Chapter 5

11.5K 244 5
                                    

Clara's Point of View:



Nagising akong nasa madilim na lugar at nananakit ang buong katawan ko. 'Nasaan ba ako?'  Wala akong makita, ang dilim! 'Hayop ka talaga, Dave!'



Bwesit! Hanggang kailan ba dapat ako magdusa at masaktan? Hindi ko na kaya, eh, ayoko na! Sawang-sawa na ako sa ganitong buhay gusto ko na lang maglaho at tuluyang mawala. Ayoko na! Ayoko na talaga! Suko na ako at pagod na pagod na ako! Hindi ko na kaya.


Gusto ko na lang tapusin at wakasan ang buhay ko. Pero paano ang anak ko? Wala akong kwentang ina kung susuko ako, kung pati ang anak ko ay idadamay ko sa problema ko. Hindi dapat ako sumuko ng ganito, kailangang may gawin ako para sa ikabubuti ng anak ko.





Dave's Point of View:


Hindi ko alam pero hindi ako mapakali sa ginawa kong pag kulong kay Clara sa bodegang iyon.



Bumangon ako para puntahan siya. Pagbukas ko ng pinto nagulat ako sa nadatnan ko. Duguan siya at may hawak pa siyang basag na bote.

"Stupid! Ano ba sa palagay mo ang ginawa mo?" Galit kong sigaw sa kanya kahit na alam kong hindi niya naman ako maririnig dahil wala siyang malay.


Dali-dali ko siyang binuhat at dinala sa loob. Bwesit! Gusto niya pa talagang alagaan ko siya? Asa naman siyang gagawin ko iyon! Teka lang, paano ba aayusin ito? Bwesit talaga!

I have no choice but to bring her to the hospital. Ayoko namang mamatay siya sa mismong pamamahay ko.




In the hospital.







"Kumusta po ang pasyente?" tanong ko sa Doctor pagkalabas nito ng Emergency room.


"She's fine, masyado na siyang na-i-stress sa kabutihang palad maayos naman ang lagay ng—niyo.

Ring-ring!




Kaagad kong sinagot ang tawag ni Gina.

"Hello? Bakit ka napatawag?" tanong ko sa kanya.



"Dave, I need your help." Umiiyak na sabi niya sa kabilang linya. Hindi na ako sumagot kaagad kong pinatay ang tawag para muling kausapin ang doktor.



"Sige, kayo na ang bahala sa kanya." Pagkasabi ko no'n sa doctor ay iniwan ko na si Clara. Siguro naman kaya niya nang umuwi mag-isa o 'di kaya ay babalikan ko na lang siya mamaya.






Someone's Point of View:



Tamang-tama paglabas na paglabas ni Dave sa Hospital agad akong pumasok para puntahan si Clara.


This is the right time para itakas na siya sa Demonyo niyang asawa. Sa tulong ng kasama ko nailabas namin si Clara sa Hospital, wala pa ring malay si Clara hanggang ngayon.

Kasama ko din ngayon si Nathan ang lalakin makakasama ni Clara patungong Korea. Ako na ang bahalang mag kwento kay Dave ng buong katotohanan, pero hindi ko sa kanya sasabihin ang tungkol Kay Clara.



Dave's Point of View:

On the way na ako ngayon patungong Hospital para balikan si Clara. Bwesit na Gina iyon aartehan lang pala ako. She's one of my Girlfriends  pero hiniwalayan ko na siya kani-kanina lang. Nabubwesit ako sa maaarteng katulad niya.


My Devilish Husband (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon