Gavin Hayes
Mag-uumaga na ng makauwi kami kanina kaya tinanghali kami ng gising. Iisa lang ang tinitirhan naming Aspire Gang. Napag-isipan din naming pumunta ng SM. Sila sila ang nag-aya kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumama nalang.Paniguradong mag-aarcade lang tong mga 'to. Tapos mag hahanap sila ng mga babae. Girls hunting eh? Nasa dining table kami ngayon at kumakain. Tahimik at walang nag sasalita marahil kakagising lang. Dahil point of view ko to ipapakilala ko nalang sila isa isa. Magsimula tayo sa kanan ko.
Una ay si Devon Pierce Santiago ang pangalawa na tahimik sa grupo. Madaldal din minsan kapag natitipuhan nyang mang trip sa mga kaibigan namin. May pag ka makulit din naman siya pero sa mga closest friend nya nga lang. Ang isa sa matalik kong kaibigan, kaming dalawa ang mas madalas na mag kasundo. May pag ka cold din ang personality niya but unlike mine. He smile sometimes. Ang pangalawang malakas sa grupo at ang kanang kamay ko.
Sunod naman ay si Razeph Cale Francisco ang playboy ng grupo. Mahilig sa mga chicks at the same time mahilig mag laro ng mga babae and hindi marunong mag seryoso. Pero pag dating sa laban o mga gang fights ay seryoso na siya kaso hindi talaga maiiwasan na may pag ka pilyo siya lalo na pag naiirita sya sa mga kalaban namin. Ang ika-tatlo sa malakas.
Next ay si Reighn Von Hamilton ang pinaka maingay at makulit sa grupo namin kaya minsan laging na-bubully. Joyful at laging masaya although may mga problema siya ay hindi niya to na-iisip pag kasama ang barkada. Ayaw niyang nadadamay kami sa problema niya pero di naman namin hinahayaan iyon. Ang pang-apat sa malakas.
Sumunod ay si Steven Kirk Fletcher ang matanda samin. Yes, mas matanda pa sakin. Ang ma-unawain at maawain sa grupo namin sa madaling salita ay mabait. Sya din ang taga-awat sa mga o bully sa school kaya pag talagang nasa mood mang bully si Razeph ay naiinis siya kay Steven dahil sa pagiging hero kunno niya. Ang pang lima sa malakas.
Ayan sila lang muna ang papakilala ko. The rest ay sila na ang bahala. Nakakatamad na eh, Sa pagpapakilala ko sa iba ay di ko namalayang nandito na pala ako sa kwarto tapos ng maligo. Bilis no? Wag na kayo magtanong kung paano nangyari yon. Agad akong napatayo ng makarinig ako ng pagkalampag sa pinto ko.
Binuksan ko ang pinto and wear my famous cold stare.
"Balak niyo bang sirain ang pinto ko?" Matabang na tanong ko sa kanila. Walang iba kundi ang kambal na Lincoln at Landon. Yeah, They are fraternal twins. Lincoln ang pumapangalawa sa pagiging playboy samantalang si Landon na may pagka nerdy at masungit pero minsan para silang mga bata kung mag away ng kambal niya. Daig pa ng hindi nabigyan ng candy. Ang pang anim at pang pito sa grupo.
"Ikaw nalang ang hinihintay sa baba, leader." Jolly na sabi ni Landon. I forgot, may pagka bipolar din 'to minsan. Tumango nalang ako at sumabay na bumaba sa kanila.
"Ang tagal mo naman leader." Inip na sabi ni Razeph. Kung hindi ko lang talaga to kilala nako napagkamalan ko ng bakla dahil sa pagmamadali.
Gustong gusto na nyan umalis kanina pa dahil maghahanap pa daw siya ng Chicks. Psh!
"Let's go." Tipid kong yaya at nauna na sa kotse ko. Kanya kanya kaming dala ng sasakyan.
