1: 3rd Time

991 14 1
                                    

"Hayle!! Bakit ka natutulog sa klase ko!!"

Nagulat ako sa sigaw na narinig ko, nakatulog ako sa klase?
Bigla naman akong napatingin sa mga kaklase ko tawa sila ng tawa.

"S-sorry S-sir P-peter."
Hsshhh bakit kasi ngayon pako inantok eh! Siguro napagod lang ako kahapon. Bukod pa dun ang corny magturo nitong si sir, Di ko alam pero ang boring niya talaga.

"See you in principal office."
Seryosong tugon niya.

Kung minamalas nga naman. Di ko aakalain na mangyayari nanaman to. Lagot nanaman ako nito kila mommy. For the 3rd time kaloka.

"Bakit kaba kasi natutulog sa oras ng klase?" seryosong tanong ni Pearl.

"Kasalanan ko ba ? Di ko naman sinasadya na makatulog eh, tsaka wala namang sense yang topic natin di ko rin yan magagamit pagdating ng araw tsk."
Nakakainis naman kasi kung sino pa kaibigan mo siya pa tong di ka naiintindihan.

"Ooops! Chill, Alam ko namang napagod ka kahapon sa pagsa shopping eh! Umiral nanaman pagkamaldita mo huh?!"
Aniya.

"Okay sorry, lam mo naman ang kasabihang lokohin mo na ang lasing wag lang ang bagong gising e."
Pagtataray ko.

"Di kasi ako naniniwala dun e. Naniniwala ako sa kasabihang lokohin mo na lahat wag lang ang babaeng nakawhisper with wings." bigla siyang natawa nang sabihin yon.

"Sige na Pearl Dela Fuente mamaya nalang tayo mag usap sa canteen baka madagdagan pa kasalanan ko eh."
Alam niyang seryoso nako dahil tinawag ko na siya sa buong pangalan niya.

Nakakatuwa lang kasi sa bestfriend kong to na kahit ang maldita ko sa kanya di parin niya ko iniiwan.

Tapos na ang klase at papunta na ako sa Principal Office ngayon, kinakabahan parin ako kahit na pang ilang beses nato. Panigurado lagot nanaman ako kila mommy neto eh! Ts.

"G-Goodmorning P-po" nauutal kong saad. May halong kaba din kahit papaano.

"Nakarating samin ang nangyari kanina, Pangatlong Beses nato wala kabang balak magtino?"
Pangaral ni Ma'am Brea, ang principal na puros kaartehan ang alam.

"Hindi ko po sinasadyang makatulog sa klase ni Sir Peter, Nagkataon lang po na pagod ako kahapon."
Gumagawa nalang ako nang dahilan kahit na alam kong mahirap paniwalaan kasi di naman ako gumagawa ng assignments. Ayoko namang sabihin na nagshopping ako kahapon baka sabihin inuuna ko yon kaysa pag aaral.

Kinabahan ako nang tumingin si ma'am Brea kay Sir Peter nang biglang nagtanong.

"Peter marami kabang pinapagawang assignment? Diba ang bilin ko huwag magpapagawa ng assignment kapag weekends?" mukhang seryosong tanungan to, Buti naman at makakaligtas ako.

"Ma'am Brea, Ni isang beses hindi ko pa nakikitang gumagawa ng assignment itong si Hayle, Kaya nagpapagawa padin ako kahit weekends na." sagot ni Sir Peter.

Yooo nangangamoy hindi pagkakaunawaan.

"Pero Mali padin iyon, Simula ngayon wag ka nang magpapagawa nang assignment every weekends." Seryosong saad ni Madam Brea.

Bigla namang bumaling ang tingin sakin ni Madam Brea.

"Hayle, You can leave now."
Biglang ngumiti siya sakin.

Lumabas naman ako at pumunta sa canteen. Magkekwentuhan pa kami ng bestfriend ko.

My Husband is My Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon