Kabanata 52: Alliance

27.3K 778 94
                                    




|| Dessy Leondale's Point of View ||

Hinang hina at nararamdaman ko na ang pagkirot ng buong katawan ko nang alalayan ako pababa ng ilang tauhan ni Lennox pababa ng Van. Hindi ko alam kung saan n'ya ako dinala dahil ang tanging nakikita ko lang ay diretsong daan, maraming naka-surgical mask at parang may iba't iba silang ginagawa. Nakuha rin ng atensyon ko ang maraming bantay na nakatayo sa bawat pinto ng nilalakaran naming hall. May mga dala dala silang armas at mahahabang baril na nakasakbit sa mga balikat. Nagagawa pa ng mga itong tumungo sa tuwing daraanan namin sila.

Habang palayo ng palayo ang nilalakad namin, pabago bago rin ng ilaw ang nakikita ko. Noong pumasok kami sa building na ito ay kulay puti at normal lang ang ilaw pero nang nakarating na kami sa gitna ay parang naging asul na ito. Anong lugar ito?

Naramdaman ko na lang na bumagsak ang katawan ko sa malamig na sahig nang bitiwan ako ng dalawang lalaking may hawak sakin kanina.

"Poor you," Mula sa kinauupuan ko ay nakita kong lumuhod si Lennox at hinawakan ang panga ko. "Why are you look so pale?" Natatawa pa nitong tanong.

Napangisi ako sa kan'ya at inirapan ng tingin, "Ikaw na yata ang pinakatangang lalaking nakilala ko sa buong mundo," Hindi ko napigilan ang maubo ng bahagya nang maramdaman ko na naman ang pagbaliktad ng sikmura ko. Sandali muna akong lumunok bago isampal sa kan'ya ang mga salitang tiyak kong masisira ng gabi n'ya. "Wala kang kaalam alam na sinisira ko na ang larong matagal mo ng plinano..."

Dumiin ang pagkakahawak ni Lennox sa panga ko at nararamdaman kong unti unti akong tumatayo sa kinauupuan ko. "What the fuck do you mean?" Nanggigigil n'yang tanong pero nakangisi pa rin.

Mas nilawakan ko pa ang ngisi ko at hinawakan ang kamay n'yang nakahawak sa akin, "Alam mo na kung ano ang ibig kong sabihin,"

Sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilang hindi maduwal sapagkat kusa na akong nasuka. Binitiwan ako ni Lennox at nakita naming pareho na dugo ang nailuwa ko. Nanghihina kong pinunasan ang mga labi ko tsaka dahan dahang tumingin sa kan'ya.

"The game is over, Lennox..." Nakangisi kong usal kahit na panay ang kirot ng katawan ko dahil sa sakit. Pero parang nawawala ang mga kirot at sakit na iyon nang makita mismo ng dalawang mata ko kung paano nagulat si Lennox at kung paano s'ya maasar dahil sa ginawa ko.

Hinawakan ako ni Lennox sa buhok at pinaharap sa kan'ya. "Pasaway ka talagang babae ka. Kung akala mo dito na nagtatapos ang lahat then, you're wrong," Ngumisi ito at pinanlakihan pa ako ng mga mata, "Masyado mo lang pinahirapan ang sarili mo at pinadadali mo ang pagkamatay mo." Muli n'ya akong malakas na binitiwan at napahiga na ulit sa sahig.

Tumama ang kanang noo ko sa matigas na sahig. Naramdaman ko ring pumutok ito dahil sa malakas na pagkaka-untog at naging sanhi ng maliit na pagdurugo.

Tumayo si Lennox sa pagkakaupo at pinagmasdan lamang ako, "Lets see how far you can resist the poison. Hindi ka na tatagal pa ng apat na oras at wala na ring magagawa si Duri para iligtas ka dahil hinding hindi mapapa-sakan'ya ang antidote."

Hindi ko na nakita ang paglabas ni Lennox sa kwartong pinagkuluyan n'ya sa'kin. Tuluyan ng nanlalabo ang mga paningin ko at pagod na pagod na rin akong pigilan ang mga dugong lalabas pa sa bibig ko.

Napahilata ako ng higa at sunod sunod na hinahabol ang mga hininga. Sandali akong nagmulat at pinilit na ngumit habang nakatingin sa bakal na bubong.

"Umaasa akong darating ka, Duri..." Tumulo ang luha ko sa magkabilang gilid ng mata ko nang tuluyan kong ipikit ang mga ito, "Iligtas mo 'ko."



He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon