Tao ako na may roong puso
Pero wag mo itong pilitin na tumibok para sayo
Kasi hindi ikaw ang laman nito
Masama ba ako?
Dahil ipinagtataboy ko ang lalaking nagmamahal Sakin ng totoo?
Pero Magsisinungaling lang din naman ako pag sasabihin kong
"Ikaw ang aking gusto "
Dahil ang totoo?
Ano ba ang tingin ko sayo?
Sige kahit masaktan ka sasabihin ko
May lugar ka sa puso ko
Meron din sa isip ko
Pero
Bilang Isang kaibigan lang
Kaibigang meron pang mas lalamang
Dahil nga ikay aking kaibigan lamang
Nasasaktan kana diba?
Kaya tumigil kana
Maghanap kana lang ng iba
Yung ibang kayang suklian ang binigay mong paghanga
Yung ibang kaya kang mahalin ng
sobra sobra
Naranasan ko na ding Umasa
Kaya umayaw kana
Umayaw kana sa tulad kong wala kang pag asa
Dahil hanggang dyan lang talaga
Hanggang dyan lang aking makakaya
Ang Maging kaibigan ka