Natasha's POV
"Tasyang..." inalis ni Lino ang pagkakahawak sa kamay ko nang huminto kami sa lugar na hindi ko alam.
Dahan-dahan nyang inalis yung panyo na ipiniring nya sakin. Malapad na ngiti ni Lino ang bumungad sa paningin kong blurry pa dahil sa pagkakapiring.
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Nandito pala kami sa kubong tambayan sa likod ng mga year 12 na classrooms. Maliwanag dahil sa mga naka-set up na lamparang ilaw. May mga nakadikit pa na heart na gawa sa red na art paper.
"Lino anong...anong ginagawa natin dito?" tanong ko,
"Upo ka muna, Tasyang." Sabi nya then he guided me to sit on the bench,
Binuhay ni Lino yung casette radio at nag-play yung kantang "I Won't Give Up" ni Jason Mraz, hininaan nya yun nang mahinang-mahina pero dahil tahimik yung lugar naririnig pa rin naman.
Tumikhim muna si Lino.
Mahal, sabihin mo,
Mali ba ang ika'y ibigin ko?
Oo aaminin ko,
Sa ispeling ako'y bobo,
Pero ito ang malinaw sa utak ko,
Sa puso ko,
I L O V E Y O U
Katagang nakalaan lamang para sa'yo.
Natigilan ako habang nagsasalita si Lino. Ano bang ginagawa nya?
Oo, aaminin ko,
Sa matematika'y madalas maka-zero,
Pero sa pagmamahal ko sa'yo,
Kayang ibigay ang isang daang porsiyento.
Sinta, dibale nang bumagsak o matalo,
Basta ba ikaw ang syang sasalo.
Teka, ito ba yung spoken poetry nya? Yung part na hindi ko napakinggan dahil umalis kami ni Oyang?
Oo, hindi kagaya nyang matalino,
Aaminin kong mahina ang aking ulo,
Aaminin kong sa eskwela ay bobo,
Pero mahal, ako...
Ako ang ibigin mo
Handang gawin ang kahit ano,
Maibigay lang sayo ang lahat ng gusto.
Why is he saying these to me? I don't deserve them. I don't deserve a Lino in my life, neither an Oyang.
O, diwata ko, ikaw ang tyutor na nagturo,
Kung paano lumaban...oo
Lumaban kahit alam namang talo.
I want to tell him to stop. But I'm right here frozen.
Mahal may pag-asa ba?
Sabihin kung meron o wala,
Ano man ang sagot mo'y ipaglalaban pa din kita.
O sinta, diwata ka sa paningin ko,
Handang magpaalipin sayo,
Gagawin kang Prinsesa ng palasyo ko.
I don't deserve at all to be a princess, Lino.
Mahal, itaga mo sa bato

BINABASA MO ANG
Mission: Act Like a Probinsyana
Teen FictionTasha, who has been trained to be the successor of her dad, a high profile secret agent, was sent to the province of Camarines Sur for an important mission to prove that she's ready to enter the work force. Her mission: act like a PROBINSYANA in ord...