CHAPTER THIRTEEN

1.2K 18 2
                                    

Hello dearest!
Na-miss niyo po ba ang Pineda brothers? Nagbabalik na sila! Sana po ay ma-enjoy niyo ang new chapter! Sorry po sa late update. Huhuhu! Please sana mag vote, share, comment pa rin po kayo. Kahit madalang po ang update, writing is still my passion kaya babalik at babalik po ako para sa inyo. :) wink!

Social media updates muna po tayo.

Facebook: Neri Joy Jayson
-all about writing and my characters po ito
Twitter: @lady_25me
-stalking app hehe
Instagram: @neri_joy_jayson
-my personal space, if you want to get to know me dito po ako tambay
Booklat: Neri_Joy_Jayson
-may exclusive stories po ako dito sana ay mabasa niyo rin
Youtube: Neri Joy Jayson https://www.youtube.com/channel/UCduNEWNBT3UIBJrpmtdsc8g
-#NeriKemeVlog, youtuber din kapag may time. Hehe!

Chapter Thirteen

Hindi makapag-isip ng maayos si Arwynn. Hindi siya makapaniwala sa nalaman niya. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Hindi na naman siya pwedeng magkalat. Kailangan niyang mag-isip. Mag-isip ng tama. Mag-isip ng maayos. He inhaled. He exhaled. He did it ten times and more. Kumalma siya. Pero alam niyang may dapat siyang gawin.

"Hindi pwede Aimee." Bulong niya sa sarili saka lumapit sa baba ng maliit na stage. Pinagmasdan niya ng mabuti sina Aimee at Allen. Nagpapalakpakan at hiyawan ang lahat. Kalmado na siya. Wala siyang pakialam sa reaksyon ng mga tao. He just stared at her. Ilang saglit pa ay nabaling na sa kanya ang pansin ng kanyang best friend. Mga blangkong sulyap ang binigay nito sa kanya. He was not used to those blank stares. Tila wala na ang ningning sa mga mata nito kapag siya ang tinititigan.

Ilang sandali pa ay bumaba na ng stage si Aimee kasama si Allen.

"Hey guys!" Pagbati niya sa mga ito.

"Arwynn please..." Bungad ni Aimee. Tila pinagdududahan siya nito na may gagawing hindi maganda.

"Congrats bro!" Inabot niya ang kanang kamay kay Allen. Wala siyang planong manggulo. Not here. He realized that this time hindi sa gulo maayos ang mga bagay-bagay. He was trying to fix things in the right way. Lalo na't ang best friend niyang si Aimee ang pinag-uusapan ngayon.

"Thanks bro! You must be?"

"Arwynn. I'm Arwynn Pineda. I'm Aimee's best friend."

"Oh... Best friend... I'm Allen Cristobal. Her boyfriend."

"I know. Lagi ka niyang kinukwento sa akin. Mahal na mahal ka raw niya Allen. Kahit... ilang araw palang kayong magkakilala." He replied sarcastically.

"Arwynn please..." Hinawakan na siya ni Aimee sa braso. Tila nangangamba na ito sa mga susunod niyang sasabihin.

"Really?" Tugon naman ni Allen.

"Yes! Ahm Allen pwedeng mahiram ko lang ng sandali ang best friend ko? Personal matters lang sana." Pagpapaalam niya rito in the nicest way possible.

"Aimee?" Tanong ng lalaki kay Aimee.

"Yup Allen. I'm fine. Sunod nalang ako sa backstage. Usap lang kami." -Aimee.

"Okay. Hurry up. We will have an after party." Bago tuluyang umalis ang lalaki ay nakipagtitigan pa ito sa kanya. Iba talaga ang pakiramdam niya sa mga malalagkit nitong titig. Bading talaga to eh.

"Aimee ano 'yon? Kailan ka pa nagka-boyfriend over night?" Agaran niyang tanong pagkalayo ni Allen.

"Did I ever questioned you for having new girl everyday? Hindi naman hindi ba? Kaya pwede ba Arwynn. Let's just stay the same when it comes to our relationships. Walang pakialamanan." Iritableng tugon nito.

"You never had a boyfriend Aimee. Yes you've been in many dates but you never had a boyfriend. Tapos biglaan pa yang boyfriend mo. Akala ko boss mo lang tapos isang gabi lang ang lumipas boyfriend mo na? So malamang magtataka ako. I just want to protect you as my best friend." He sincerely told her. Si Aimee lang naman talaga ang nakakapagpalambot sa kanya ng ganoon. Ngunit sa totoo lang, hindi rin niya maalis ang katotohanang may selos talaga siyang naramdaman kaya kinokompronta niya ito. He wanted to know the truth. He wanted to know that it was all just a prank.

PERFORMANCE BROTHERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon