CHAPTER 54

23.7K 858 412
                                    




"You know for someone smart, you sure are DUMB."



"C'mon, Chase. I was just having fun."



"What? You really thought I'd fall for you? Oh God. Kadiri!"




"It's not my fault you're too gullible. I just thought you're quite interesting, that's all. Well, it turned out katulad ka din ng school mo. BORING."





"Look, what happened between us, wasn't real. Masyado ka lang naging assuming. It wasn't real, Chase."

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.




"Hey, you okay?"



Nagulat si Chase sa pag dampi ng palad sa kaniyang braso. Isang box ng pizza, dalawang baso ng orange juice na kasalukuyang siniserve ng yaya ni Andrea, at dalawang concerned na mukha ang nag pabalik sa kaniya sa kasalukuyan.


"That's alright, Yaya. Thank you."



Napa buntong-hininga siya habang mariing sinapo ang kaniyang noo. Lately, napapadalas ang pag sariwa niya sa mga bagay na matagal niya na dapat kinalimutan. Katulad ngayon. Bigla bigla nalang pumapasok sa isip niya ang mga nangyari noon. Wala man lang pasintabi. Walang warning. Bigla niya nalang maaalala ang lahat.



"Okay ka laang ba, Chase?" Tanong pa ni Nanay Miling sa kaniya. Hindi na siya nakapag dahilan pa dito dahil pinilit na din itong paalisin ng alaga niya. Nagpasalamat na lamang siya sa inihanda nitong pa-meryenda.



"Are you okay?" Tanong muli sa kaniya ni Andrea. Napatitig siya dito, bakas ang pag aalala sa mga mata nito ngayon. Nakaramdam siya ng kung ano. Gusto niyang alisin ang espasyong namamagitan sa kanilang dalawa pero kaagad din naman siyang natigilan ng maalala ang mga sinabi nito noong nasa Tagaytay sila.



I like you.


I like you, Chase Santillan.


I like you a lot.




Inumpisahan niya ng iligpit ang mga study materials na ginamit nila sa pagrereview para sa semi-finals exam next week. "Okay lang. Bakit?" Mag aala-sais pa lamang ng gabi. Maaga kasi silang nakapag umpisa ng tutoring dahil parehas half-day lamang ang mga klase nila kanina.




"Nothing. You looked like you were in pain."






Bahagyang nagulat siya sa sinabi nito. Hanggang ngayon pala ay iba pa rin ang epekto sa kaniya ng mga sinabi ni Abegaile.



"Look, Chase. I get it. You don't have to do this anymore." Bago pa man makapag-iwas ng tingin ay nakita niya na ang malungkot na ekspresyon sa mukha ng kausap. Nagui-guilty siya pero wala naman siyang magawa. Hindi niya alam kung anong dapat sabihin. Hindi niya alam kung ano bang dapat niyang maramdaman. Hindi niya ikinakailang may naging saya sa kaibuturan ng kaniyang puso dahil sa naging pag amin nito. Ganun pa man, mas nangingibabaw pa rin sa kaniya ang takot. Takot na baka katulad din lamang ito ng nangyari sa kanila noon ni Abegaile. "I get it, okay? Nararamdaman ko naman na napipilitan ka nalang gawin ang lahat ng 'to. Alam kong hindi ka na kumportable sa akin. You don't have to force yourself any longer. I'll take it from here."



Tumayo na si Andrea at kahit gustong gusto itong pigilan ni Chase ay hindi naman niya magawa. Tila napako na siya sa kaniyang pag kakaupo, nag tatalo ang isip at ang kaniyang puso at kung alin sa dalawa ang dapat niyang sundin. Gusto niyang mag paliwanag. Gusto niyang alisin ang lungkot na nakikita niya sa mga mata ni Andrea. Pero hindi niya alam kung paano ito sisimulan.





QBMNG (BOOK 2) UNDER REVISION 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon