IS LOVE SWEETER THE SECOND TIME AROUND?
*****
AN:Hey there! ^_^/ Eto na naman. May isang draft na naman akong napublish hahaha. Sana patuloy pa kayong magbasa sa mga ginagawa kong istorya.
Please do comment and..
Don't forget to vote! Lovelots! :*
~MissImahinasyon 😘
-----------------////////**///////----------------
*DOS' P. O. V*
Kinakabahan ako. Dalawang buwan din akong hindi nagparamdam sa mga taong konektado sa akin noon, at ngayon makakaharap ko na naman sila. Hindi naman sa ayaw ko silang makita, pero ayaw ko lang talaga munang makipaghalubilo sa kanila.
Isang malalim na buntong hininga muna ang ginawa ko bago ako pumasok sa gate ng school namin. Nakayuko at pikit mata akong naglalakad habang nagdadasal sa isip ko na sana hindi ko siya makita.
Lord, magiging mabait na po ako sa mga magulang ko, 'wag Niyo lang po sanang hayaang makita ko ang taong 'yun. AmenHindi parin ako tumitigil sa kakadasal habang nakayuko kaya nagulat nalang ako ng mabangga ako sa isang pader.
Yan kasi! May payuko-yuko ka pang nalalaman at di tumitingin sa daan.
Pinagalitan ko pa ang sarili ko habang hinihimas ang noo bago tumingin sa nabangga ko."Sorry po di-----------"
Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita ko kung sino ang nabangga ko. Nanlaki ang mga mata ko na agad namang naningkit, sabayan mo pa ng pagsalubong ng kilay.
"IKAW! Nananadya ka ba ha?!" Nanggigil kong sabi.
Ang sarap manapak ng HALIMAW!
Lord naman! Kakadasal ko lang eh! Huhuhuhu. Akala ko pa naman swerte ako ngayong araw nato! Yun pala hindi. Ang MALAS KO!
"Ako? Nananadya? Bakit? Sino ka ba?"
Nakataas ang kilay na tanong niya."HAH! Ewan ko sayo! Please lang wag ka nang magpapakita sa akin pwede?!!"
"Sure, no problem....... BABE" Nakangising tugon nito sabay kindat.
Nag iinit ang buong mukha ko at umuusok na ang ilong at tenga ko sa inis.
Nakakainis! Nakakainis talagaaaaaa! Ang kapaaaal niya! Ang kapal kapal niya! Kamag anak niya yata ang mga dictionary sa library namin. Nakakainis talagaaaaaaaa!!!
AAAAAAAHHHHH! >___<"
Ang sarap niyang sapakin. PROMISE! BWESIT KANG MOKONG KAAAAAAAAAA!!!Nanggagalaiti parin ako sa inis habang papaakyat sa classroom namin sa 4th floor at sa kasamaang palad na maraming kalyo, KATABI namin yung classroom nila! Arrrgh! Ang swerte ko talaga eh no?
Nagtatanong kayo kung sino yung taong kinaiinisan ko na ang sarap ipalapa sa alaga naming aso na may rabies? Siya lang naman ang dahilan kung bakit bitter ako ngayon. Siya lang naman ang dahilan kung bakit nagbago ang pananaw ko sa buhay pag-ibig. Siya lang naman ang dahilan kung bakit ayoko ng maniwala sa forever. SIYA lang naman ang bumiyak sa puso ko. Si Uno Iñigo "Walangya makapal ang mukha" Angeles. Siya ang EX boyfriend kong kung makapangako ay napakasarap pakinggan pero di naman natutupad kahit kailan.