Chapter 23

4.1K 97 4
                                    

Chapter 23

Malapit na pala ang foundation day ng school namen . Siguradong abala na naman lahat ng estudyante at kanya kanya silang pakulo para kumita sa araw na yon. 1 week din kasing celebration yun. 

Open House kami during foundation day. That means kahit sino pedeng pumasok sa school. 

Medyo nakakatakot nga lang kasi last year balita ko may nanggulong mga outsider.

"Farine!"  

Lumingon ako, para tingnan kung sino ang tumatawag sakin. 

"Farine!"

Lumingon pa ako sa kaliwat kanan para hanapin ang tumatawag sakin.

"Gaga! Dito sa taas" 

Pagtingala ko nakita ko yung tatlo si Cie,Jovey at Lalaine. Kinawayan ko sila. 

"Umakyat ka na dito! Madami pang gagawin!" Sigaw sakin ni Cie

Gumagawa kasi kami ng props para sa booth na gagawin namin sa foundation day. 

Nagtataka ba kayo kung bakit ok na kaming apat? Kung matatandaan nyo the last time iniiwisan nila ako. For I dont know the reason why.

Kung di nyo na maalala try nyo balikan yung nakaraang kabanata. Hehe. 

Lets go back in time. *Flashback*

Matapos ang madrama naming eksena ni Ryu. Ang iyakan sa hallway. (See chapter 22)

Hindi ko man maintindihan ang kinagagalit ni Ryu, eventually nagkabati rin kami. 

"Walang kinalaman si Alric kung bakit ako umiiyak ngayon" sigaw ko sa likod ni Ryu. Bigla syang tumigil. Siguro nakikinig sya sa sinasabi ko. 

"Hindi si Alric ang dahilan ng mga luha ko. " tumawa ako nang mahina na parang baliw. " nakakatawang isipin na dahil sayo kaya ako umiiyak ngayon, pakiramdam ko kasi unti-unti na kong nilalayuan ng mga taong malapit sakin."

Nagulat ako ng pag-angat ko ng tingin, nasa harapan ko na sya at nakakunot ang noo.

"At bakit naman ako?" Tanong nya.

"Kasi nun tinalikuran mo ko, naalala ko ang mga tinuring kong kaibigan, parang unti-unti na rin silang nawawala sakin" 

At hindi ko namalayan na unti-unti na kong nagkukwento sakanya ng nangyari ang pag-iwas sakin ng mga kaibigan ko.

Nakakatawang isipin na kahit hindi sya interesado sa Kinukwento Ko andun pa rin sya at nakikinig.  

Natapos na ko sa pagkukwento pero hindi pa rin sya nagsasalita. Napansin ko na nagsindi sya ng yosi at panay ang hitit buga nya. Bakit ganun ang cool ng dating nya. Kahit naiinis ako sa mga taong nninigarilyo. 

My Hero is a Gangster *complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon