chapter17.

6.5K 167 6
                                    

"Sigurado ka bang iyan ang ibibigay mo kay Raziel?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Ramael. Hawak na niya ang mga pinamili niyang cellphone. "Ang mahal ng mga cellphone na pinamili mo. iPhone at latest unit pa!"

Tumaas ang isang kilay niya na wari'y nagtataka pa. "Yeah, what's wrong with that?" Tanong niya.

"Wala lang." Tanging sagot ko.

Palabas na kami sa naturang shop kung saan namin binili ang cellphone niya at para kay Raziel. Tiyak matutuwa ang isang iyon dahil binilhan siya ng Ramael. Paniguradong first time niya makakatanggap ng ganoong bagay mula sa kaniya.

Naggagala lang kami dito sa loob ng Mall. Tahimik lang itong kasama ko. Diretso lang ang lakad niya. Parang wala lang sa kaniya kung anong nasa paligid niya. Ang ignorante niya lang tingnan. First time ba niyang pumunta sa mga ganitong lugar?

"Are you hungry? Thirsty?" He finally asked. "We need to eat or drink something."

Inilapat ko ang mga labi ko saka tumango. "M-medyo..." Nahihiyang sagot ko.

He suddenly snake his arms around my waist! "Wala akong alam sa mga ganito, I think you can recommend somewhere?" He said.

"Oh... Sige."

**

Sa isang Coffee Shop pumunta. Sabay kaming pumunta sa counter. Ako na daw ang mag-order habang siya nalang daw ang magbabayad. Eh di sinunod ko naman. Dalawang blueberry cheese cake, isang espresso at isang frappe ang inorder ko.

"Ano pong ilalagay ko na pangalan?" Tanong ng cashier.

"A-ano..." Hindi ko na itutuloy ang sasabihin ko nang biglang nagsalita si Ramael.

"Mr. And Mrs. Black is enough." He answered.

Napaawang ang bibig ko. What?! Ganyan talaga ipapangalan niya? But wait, bakit ganito ang pakiramdam ko? 'Yung puso ko, parang ano... Parang nagwawala? Kasama pa ang tyan ko, parang nag-aalburuto?!

Pinanood ko pa kung papaano niya dinukot ang wallet niya mula sa kaniyang cot and I find it... Hot. Nilabas niya ang kaniyang pera mula doon sa pitaka niya sabay abot sa cashier. Napansin ko pa na medyo tulala pa ang babae sa kaniya.

Napangiwi ako. I know, ate. Hot talaga itong kasama ko. Nakakatulala nga naman talaga pero ako kasi, immune na kaya okay lang.

Bigla na naman niyapos ni Ramael ang isang braso niya sa bewang ko. "Hanap na tayo ng upuan." He said.

Tila nanumbalik ako ang ulirat ko sa sinabi niya. "A-ah! Oo... Hehe." Iyan lang ang masabi ko. Sumusunod lang ang katawan ko kung saan kami patungo hanggang sa narating namin ang bakanteng upuan sa hindi kalayuan. May mga ibang costumers din naman dito. Ang cozy ng atmosphere ng Coffee Shop na ito. Isabay mo pa ang mga acoustic love songs na pinapatugtog sa buong lugar na ito.

"May tanong ako," Sabi ko.

Bumaling siya sa akin. "What is it?"

"First time mo lang ba lumabas?"

"When it comes in this kind of place, hmm, yeah." Pag-amin niya.

Tumalikwas ang isang kilay ko na tila makapaniwala. "Really? Ano 'yon? Buong taon kang nagkukulong sa Hotel and Resort mo?" Sunod kong tanong.

"Bahay at trabaho lang ang ginagawa ko simulang nag-anyong tao ako." Seryoso at malamig niyang sagot. "Wala naman akong gagawin sa labas."

"Eh papaano ka nakakabili ng mga gusto mo?"

"I have bulter, siya ang inuutusan ko. He probably knows everything about me. All of them."

Napasinghap ako. Hindi ko akalain na mukhang inaasa niya pala ang lahat sa matandang butler na nasa mansyon niya. "Wala ba siyang balak magretire sa trabaho niya? Wala ba siyang pamilya?"

Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon