Mahal
Akala ko ba walang iwanan
Akala ko ako lang ang 'yong sinasandalan
Akala ko Nandito ka lang kahit lumakas man ang ulan
Pero bakit?
Bakit ika'y lumisan ng pangmatagalan
At wala ng planong bumalik pa sa ating pinanindigan
Di mo ba alam na ako'y nasasaktan?
Nasasaktan sa mga gawing iyong iniwan
Gusto ko pang ibalik ang dati
Ang dating merong "tayong" masaya
Ang dating pagmamahal lang ay
sapat na
Ang dating mga pangakong ngayo'y hindi na makikita
Oo gustong gusto ko pa
Pero ayaw mo na
Ngayon
Maibabalik pa ba?
Maibabalik pa ba ang pagmamahalan nating dalawa?