Z pov
"Zero magaling na ba yung paa mo?" Pag tatanong ko
"Ah oo daplis lang to ,kayang kaya ko na ngang tumakbo eh.."
Nandito kami ngayon sa condo ko , inaalagaan ako ni zero tapos si jairus naman ang nag aalaga sa engliserong bata na yun.
"Nga pala z pupunta tayo ngayon kila mommy ngayon .tara na,kunin mo na din si baby"
Sabi ni zero
"Ah zero pag makita yan ng daddy baka magalit siya "sabi ko
Nakakatakot magalit si daddy at sigurado akong ipapa adopt niya yung bata
" ok pero di mo kailan man maitatago yan"sabi niya
"Oo alam ko" sabi ko ngumiti ng onti.
"Z may aaminin ako sayo?" Sabi niya
Aaminin?baka bakla siya?o baka naman nabakla siya sa kagandahan ko !o baka may syota siyang bakla!omy !
"Ha eh ano yun?" Sabi ko
Bigla niyang kinagat ang labi niya at may tinitignan siya yun ay walang iba kundi ang lipstick kong pink na nakalimutan kong itago.
Bakla talaga siya naka tingin siya sa may lipstick kong pink sabay kagat labi!omygosh !so ang title pala ng istoryang to ay "MY BAKLA HUSBAND" readers huhuhuhu may magiging bakla akong asawa!
"Am z di talaga ako ----" sabi ni zero di niya naituloy ang sasabihin niya ng tumunog ang cellphone niya
''Hello mama"sabi niya
May accent yung pagkasabi niya nun.
hala sabi niya di talaga siya yan! baka di talaga siya tunay na lalaki at yung pag kasabi niya ng mama, alam kaya ng mama niya na bakla siya? baka magka sabwat sila at di alam ng daddy niya at di din alam nila daddy!
"Hoy z! halika na, tinatawag na tayo punta na daw tayo saamin " sabi niya
Di ko nanarinig yung pinag uusapan nila kanina kase nga nag mumuni muni ako, inaalala kung bakla nga ba si zero.
---------------------------------------------------
(Mansion nila zero clay froster)
Nakapasok na kami sa bahay nila at papunta na sa dining nila, mas mayaman pa sila kaysa sa amin parang kalahati palang ng mansion nila ang mansion namin.
Pagkabukas ng pintuan, bumungad saamin ang ang mamahalin nilang dining, as usual chandelier at mga gold na mesa at upuan sa gilid naman ay mesang maliliit na kulay gold din may nakalagay doon na mga antique vase na may ibat ibang designs na halata mong galing sa ibat ibang bansa.
"Hello mom ,dad " malumanay kong sabi atsaka nakipag beso beso lumakad naman ako papunta sa mama at papa ni zero nakipag beso beso din.
"Hello po tita , tito" sabi ko
"Hello din ija" sabi ni tita
Buti pa sila bumati samantalang ang magaling kong mga magulang wala manlang akong natanggap na talumpati.
Umupo ako sa tabi nila mommy at Daddy. Kumaway din ako kay tanya tumabi din si zero sa tabi ko kaharap namin ang parents nila zero at kapatid niyang si tanya .
Nag usap na sila kung saan ano kung paano ang kasal di nga ako makapag salita eh paano si mommy naman ang taga sagot taga pili ng decoration ng kasal eh! letche!parang siya yung ikakasal ah! nakakalang init ng ulo ang tulad niya.
Si daddy naman ang lakas ng tawa ah at pinag uusapan kaagad ang apo daw nila kung babae o lalake. Mag ampon nalang ako. Feel ko kase ayaw ko pang magka anak eh.
Tapos ang weird may hinahanap pa yung parents nila zero na kung nasan daw si white, well i dont care, baka aso lang nila yon.
--------------------------------
Natapos din ang meeting na yun, nandito kami ngayon sa garden nila zero, may magaganap daw kasing ranking the royal families ngayon.
"Ah z yung napag usapan natin kanina may aaminin ako sayo" sabi pa niya
Ayan na aaminin na niya na bakla siya !
"Ah ano kase eh ..." Sabi niya
"Na?...." Sabi ko naka upo kami sa bench nila, maganda ang view dito medyo marami rami na ding tao , mamaya pa ako mag aayos.
Tinignan ko si zero na nakatingin sa babae na maganda at kung makatingin siya parang naiinggit siya sa ganda nung babae.
Bakla na talaga si zero!
Well good ! Mag kakasundo kami!
next chapter
BINABASA MO ANG
The Gangster Queen Married to A Mafia Boss
Random(still editing) i will up date as fast as i can .thanks-author