#isiahspain
ISIAH's POV
"Mama? Baket? Anong nangyari?"Naabutan ko ang mama kong naglulupasay sa sahig at umiiyak, nakita ko din na nagkalat ang mga damit sa aparador ni papa.
"M-mama? S-si Papa?"
Lalong umiyak pa si mama nang marinig ang pangalan ng papa ko, bagay na ipinagtaka ko..
"Mama?"
"Wala na ang papa mo!" Hagulhol ng mama ko. Nagulat naman ako kung baket umalis si papa pero 'di ako nakapagsalita para magtanong. "Sumama na ang papa mo sa ibang babae"
Sa gulat ko nabitawan ko si mama at napa-upo ako sa sahig, halos wala akong lakas at salita na pwedeng ilabas sa bibig ko. Ang alam ko lang gusto ko umiiyak, pa'no na kami ni mama? Pa'no na 'yong pag-aaral ko? ang pamilya namin?
Napatayo ako bigla na ikinagulat ni mama, naka kuyom ang dalawa kong kamao, nanginginig ako sa ginawa ni papa.
"Pupuntahan ko ang papa! Itatanong ko sa kanya mama kung baket niya ginawa sa'tin 'to! "
Napatayo din ang mama ko nang marinig niya ang sinabi ko at hinawakan ako sa kamay, ramdam ko ang pangiginig niya.
"A-anak 'wag na"
"Anong 'wag na mama? Niloko ka niya! Tayo! Kailangan ko lang malaman ang rason ba't niya ginawa 'to?! "
Napahigpit ang kapit ni mama sa mga kamao kong nanginginig sa galit, habang siya naman ay hagulhol sa pag-iyak.
"Mama! Ikaw ang legal na asawa ba't ka pumapayag na gawin ni papa sa'yo 'to?"
"Mahal ko ang papa mo anak, kaya nagtitiis ako"
"Di na pagmamahal 'yon ma! Martir ka na! pupuntahan ko ang papa, baka magbago pa isip niya"
Sabay labas, alam kong nakasunod si mama sa'kin pero 'di ako nagpaawat, pumara at sumakay ako ng taxi. Sumakay din siya sa likod, walang tigil ang kanyang pag hikbi.
"Sa'n po tayo maam? "
Tanong sa'kin ng taxi driver, nilingon ko si mama na nakakaalam ng address kung nasa'n si papa. Napatingin muna siya sa'kin pero kalaunan ay sinabi din niya ang lugar, hinatid kami ng taxi sa lugar na sinabi ni mama.
Mahigit trenta minutos din ang tagal ng byahe namin, nang makarating na kami nag bayad na ako at bumaba na. Habang hinihintay kong bumababa si mama ay saktong nakita ko si papa kasama ang kanyang kalaguyo.
Nagulat siya nang makita ako, si mama naman na kakababa lang ng taxi ay nagulat din nang makita si papa at ang kalaguyo nito, umalis na ang taxi, hinatid na lamang namin ng tingin habang papaalis ito. Habang nasa gano'n kaming sitwasyon, si papa walang imik na nakatingin sa'min..
"Papa? Sabihin mo sa'kin kung baket ginawa mo 'to sa'min ni mama?! "
Mahinahon kong tanong kay papa, habang si mama hikbi ng hikbi, inaantay ko si papa na sumagot, nagbabakasakaling matatanggap ko ang rason niya, o sasabihin niyang babalik siya sa 'min..

BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romance"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...