"How many times do I have to tell you that I don't need your fucking help?! Get away from me! Get out of my room! I don't need you!", malakas na sigaw ng isang binatilyo sa nurse. Agad naman tumalima ito sa sobrang takot na naramdaman.
Agad na naihilamos ng binata ang kanyang palad sa mukha sa sobrang pagkairita.
"Fuck! Fuck this life! Fucking fuck!", Pagmumura neto habang hinahampas ang dalawang binti neto.
Siya si Grayson.
Naconfine siya sa ospital isang linggo na ang nakakalipas dahil sa isang aksidente mula sa drag racing. Gabi-gabi ay sumasabak siya sa pagkakarera. Halos dito na umiikot ang buhay niya. Maging ang pag-aaral niya ay napabayaan niya na dahil dito.
Hindi naman niya aakalaing maaaksidente siya ng gabing iyon. Kung alam niya lang ay sana hindi na siya pumunta pa.
Labis labis tuloy ang pagsisisi niyang nararamdaman.
Ayon sa doktor ay maaaring hindi na siya makalakad pang muli dahil sa sobrang lala ng pinsala na kanyang tinamo. Labis niya itong ikinagalit at ikinalungkot. Hindi niya matanggap ang sinabi na iyon ng doktor.
"I would rather die than to be like this! A fucking useless cripple! Mas matatanggap ko pang mamamatay na ko kesa sa ganito na walang kasiguraduhan na makakalakad pa ko! Putangina!", ani niya.
Tuwing gabi ay sinusubukan niyang maglakad ng mag-isa. Ngunit wala pang isang hakbang ah tumutumba na ito. Paulit-ulit niya iyong gagawin hanggang sa mapagod at mapapaiyak na lamang siya sa sobrang frustration.
"Sir, oras na po para sa theraphy niyo.", ani ng isang nurse na kapapasok pa lamang ng kanyang kwarto na may tulak tulak na wheel chair. Akmang babangon na si Grayson ng bigla siyang alalayan ng nurse.
"Don't fucking touch me.", mariing sabi niya rito.
"P-pasensya na ho, sir.", paghihingi ng patawad ng nurse at hinayaan na lamang si Grayson na ilipat ang sarili sa wheelchair.
Nang makasakay na siya sa wheel chair ay tinulak na ito ng nurse palabas ng kanyang kwarto. Tahimik lamang sila papunta sa kwarto kung saan iginagawa ang kaniyang theraphy. Ang yapak at tunog lamang ng wheel chair ang maririnig sa kahabaan ng corridors ng ospital.
Nang malapit na sila sa kanilang pupuntahan ay may nakasalubong silang babae na nasa wheel chair rin. Kitang-kita niya ang mukha ng babae habang ang buhok nito'y tinatangay ng hangin.
Hindi mapapagkaila na nabighani si Grayson sa kanyang nakita. Astonishment was an understatement. Talaga naman kasing napakaganda ng babaeng iyon.
"Who is she?", biglang tanong ni Grayson sa nurse na tumutulak sa kanyang wheel chair.
"Sino pong she, sir?", ani ng nurse.
"The girl who's sitting in the wheel chair.", the beautiful one. Gusto niyang idagdag ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili.
"Ah, si Love sir.", sagot ng nurse,
"Love?", kumunot ang kanyang noo.
"Opo, sir. Love po ang pangalan niya. Mabait at magandang babae po iyon, sir. Type niyo po ba, sir?", tanong ng nurse ngunit hindi niya na iyon binigyan ng pansin sapagkat si Love, at si Love, na lang ang tumatakbo sa kanyang isip nung mga oras na iyon.
•••
Katulad ng nakasanayan tuwing gabi ay sinusubukan na namang maglakad mag-isa ni Grayson.