CHAPTER 37
SAMANTHA POV.
"Good morning class. Mayroon kayong magiging bagong teacher ngayon sa science subject ninyu. Dahil umalis na ang teacher ninyu sa Science kaya may bago kayong teacher." wika ni Sir'Matt sa amin. Si Sir Matt ang Adviser namin.
Pumasok naman ang isang lalaking guro at tumayo sa unahan. Tahimik ang lahat ng pumasok siya at Nakita naman naming tinapik ni Sir Matt yung balikat nong gurong lalaki na nakakapasok lang dito.
Kumuha siya ng white broad maker at isinulat niya dito ang buo niyang pangalan 'Mister Edwin Espal' Ewan ko Kung matatawa ako sa apilyedo niya. Kasi naman eh.. Tanggalin lang yung s ay mukha ng epal haha..
Tumingin siya sa aming lahat na parang sinusuri kami. "Iyan ang aking pangalan.. Hindi ako kagaya ng ibang gurong nakilala ninyu.. Barumbado ka wala akong paki-alam Kung tinatakot mo ako mas matakot ka sakin.. Hawak ko ang mga bagay na mahalaga sainyu. Nag-aral kayo para matuto hindi para mag barumbado." seryuso niyang wika sa amin at ginala pa ang kanyang paningin "Nandito ako para turuan kayo ng magagandang asal. Nabalitaan Kong bawat isang lingo ang lumipas ay umaalis ang mga guro ninyu dahil sa mga pag uugali ninyu.. Nandito kayo para mag aral hindi para magyabang at magsiga dito" seryuso niya pang wika sa amin.
Nakatingin lang ako sa kanya ng seryuso nakatayo siya dito sa unahan namin tumingin naman ako sa dalawang katabi ko na tahimik lang at nakatingin sa kanya. Tsk!
"Mag tatanong ako ng ilang katanungan ukol sa ating subject at ang hindi makasagot ay mag-rereport sa akin bukas." Seryusong wika ni Sir sa amin kaya naman ay napataas ang kilay ko sa sinabi niya. tsk seryuso ba siya? tsk baka nababaliw na Ito? tsk! "Simulan natin Sayo" Wika ni Sir at tinuro niya pa yung classmate naming babae na nasa unahan.
"What is Centrioles?" wika ni Sir sa kanya mukha naman kinabahan siya sa tanong ni Sir sa kanya. Halata ang pagkailang niya at parang nanginginig pa yung kamay niya. Para siyang kinakabahan tsk! ang dali lang ng tinatanong Hindi pa masagot!
"A-a green pigment--"
"Wrong!! A green pigment-containg organelle found only in plant cell and that is Choloroplast" wika ni Sir doon sa babaing Yun. at mukhang napahiya siya sa sinabi niya kaya naman napayuko na lang siya bigla. "Sit down" baling pa ni Sir doon sa babaing Yun kaya naman umupo na siya.
"You!" turo niya pa doon Kay Jake na nakatutok sa cellphone nito. Mabilis naman napatayo si Jake at tumingin sa kanya habang nakakunot ang noo ni Jake doon Kay Sir Espal. "What is Centrioles?" wika ulit ni Sir.
"What? are you kidding me? Ehh pang first year ata yang tinatanong mo sa akin eh" Malamig na wika ni Jake Kay Sir dahilan para matawa naman yung ibig namin classmate habang kami naman ay tahimik lang.
"Wag Kang hambog!! Sagutin mo na lang ang dami mo pang paligoy ligoy!" inis na sigaw ni Sir Kay Jake dahilan para tumahimik na yung ibang tumawa kanina.
"Centrioles? it is an found only in animal cells that functions during cell division." wika ni Jake Kay Sir habang nakangisi na parang nang-aasar "Happy? tsk!" wika niya pa sabay umupo na.
"Wag Kang hambog! Matuto Kang rumespeto ng kapwa mo kahit sarili mo na lang irespeto mo" Seryusong wika ni Sir Kay Jake pero Hindi na siya pinansin ni Jake at patuloy lang si Jake sa ginagawa niya sa Cellphone niya "Ikaw!" turo pa ni Sir Kay Hailey.
BINABASA MO ANG
THE MYSTERY GIRL
Mystery / ThrillerSamantha Collin ang batang lumaki na may sama ng loob dahil sa mga taong pumatay sa magulang niya. Lumaki siya sa magulong mundo ng mga Mafia at mundo ng Gangster kung saan may mga taong namamatay o pinapatay. Gusto niyang patayin ang mga taong puma...