"Bakit ba lagi na lang kayo ganito sa 'kin?"May hikbing sambit ng binatang nakayuko at yakap-yakap ang kanyang tuhod sa gilid ng madilim at gulo-gulong kwarto na ito.
Tumunghay ang binata at tinignan ang buong kwarto. Makikita ang mga nakakalat na mga pagkain, ice cream na di naubos, mga chichiryang sabog-sabog, pati na rin ang mga bote ng beer sa mesa, maging ang mga kulu-kulubot at nilukot na mga papel.
Everything was a mess.
Even him. He was a mess.
Dahil kasalanan nya.
Na naman.
Kasalanan na naman nya.
Haha!
Ano pa ba ang bago? Sya lang naman lagi nagdadala ng problema sa bahay nila. Dahil daw kasi sa 'Negative Aura' nya, kaya sila minamalas ng pamilya nya sa negosyo. Sya daw ang malas sa pamilya. Isang ipot, paepal lang sa buhay ng mga magulang at kapatid nya. Tamad kasi sya sabi ng Nanay at Tatay nya.
Iyak lang ng iyak si Jace sa sulok ng kwarto nya. Tanging mga hikbi ng pag-iyak lamang ang maririnig sa apat na sulok ng kwarto. Isama mo na rin ang mga samut-saring mura at hinanakit na maririnig mula sa bibig ng binata. Napapagod na rin kasi siya sa mga nangyayari. Paulit-ulit na lang kasi, kaya di na rin nya mapigilang umiyak.
Oh, sino nga bang hindi iiyak kung ganito ang pamilyang mayroon ka?
Mababaon sila sa utang, sya sisisihin.
Hindi lalago ang negosyo ng nanay, sya ang sisisihin.
Ultimo nga ang pagiging mababa ng grades ng nakatatanda nyang kapatid, sya pa rin sinisisi.
Dahil nga daw kasi sa kanya kaya nagkanda-leche-leche ang buhay nila.
Pero bakit ba sila ganito sa kanya? Pinipilit na nga nyang gustuhin ang mga ayaw nya para sa sinasabi nyang pamilya nya. Pero kulang pa rin.What a kind of family, right?
Hay.
Ngayon, heto sya. Lugmok na lugmok. Mag-isa. Umiiyak. Walang kahit sinong gustong umaruga.
Umalis na sya sa bahay nila. Kung hindi pa sya sasabihan ng Kuya nya ng masakit na salita, hindi nya pa mapagde-desisyonan na umalis. Saka di na rin naman nya kasi matiisan ang ganoon na klase ng pamilya.
Sino ba namang tao ang hindi mapapa-alis kung sabihan ka ng kapatid mo ng,
"Ikaw lagi ang sakit sa ulo ng pamilyang 'to e. Ikaw na lang lagi pinagmumulan ng gulo dito sa bahay. Mawala ka nalang kaya?"
Bakit nga ba hindi na lang ako mawala? Bulong nya.
Napatingin sya sa isang parte ng mesa. May isang maliit at manipis na metal ang makikita. Parisukat ang hugis, matalas at kumikinang. Pilit na nagpapakita sa kanyang mga mata. Tila ba nagpapa-pansin ito sa kanya. Tila ba sinasabihan sya nito na pulutin at wakasan na ang lahat ng paghihirap.
Naalala nya ang mga nangyari sa kanila ng kanyang pamilya. Naalala nya ang mga sigaw, iyak at paninisi ng kanyang buong pamilya sa kanya.
YOU ARE READING
Broken Self
ChickLitHe is a bomb. Anytime he can explode; destroying anything near him from the outburst. You won't understand. Never.