What does it take... (Thomas Torres - Ara Galang fanfiction)
by kenkenmushi
Prologue
MagpakaFirst Day High muna tayo.. Ito ang mga common types na mga estudyante (though pwede naman silang magcross breed common nga diba? Common sense naman..hehe) At kadalasan din yung mga magkakauri eh ang mas madalas na magkakasama na tinatawag na cliques, tropa, samahan, barkada o yung mga iba't -ibang grupo sa school. Lahat naman siguro ng school meron mga ganon noh.
1. Boy Next Door. Mabait, gwapo, kaibigan ng lahat pati mga professor tropa nya, may brains, sila yung approachable at maraming tagahanga. Kumbaga whole package na, ang dream boy ng lahat ng mga babae.
2. It Girl. Female version ng boy next door, mabait, matalino, friendly, maganda at simple.Sila ang mga sagot sa tanong na: Kung may gusto kang pakasalan, sino ito?
3. Badass/Bad Boy. Obvious naman kung ano sila.. mga bully, mayayabang, epal, troublemakers, promotor ng ng pag-cucutting class, mga pasaway! Ewan ko ba kung bakit madami pa ring nahuhumaling at umi-idolo sa kanila.
4. Athletic. Marami din ditong bully, palibhasa alam nila na dinadala nila ang pangalan ng school tuwing nananalo sila, mga malalaking katawan at mga mayayabang pero gaya ng mga bolang nilalaro nila, puros hangin lang din ang laman ng mga ulo nila (hindi naman lahat mayron lang talaga ^^,).
5. Politicians. Mga laging leader, teacher’s pet na laging sumasalubong kay ma’am at kinukuha ang mga dala nila, mga nag-aambisyon maging parte ng student council at may pagka-bossy.
6. Queen Beeatch. Nung nagsabog ng kalandian sa mundo sapong sapo ng mga lola nyo, nandito yung mga sulutera, syota ng bayan at materialistic? Oh please, kung meron mang term na mas malala pa doon paki-inform naman ako. Sila yung tipong tumatae ng dyamante, lahat ng gamit may signature: Christian Dior na shades, Louis Vuitton ang bag, Victoria’s Secret na damit, Primadona ang heels, at pustahan pati underwear nyan Chanel.
Ang mga unang nabanggit ang kadalasang mga kilala sa school ngayon punta naman tayo sa mababang uri ng estudyante…
7. Normal students. mga hindi sikat. Mga typicals, mga hindi kagandahan/kagwapuhan, hindi matalino hindi rin naman bobo, hindi mahirap at hindi mayaman basta lagi silang nasa gitna, nandito nanggagaling yung mga fans at supporters ng mga populars at nagpreprayer vigil para lang mapansin sila. Spell ASA!
8. Geek. Mga walang pakielam sa mundong estudyante, hindi sila kasing pasaway ng mga badass. Sila yung tipong saktong makapasa lang sa mga klase nila. Mga laging may updated sa mga gadget at laging nakaabang sa mga bagong lalabas na Video games. Mga Happy-Go-Lucky and parteeeeh parteeeh! \m/
9. Emo. Mga laging nakablack, may malalaking headset na laging nakasalpak sa tenga at may mga hikaw sa bibig, sa ilong at kung saan saan pa nila maisipan. Minsan concerned ako sa kanila, kung nakikita pa nila ang dinadaanan nila o kung alam nila ang itsura ng mga kaharap nila o kaya minsan magdadalawang isip ka pa kung nakatalikod sila o hindi dahil sa pagkahaba habang mga bangs nila.
10. Nerds. kung gaano kataas ang mga grades nila ganoon naman kababa ang social skills nila kaya nagdecide silang sila sila ang magsama-sama. Mga pang 80’s ang style ng pananamit, laging laman ng library at laging target ng mga bully.
At ako? Sabihin na nating wala ako dyan sa mga nasa taas, dahil nag-iisa lang ako as in literal na nag-iisa… in other words loner, loser, walang kaibigan, weirdo, outcast … you name it. I don’t really give a damn to what others may think, bakit mo naman kailangang iimpress ang mga taong --most probably-- hindi mo na makikita kahit kailan after mong grumaduate, di ba? Ang goal ko lang naman ay makatapos ng pag-aaral, makahanap ng magandang trabaho. Kapag nangyari na ang lahat ng yun, unti-unti ko nang maayos ang magulo kong buhay.
I’m Victonara “Ara” Galang, 18 years old, third year Entrep student of one of the most prestigious university in the Philippines: De La Salle University. Puh-lease hindi kaya ako mayaman, kaya lang naman ako nakakapag-aral dito kasi meron akong full scholarship with matching allowance, acomodation and foods, varsity kasi ako ng women’s volleyball, at kahit hindi halata dean’s lister ako. Haha san ka pa? But unlike my other teammates hindi ako sikat... Nawi-weirdohan ata sila sa akin ewan ko ba.. at wala akong pakielam 'kay?
Khaki shorts or pants, t-shirt, rubber shoes yan ang laging porma ko kaya nga ba lagi akong napagkakamalang lesbo eh, not to mention maigsi lang ang buhok ko as in pang lalaki talaga ang gupit.
F.Y.I. meron din akong matatawag na social life kasi syempre kailangan ko din naman makipag-usap noh gaya ng mga classmate ko, yung mga teammates ko, si manong guard, professors at mga coach namin. At syempre meron din akong twitter account! Well counted naman yun kasi social networking site naman yun though bihira ko i-open. ^^,
Hindi naman ako as in anti-social, ayoko lang talaga ng mga drama at kaartehan sa buhay lalo na yung mga plastik na tao. Ayokong makipag-kaibigan kasi ayokong maabuso o magamit at maapakpakan, hindi ako nagtitiwala sa iba at sabihin ang mga sikreto ko dahil alam kong sa likod ng mga ngiti ay isang taong sasaksakin lang ako pagtalikod ko. Nilalayo ko ang sarili ko sa iba dahil sa huli iiwan din naman nila ako di ba? Ganito ako dahil alam kong sarili ko lang ang tanging masasandalan ko.
Kuntento na ako kung anong meron ako, I mean I’m already used to my damn chaotic life. I am silently living my life this way, and in two years, just two more school years I can finally get out of this hell hole called ‘school’. Okay na nga ang lahat kaso biglang nagulo ang dati nang magulo kong buhay nang hindi ko sinasadyang (I Swear! Hindi talaga!) sinuntok ko sa mukha ang isa sa mga sikat na basketball player ng school namin. Mula noon hindi nya na ako tinigilan at dinamay pa ako sa pustahan nilang mag-kakaibigan…
~~~
BINABASA MO ANG
What does it take... (Thomas Torres - Ara Galang fanfiction)
RandomKuntento na ako kung anong meron ako, I mean I'm already used to my damn chaotic life. I am silently living my life this way, and in two years, just two more school years I can finally get out of this hell hole called 'school'. Okay na nga ang lahat...