Zild's POV
Kumatok muna ako sa pintuan ng kwarto ni Rylie.
"Pasok." Sabi nya.
Medyo kinabahan kaming apat nung narinig namin yung boses nya. Ang lamig pero at the same time nakakatakot.
binuksan ko yung pinto.
Medyo nanginginig pa ko sa pagpihit.
"Hello Rylie.." Sabi agad ni Ter.
Tignan mo tong lalaki na to oo. May gusto na siguro si Ter kay Rylie.
Siniko naman agad ni Badj si Ter.
"Sorry hindi ko talaga mapigilan." Sabi ni Ter.
"Hello." Sabi ni Rylie kay ter pero walang emosyon.
Ganyan kaya siguro tong babae na to?
"Kamusta?" Sabi ni Rylie sa aming apat.
Hindi ko alam sasabihin ko. Sasagot ba ko?
"Masaya" sabi ni Ter.
Siniko sya ulit ni Badj.
"Bakit?" Tanong ni ter kay Badj.
Sinenyasan naman ni Badj na tumahimik na lang si ter.
Um-oo naman si ter.
Nagpipinta ulit si Rylie.
"Upo kayo." Sabi ni Rylie.
Naupo kaming apat sa sofa nya malapit sa kanya.
"Wowww." Sabi ni Ter habang pinapanood si Rylie na magpinta ng muka. Tila easy o basic na lang kay Rylie ang lahat.
"Thanks." Sabi ni Rylie at saka sya ngumiti.
Nagtinginan kaming apat.
Huy first time!!!
"Thank you pala kagabi." Simpleng sabi nya habang nakafocus sya sa pagpipinta.
"Wala yon." Sabay sabay naming sinabi.
Ngumiti ulit sya pero hindi sya nakatingin sa amin.
"May sarili ka rin bang shop para sa mga artworks mo? Or sariling art gallery?" Tanong ni Unique.
Huminto sya sa pagpipinta.
Tumingin sya kay Unik.
Nakatingin sya kay unique!!!!! Hanep natatakot na ko para sa amin.
Ngumiti sya. Omg para akong maiihi. Bat ganon? Ako yung mas natatakot para kay unik. Bat ba ko natatakot?
"Alam mo, sana nga.." Sabi nya.
"Sana nga magkaroon ako non." Sabi nya sabay pinta ulit.
"Sobrang galing mooooo." Sabi ni Unik.
"Ikaw yung unang taong nagsabi sakin nyan." Sabi ni Rylie.
"TALAGA?" Sabi ni Unique.
"Bawal malaman ni Dad na nagpipinta ako. Bawal din nyang malaman na isa akong sikat na writer. Ako si MSRY. Akala nila may meaning bawat letter nyan, ang di nila alam, short for MS. RYlie." Sabi nya habang naka smirk.
Wait! Medyo naguguluhan na ko.
"Oh. my. god!! Seryosooooo?? Eh kumpleto kaming dalawa ni Zild ng books nun e!" Sabi ni Unik.
BINABASA MO ANG
Living with IV of Spades [COMPLETED]
FanficPaano kung magkaroon ka ng opportunity na makasama ang IV of SPADES sa bahay nyo? Si Rylie, isang model ngunit tila hindi masaya sa kanyang buhay. Ano kaya ang magiging reaksyon nya sa pagdating ng IVOS? Ang IV of SPADES kaya ang makakapagpasiya sa...