Chapter 62

170 5 0
                                    

(Jungkook's P.O.V.)

Oo, hindi ko pa lubusang kilala sila Sanyel. Hindi ko rin alam kung bakit hinahayaan nilang isipin ng ibang tao na magkasintahan sila. Lalong hindi ko alam kung bakit hindi nila pinapakilalang magkapatid sila...

Pero sa mga nakikita ko ngayon, mas komplikado pa sa komplikado ang sitwasyon nila...

Napatingin ako kay Sammy na umiiyak habang bakas ang gulat sa panonood ng video.

"Hala, kawawa naman si Sanyel," rinig kong bulong nya, ibinalik ko ang atensyon sa video at pinanood ito

"Nakikita mo itong kutsilyong ito?"

"Hala Cyrie bakit may hawak kang ganyan? Ibaba mo iyan! Baka masaktan ka!"

"Ayoko nga! Subukan mong lumapit, papatayin ko ang nanay mo,"

"Wag Cyrie, please wag! Mahal na mahal ka rin ni Mama,"

Sa video ay ang umiiyak na batang Sanyel habang pinapakiusapan ang batang si Cyrie na tawa lang ng tawa sa pagmamakaawa nya.

"Papatayin ko ang mama mo pagdating nya ngayon,"

"Huwag!"

Rinig ang pagbukas ng pinto ng subukan ni Sanyel na agawin ang patalim mula sa kanyang kapatid.

"SANYEL BAKIT MO INAAWAY ANG KAPATID MO!?" Sigaw ng isang babae sa video

"Mama! Gusto nya akong patayin!" Bigla nalang umiyak ang batang si Cyrie, habang natulala naman si Sanyel na sya nang may hawak ng kutsilyo

"JUSKO SANYEL BAKIT!?"

Ang sumunod ay lalong ikinalungkot namin ng bitawan sya ng masasakit na palo at salita ng kanyang ina na sinubukan nya lang namang iligtas...

Pagtapos noon ay may iba pang video na nagpapakita kung gaano kasama ang ugali ng batang si Cyrie pati ang pagbabait baitan nya sa harap ng mga magulang nila pero ang isang video- ang huling video ang gumulantang sa lahat.

"Sanyel, ano sa tingin mo ito?" Tanong ng boses ni Cyrie, nasa labas ng kuwarto ang nagvivideo kaya boses lang ang naririnig

"Ano nanamang balak ng batang to?"

Sa timbre ng boses ay malalaman mo agad na boses ng batang si  Tae Hyung ang nagsalita.

Bahagya nyang binuksan ang pinto at saka ipinasok ang camera. Doon ay gulat na nakatingin si Sanyel sa hawak na posporo ni Cyrie.

"Wag mong paglaruan iyan Cyrie, delikado iyan!" Sita nya sa kapatid pero nginitian lang sya nito

"Talaga ba?" Sagot nito

"Hoy kayo, wag nyong pinaglalaruan iyan, malalagot kayo," sita ni Tae Hyung, takot ang bumakas sa mukha ni Sanyel habang masama naman ang tingin ni Cyrie sa kanya

"Iligpit nyo iyan, pupunta lang ako sa garden, lagi nalang kayong nag-aaway," inis na sabi ni Tae Hyung saka iniwan ang camera sa tuktok ng kung ano kung saan nakikita pa rin ang dalawa bago sya umalis

"Napaka epal talaga ng kuya mo!" Inis na sigaw ni Cyrie

"Wag kang ganyan Cyrie, kuya mo din sya!" Sagot ni Sanyel

"Wala akong Kuya, ako lang ang anak ni Papa! Papatayin ko rin sya, pagtapos kong patayin ang mama mo," banta nito kaya napaiyak si Sanyel

"Wag mo silang patayin! Masama ka!" Sigaw nya kay Cyrie na binuksan ang isang kandila

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon