Red's POV
Hindi ko maiwasang mapangiti ng mapait habang nakatingin sa lalaking naka-upo sa wheel chair habang suot-suot parin ang purong puting ospital gown. Inalis ko na lang tingin ko ng dumako din ang mga mata ng lalaking katabi kong ito.
Hindi ko alam kung bakit parang bumalik kami sa umpisa. Lahat bumalik mula umpisa kung saan hindi niya ako kilala at wala siyang maalala.
"Tinitingnan mo ako, crush mo ako?" Tanong niya sa akin ng may nakakalokong ngiti at titig na titig sa aking mga mata.
"Hindi no, hindi kita crush kasi magiging asawa na sana kita." Seryosong sagot ko sa kanya. Sa sagot ko na iyon ay nawala ang nakakalokong ngiti niya at tiningala niya lang ang kanyang ulo at tinitigan ang langit.
Humangin ng malakas kaya ipinikit ko na lang ang aking mga mata upang damhin ang sarap ng simoy na hangin. Nakakarepresko at tila ba napawi ang aking mga mabibigat na iniisip at napawi ang aking mga problema.
"Sorry, kung nakalimutan kita. Sorry kung 'di ko magawang alalahanin ka kahit gustuhin ko man." Sambit niya dahilan upang buksan ko ang aking mga mata mula sa pagkakapikit at tinitigan lang siya sa mata. Habang nakatitig sa kanya ay kita ko ang sinseredad niya sa paghingi niya ng sorry.
Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi. "Sorry, kung nawala ko ang ala-ala kong kasama ka. Sorry, kung dahil sa akin ay nahihirapan ka ngayon." Pahabol niyang sambit habang nanatiling nakahawak ang mga kamay niya sa aking pisngi.
Hinawakan ko ang kanyang mga kamay na nakahawak parin sa aking pisngi at ngumiti sa kanya.
"Hindi mo kailangan humingi ng tawad. Wala namang may gusto sa nangyari. Aksidente ang lahat. Hindi mo kailangang humingi ng tawad sa akin." Ang tanging nasabi ko na lang kanya.Sa pagkakataon na ito ay bumitaw na siya sa pag-kakahawak ng kamay niya sa aking pisngi pero nanatili siyang nakatitig sa aking mga mata.
"Pwede bang ikuwento mo sa akin kung paano tayo ng umpisa?" Sabi niya sa akin pero sa pagkakataong ito ay nakatingin na siya sa malayo at makikita ngayon ang kalungkutan sa kanyang mukha.
Tumingin ako sa kawalan at huminga ng malalim bago mag-salita.
***
Noong una hindi manlang pumasok sa aking imahinasyon ang ma-inlove tulad ng nababasa sa mga libro o kaya'y napapanood sa telebisyon. Ngunit sa hindi inaasahang pag-kakataon nagtagpo ang aming mga landas.
Nag-umpisa ang lahat ng ito noong nagkakilala kami sa waiting shed. Maulan noon na may dalang malakas na hangin at pagabi na. Ilang oras na akong nag-iintay ng sasakyan pauwi pero wala paring nadaan na jeep kahit bus manlang.
Ginaw na ginaw na ako noong gabing iyon dahil suot ko parin ang uniform namin na ang palda ay 1 inch above the knee.
Basang basa na rin ako noon dahil sa lakas ng hangin kahit anong tago ko dito sa waiting shed ay mababasa at mababasa parin ako. Miski ang gamit ko ay basa narin. Hindi na ako nag-atubiling mag dala ng payong dahil ayin sa balit ay mataas daw ang tyansang maging maaraw mag damag ngayon pero heto bumuhos ang hindi inaasahang napakalakas na ulan.
Dahil sa sobrang nilalamig na ako at basang-basa na ako wala na akong magawa kundi yakapin ko na lamang ang aking sarili dahil sa tindi ng lamig.
BINABASA MO ANG
Faded Reminiscence [One shot]
RomanceHindi man naging maganda ang pagtatapos pero muling nagbukas ang panibagong pinto patungo sa panibagong storya sa kanilang mga buhay. Hindi lahat ng storya ay masaya ang pagtatapos ang ilan ay may kalungkutan pero may ilan 'ding 'di maganda ang pang...