Mga trenta minutos din ang tinagal ng byahe bago makarating doon. Binagalan ko lang dahil nga ayokong sumama, napilitan lang talaga ako dahil sa makukulit sila. Agad nakong nag park sa parking lot at bumaba na.
"Bro. Starbucks muna tayo." Sabi ni Reighn kaya tumango nalang ako. Pag pasok namin sa mall ay pinag titinginan kami ng mga tao at mga nag bubulungan na rinig naman.
"Omyy. Diba sila ang Aspire Gang? Watdaa. Ampogi nila."
"Ayos pa ba make up ko? Gahd! Akin kana lang Lincoln."
"Razeph babee. Pakasal na tayoo."
"Devon kahit masungit ka mahal padin kitaa. Kyahh!"
Mga pinagsasabi nila at madami pa. Nako! Eto namang mga mokong todo ngiti at kindat. Napailing nalang ako sa mga kat*r*nt*duhan nila. Yes, lantad ang katauhan namin at kilala ang gang namin. Kaya paniguradong makikilala kami agad ng BSG. Nauna nakong naglakad patungong SB at humanap ng ma-uupuan. Nakita ko namang sumunod ang mga 'to.
"Order na kayo." Tipid na utos ni Devon sa kanila.
"Ako na oorder..." Sabi ni Steven. Sisingit na sana ako ng siya ang magbabayad ng ituloy niya ang sasabihin. "Bayad niyo syempre. Kala niyo lilibre ko kayo? Lols." Sabi niya ng natatawa. Sinamaan naman namin siya ng tingin at binigyan siya ng pera.
Kahit kailan talaga, ewan ko nalang kung paano ko sila naging kaibigan. Mga siraulo hindi maintindihan ang mga ugali.
"Sama ako bro. May beautiful don sa counter men." Sabi ni Lincoln. Umiiral nanaman ang pagka cassanova niya. Hindi porket sinabing mabait si Steven eh manlilibre na yan. May pagka kuripot din ang isang yan.
Ayon na at nag tungo na sila sa counter at umorder. Si Reighn naman ay nagsisimula ng mag-ingay kaya medyo pinagtitinginan nadin kami ng mga tao. Nandito kami banda sa may glass wall umupo para kita ang labas at medyo sa dulo pero hindi naman ito ganon kalayo sa entrance kaya kita din.
Maya maya ay may napansin kaming apat na babaeng pumasok sa Mall kaya agad kaming napatingin don. Woah! Ang BSG nandito? "Sht pare ang puputi at ang ganda nila." Nagniningning ang mata na sabi ni Razeph. "Oo nga. Teka--" naputol agad ang sasabihin ni Reighn ng dumating sila Landon at Steven. Napalingon din silang dalawa sa tinitignan namin.
Kiersten Brynn
Nandito kami kila Whitney ngayon at nag-aya siyang mag mall at mamili ng mga gamit and also magpapa change color ng hair. Bibili narin ng mga contact lense.
Nagkaroon din kami ng deal na kung sino ang ma-uuna sa mall ay ililibre ng mahuhuli. Well, you know me. I'm good at racing. Kaya eto nandito ako sa parking lot at hinihintay sila. Sino kaya ang huli? Ilang segundo pa ay nakarating nadin sila. At ang huli ay walang iba kundi si Whitney.
Naka busangot 'tong bumaba sa kotse niya kaya binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti na ikina-pout naman niya. Napapailing nalang ako at inaya na silang pumasok sa loob.
"Wag kang mag-alala hindi naman ganun ka mahal ang ipalilibre ko sayo." Sambit ko sakanya at kinindatan sya.*****
Devon Pierce on multimedia 👆
I hope you like it.Thank you for reading my story. Comment and Vote guys.
Sorry for the typographical errors and ungrammatical sentence.
BINABASA MO ANG
Long Lost Mafia Girls
Novela JuvenilKiersten, a cold, sarcastic, emotionless, and a mean girl meets 3 girls similar to her. They formed a group named "Black Shadow Gang". She trained them to be undefeated gangsters like her,but before that she have a 4 remaining member in other count...