Anong magandang title sa chapter na ito? Anyone?
This chapter is for you TrixiaMoO. ☺ Salamat sa mga nagcomment at nagvote sa previous chapter.
============================================================
TWENTY-NINE
Photo Shoot
SHEKINAH'S POV
Hmm. Grabe! Busog na busog ako. Ubos ang chicken-spag at fries ko. Tinake-out ko pa ang burger at sundae dahil itong si Ser ay nagmamadali. May tumawag sa kanya at pinapapunta sya sa agency nila.
"Saan ba yun, Ser?" tanong ko.
"Tumahimik ka na nga lang dyan. Ang ingay mo."
"Huh? Kakatanong ko lang, maingay agad?"
"Shhh!" Ok. Kinagat ko ang labi ko't tumahimik na. Mamaya baka maging alien na naman sya kapag nagdaldal pa ako. Ubusin ko na nga lang itong sundae ko.
Nakarating na rin kami sa...ewan kung saan na lugar ito. Basta sa isang mataas na building. Hinabol ko sya papasok. Ang bilis nya kasi maglakad eh. "Ser! Wait lang naman."
"Bilisan mo." pumasok sya ng elevator. Sumunod ako. Wooow. Namangha ako! Ang galing. Ngayon lang ako nakasakay sa ganito.
'TING! 4th floor."
Ay, may boses pa. Ang galing!
"Luigi! My boy!" sinalubong sya ng isang lalaki at niyakap sya. "I'm sorry if I rushed you. This is Bryan's fault. Hindi nya kami agad ininform na mag-aabsent pala siya. I can't find anyone suitable for his place so I called you."
"It's okay, Sir."
"So, for today...fashion line is XSide. Be thankful, na ikaw ang magiging model for this brand. I'm sure hindi natin sila mabibigo." paliwanag ni Sir nya. Hinila sya ng lalaki papasok ng isang room. "Lea! Luigi's here. Pakiayusan na." tawag nya sa babaeng nasa may pinto.
"Yes, Sir." sagot naman ng babae. Teka, teka! Iiwan ako ni Ser dito? Ni wala nga ako kakilala. Psh! Wala man lang pakialam sa akin.
"Uhh, Ser!" hinabol ko sya't hinarang. "Paano ako?"
"Ohh. Who's this...beautiful young lady with you?" tanong sa akin ni Sir. Nginitian ko siya.
"Ah, Sir. Si Eva...my cousuin." pakilala nya sa akin.
"Hindi nga ako si Eva. Shekinah nga." Ilang beses ko bang sasabihin na hindi Eva ang pangalan ko? Nagtaka ang itsura nung bakla. Yan kasi!
BINABASA MO ANG
HE'S DATING HIS ANGEL ☺
FantasyNang dahil sa paglabag sa batas ng Kalangitan, isang anghel ang mahuhulog sa lupa at mamumuhay ng NORMAL. WALANG ALAM SA ANO MANG BAGAY. WALANG PAMILYA. WALANG MEMORYA. Magmumukha siyang si "Eva". Upang makabalik sa langit, dapat siyang magtagumpay...