalan" sabi ni Erick ay este Ezzekiel habang nakatango

"Pwede po bang Ez nalang ang palayaw ko po, Master Izzy?" dagdag pa nito

"Ikaw ang bahala, bukas ay pumunta ka sa opisina ko at kakausapin kita" Sabi ni Master Izzy

"Opo" ani ni Ez

--------------------------|
KINABUKASAN |
--------------------------|

KKKKKRRRRIIIINNNNGGGGG!!!!!

7:00 na at pupunta na siya sa opisina ni Izzy

Pagkarating niya sa kuwarto ay nandoon at naghihintay si Master Izzy

"Tara Ezzekiel o mas dapat ba kitang tawagin bilang Ez" wika ni Izzy

"Kahit ano po, Master" sagot ni Ez

"Pag-uusapan natin ay ang....

--------------------

ANO SA TINGIN MO ANG PAG-UUSAPAN NILA? TUNGHAYAN NATIN SA PAGPATULOY NITONG KUWENTO.

MASAYA AKO AT IPINAGPAPATULOY MONG BASAHIN ITONG AKING LIKHA

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Element Academy: The Academy of HeroesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon