[KEN'S POV]
Napagdesisyonan ko ng umalis dahil nabwiset ako dun sa lalaking 'yun kanina.
"Don't worry, I'll give it to you. IZ is the name??" Panggagaya ko sa sinabi niya. "Ha! Utot niya. Lakompake" inis kong inistart 'yung engine ng sasakyan at saka nagmaneho pauwe.
BAHAY NI KEN
"Wala pa ba si Chris?" Tanong ko pagkapasok ko sa loob ng bahay. Walang sumagot kaya nagdire-diretso ako sa sala at naabutan ko sina Aly, Ate K, at... Si Chris. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang mga mukha nila.
"M-master... Dumating ka na pala. K-kadarating lang ni Chris, kanina pa. U-upo ka" Hindi ko maipinta ang mukha ni Aly dahil para siyang natatae. Hindi ko rin napagtagpi ang mga sinabi niya. Kadarating lang ni Chris kanina pa? Nonsense -___-
Umupo ako sa sofa at hinarap silang tatlo. Seryosong-seryoso sina Chris at Ate K. Ano bang meron sa dalawang 'to?
''Problema ninyo?" Hindi sumagot ang kung sinuman "Aly, Chris, K, what's with the silence? I am talking to you" ewan ko pero hindi nakakatuwa ang katahimikang ito. Nakakabingi. Parang may something na nangyayare sa bahay ko na hinde ko alam. Parang ang tataas ng tensyon sa pagitan nila pero hindi ako makarelate.
"K! Ano? Tutulala ka nalang ba diyan? Kinakausap ko kayo. My Goodness!" Inis kong sigaw at saka tumayo para umalis. Bakit ba nakakainis ang mga tao ngayon? Paakyat na sana ako nang magsalita na sa wakas si K. Pero halos mapako ako sa kinatatayuan ko nang tanungin niya ang isang tanong na ayaw kong sagutin.
"Kamusta na ba kayo ni Mal, Ken?" Malamig at firm na pagkakatanong ni K "ahhh, no. Let me rephrase it. It should be this way... Meron pa bang KAYO ni Mal?" She sounded sarcastic at alam kong sinasadya niya iyon.
Napapikit ako dahil hindi ko alam kung anong dapat kong isagot.
Meron pa bang kami ni Malcu?
'Ken, believe me. I don't want this to happen. But I can't just disagree. I need to marry her... for the sake of my family. I... am so ... sorry, Ken.'
Simula nung araw na sabihin niya ang mga katagang iyon, isinaisip ko na na tapos na kami. Pero kahit anong pilit kong sabihin na wala nang kami, hindi ko makita at mahanap kung saan at kailan nagwakas ang relasyon namin. Kung sino ba sa amin ang nagkulang at nagtapos sa relasyon na 'yon. Kung ako ba? O siya? Wala. Hindi ko mahanap ang sagot sa 'sino'. Sino bang nagkulang sa amin? Sino bang sumobra? At... Sino bang hindi na nagmamahal? Para sa akin, AKO. Ako nalang ang kumakapit at pilit na kumakapit.
"Ano, Ken? Tell me the truth"
Maski ako, hindi ko alam kung anong totoo sa hindi. Ang alam ko lang, kailangan ko na ding bumitaw. Dahil alam kong ako nalang ang nasasaktan ngayon.
"The truth? Everyone deserves to know the truth... Pero hindi lahat ng totoo ay nararapat na malaman"
"What?! What do you mean?"
Humarap ako sa kanya "Hindi mo kailangang malaman ang totoo"
"What?! And why?!" Asik niya.
"Hindi mo kailangang malaman ang totoo. Bakit? Dahil hindi ko kayang sabihin ang totoo. If you really wanna know the truth, learn to find for yourself" tinalikuran ko silang lahat at nagtungo sa kwarto ko at hinde na lumabas.
AFTER 2 WEEKS AND 5 DAYS
(JUNE 4,2018---FIRST DAY OF CLASSES)[KEN'S POV]
"Ate Rui! Nasaan 'yung socks ko?!" Sigaw ni Rio sa ate niya na si Rui
BINABASA MO ANG
You Should Be Loved
FantasiaShe is Ken. Nagmahal... Nasaktan... At natatakot nang magmahal. Will there be another chance for her to open her heart for those who will knock and willing to enter?