#Isiahsfirstday
ISIAH's POV
"Magandang umaga Isiah!"
Nagulat ako sa pagpasok ni Brent ang matagal ko nang kinaiinisan na school mate ko na walang magawa kundi i-bully ako, first-year palang kami, ako na ang favorite niyang i-bully.
"My baby labs"
Sabay akbay sa'kin, ang bigat bigat pa naman ng kamay ng bweset na 'to...
"Pwede ba Brent lumayo ka"
Saway ko sa kanya sabay siko dahilan para lumayo siya, hawak-hawak niya ang sikmura niyang tinamaan ng siko ko.
"Baket ba?"
Inis niyang tanong sa'kin, tinitigan ko muna siya, sabay nilapitan at tinuktukan ko sa ulo.
"Aray! Baket ba baby labs?"
Kunwari pabebe niyang asta sa'kin habang sapo-sapo niya ang ulo niya na kung tutuusin bagay naman sa kanya, chinito kasi si Brent at maputi.
"Gusto mo ma katukan ulit? "
Aksyon kong kakatukan siya ngunit naagapan niya dahilan para ma out of balance ako, pero naagapan din niya akong saluhin,
Halos magkadikit na ang mga mukha namin bagay na parang uncomfortable na ako, kala mo mga artista na gumagawa ng movie ei.
Napansin kong napangiti siya, naniningkit ang mga mata niya sa pagkakangiti, gwapo naman si Brent, sa katunayan crush ng campos siya.
"I got yah my bebelabs"
Sabay ngiti sa'kin nang ubod ng tamis at sa bagay na 'yon natauhan ako at agad na kumalas sa kanya.
Napabuntonghininga ako at umalis na, iniwan ko siya na akala mo K-pop sa pagpapa-cute na kung iisipin mo malapit na maging gann.
PLAYGROUND
"Ahhhh bestie! How dare you!"
Wika sa'kin ni Miyu ang aking best friend na half-japanese,
"wei?" Tanong ko sa kanya sa wikang Korean, adik kasi kami sa mga oppa.
"Uh, ba't ka nagpasalo kay Brent, "
"Haa? Ano bang---" naputol ang sasabihin ko, kinatukan ko siya, nasapol naman niya ang ulo niya pero nakasimangot pa din na akala mo ay batang inagawan ng candy.
"Ano bang sinasabi mo? Nadulas ako kaya sinalo niya ako! A-anong nag papa--- what?!"
Nalilito ko pa ring tanong, napahinto ako dahil naalala ko na crush pala ni Miyu si Brent first year pa lang kami. Nasapo ko ang ulo ko na sumasakit. Nang tignan ko siya nakasimangot pa din.
"Hoy, ano ba iniisip mo? 'di ang katulad ni Brent ang mga type ko... Kung gusto ko siya matagal ko na pinatulan 'yon! Geez childish"
Inayos ko mga gamit ko, napansin ko na lumiwanag ang mukha ni Miyu sa sinabi ko, at ngumiti na parang anghel
"Talaga? Lei?"

BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romance"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...