Chapter 8

45 2 0
                                    

Jesster's POV

"Rides! Rides!" sigaw ko habang naglalakad papasok sa G.H.

Pagbukas ko ng pinto ay nandun na sa loob si James , at si Gibson.

"Pre! Malapit na ang Rides!" Sabay apir kay Gibson.

Nakatingin naman sa akin si James na may halong pagtataka.

"Bakit pre?" Tanong ko kay James.

"Anong Rides?" Tanong nya.

"Ano ka ba naman! na turingan kang number 1 sa school tapos rides lang di mo pa alam?" Sabi ko.

"Alam ko ang literal na meaning non! Ang tinatanong ko bakit ka sigaw ng sigaw ng rides?!" Sigaw nya sa akin.

Haha! Mukhang nainis ah hahaha XD

"Linawin mo kasi tanong mo pre." Sabay akbay kay james. " Sa darating na Thursday na kasi ang Foundation day ng school kaya mag lalagay sila ng mini carnival dito sa school" paliwanag ko.

"Ahh. So ilang days yon?" Tanong nya.

"Isang araw lang pre. Tapos sa gabi may fireworks display. Sa tingin ko sasabihan ka ng school since ikaw ang top student" sagot ko.

"Siguro nga. At salamat sa pag inform sakin." Pasasalamat nya.

Wooo! excited na ako sa Foundation day. Kaso money burn to XD. Last year mahigit 20,000 ang naubos ko kaka-kain at kakabili ng tickets.

Umupo ako sa tabi nila James at Gibson at nakipagkwentuhan.

Mamaya lang ay dumating naman si Ella at dumarecho agad sa kwarto nya. Kahit si Alex ay dumating din at sumama sa pakikipag kwentuhan namin.

"Alex! Napasyal ka ata?" Tanong ko kay Alex.

"Syempre sa Thursday na ang Foundation Day eh! Malapit na kaya kailangan mag handa" sagot nya.

"Bakit ba excited kayong lahat dun?" Pagtataka ni James.

"Kapatid alam mo kasi bukod sa Rides at fireworks meron din mga event at booths dun!" Sagot ni Gibson.

"Oo nga! Pati mga Contest at mga Games!" Sabi naman ni Alex.

"Basta pre maiintindihan mo din kami pagdumating na ang araw ng foundation day" sabi ko.

"So? Ganun talaga kasaya yun? Mukha naman masaya ! Sige Excited na din ako." Sabi nya. Sabay ngiti.

"Osya sige na pupunta lang ako sa Student Council" dagdag pa ni James.

"Sige!/ ingat!/Ge!" Sagot namin tatlo.

Nag kwentuhan kami nila Alex at Gibson halos buong umaga. Hindi na naman bumalik si James at si Ella as usual late na umuwi. Bakit ko alam? Kasi nung umuwi kaming tatlo bukas pa ang ilaw sa kwarto nya.

Dumaan kaming tatlo sa Isang Fast food restaurant para mag merienda at pampalipas oras na din.

"Pre, tingin mo ba makakabalik si Sarabeth sa S.A?" Tanong ni Gibson.

"Sa tingin ko makakabalik sya. Matalino naman yun eh. Pati sabi nya babalik daw sya" sagot ko.

"Eh nasabi mo naman ba yung Feelings mo sa kanya bago umalis?" Tanong ni Alex na naka ngisi.

"A.....nong Fee....lings? Friends lang kami ni Sarabeth" sagot ko.

"Friends? Nauutal ka nga magsalita ngayon oh! Tapos namumula ka pa!" Sabi ni Alex.

"Gusto mo si Sarabeth pre?" Tanong ni Gibson.

"Teka! Teka nga! Pinag kakaisahan nyo ko eh. Friends lang kami ok? Friends lang" depensa ko. Ayoko munang sabihin ang Feelings ko sa kanya. Baka mamaya mawala ang pagiging Friends namin pag nalaman nya. Baka mamaya umiwas sya.

"Alam mo Jesster kahit anong tanggi mo, halata naman na iba ang tingin mo kay Sarabeth kaysa sa ibang babae" sabi ni Alex.

Nakakainis naman ! Masyado ba talagang halata??! Di naman ako nagsasabi sa iba about dun. At normal lang naman ang kilos ko pag nandun si sarabeth eh. Pano nya napansin ni Alex? Lagi naman syang wala sa G.H.

"Haay ! Oo na! Pero promise nyo kahit kanino wag nyong ipagsasabi yon ah!" Sabi ko. Baka mamaya eh kumalat tapos malaman pa ni Sarabeth. Syempre gusto ko ako ang magsasabi sa kanya ng personal.

"Grabe ka pre, gusto mo pala si Sarabeth di mo man lang sinabi sa akin." Sabi ni gibson.

"Pasensya na pre. Teka Alex pano mo napansin eh lagi ka naman wala sa G.H ah?" Pagtatakang tanong ko.

"Kahit madalas akong wala syempre na oobserbahan ko kayo pagnapunta ako." Pagpapaliwanag nya.

"ahh.. Ganun ba?" Sabi naman ni Gibson.

"Oy guys kailangan ko nang umalis medyo late na kasi eh. Mag aaral pa ako" sabi ni Alex at hinalikan kami sa pisngi ni Gibson.

"Ako din pre. Uwi na ako" sabi maman ni gibson at nakipag kamayan sa akin.

"Sige ingat kayo, uuwi na din ako kita kita na lang bukas." Sabi ko at umalis na.

Ang galing naman ni Alex. Naobserbahan  nya yun. Di na ako nagtatakang kasama sya sa top students.

She's a HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon