JINNY'S POV
*KRIIIIIIING* *KRRRIIIING*
Umikot ikot ako sa kama ko. Kinuha ko ang unan ko sa ilalim ng ulo ko at tinakip sa tenga ko. Ang ingay!
"Jinny, wala ka bang balak pumasok? Kapag nalaman ito ng mommy at daddy mo--"
Bigla akong napadilat at tinanggal ang unan sa mukha ko. Kaagad kong kinuha ang alarm clock sa gilid ko.
Napanganga ako nang makita kong "8am na?! Nanang naman, bakit hindi mo po ako ginising?" Nagmamaktol maktol ako at sinisipa sipa ko ang kumot paalis ng katawan ko. 7am ang klase ko ngayon, and take note, Prelim namin ngayon sa Logic.
Nakakainis lang. 4am na kasi ako natulog kanina.
Galit na galit si Daddy sa mga pulis dahil hindi man lang daw magawa ng mga ito ang tungkulin nila.
Walang makuhang ebidensiya sa cctv na may pumasok sa subdivision namin.
Ganon din sa cctv dito sa loob at labas ng bahay.
Sinabi ng mga pulis na baka raw nababaliw na 'ko, na kaagad ikinagalit ni daddy.
Papasok na sana ako sa banyo nang biglang kumatok si mommy sa pinto ko.
Pumasok siya sa kwarto at naupo sa kama. Sinensyasan niya akong tumabi sa kanya.
"H'wag ka na munang pumasok ngayon Jin." Bungad ni mommy na palihim na ikinatuwa ko.
"Tungkol nga pala kagabi." Napalingon ako kay mommy. Ang totoo kasi niyan, nagtampo ako sa kanya kagabi dahil hindi niya ko kaagad pinuntahan.
Sinabi kasi ni Nanang sa'kin na halos magkasunod lang na umakyat si Daddy at Mommy. Nakita niya rin na nakikinig lang si mommy sa labas, habang nagsusumbong ako kay Daddy.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako kaagad pinuntahan ni mommy pero naisip kong 'wag ko na lang yun pansinin.
"A-anong ginawa sa'yo nung lalaking sinasabi mo? Magsabi ka ng totoo 'nak." Hindi makatingin nang diretso si mommy, pero ramdam ko ang pag-aalala niya sa tanong niya.
Natahimik ako.
Ayokong maalala ang nangyari kagabi. Ayoko na munang pag-usapan. Pinipilit kong tanggalin sa isip ko ang nangyari, dahil sa tuwing naaalala ko yon, nababalot ng takot ang nararamdaman ko.
Niyakap ako ni mommy atsaka hinimas ang buhok ko. "Mahal na mahal ka ni mommy, lagi mo yan tatandaan ha?"
Tumango ako at ginantihan siya ng yakap.
Pagkalabas ni mommy ng kwarto ko, humiga ako ulit habang nakatingin sa kisame. "Paanong nakatakas ka nang ganon kabilis?" Bulong ko sabay nagbuntong hininga ako.
Sana pagbigyan ako ni Ma'm Trinidad na magspecial exam.
"Nanang.." Nilapitan ko si Nanang pero hindi niya ko pinansin. Napakamot ako sa ulo ko. Galit na naman 'to. Ganito kasi kami lagi kapag nale-late ako eh. Lagi kong nasisisi si Nanang kapag hindi ako nagigising.
"Jingjing! Pogs tayo!" Sigaw nung kalaro ko sa pogs mula sa gate. 12 years old palang siya, samantalang ako 18 na and yes, naglalaro pa rin ako hanggang ngayon. E bakit ba? Ang dami ko na ngang panalo eh.
Pero wala kasi ako sa mood ngayon maglaro. "Next time na lang Undoy!" Sigaw ko sa kanya mula sa loob.
"Weh. Duwag ka lang eh!"
Duwag?!
Uminit ang ulo ko sa narinig ko. Walang hiyang bata yun ah. -_-
"Mama mo duwag!" sigaw ko rin kay Undoy.
BINABASA MO ANG
V
VampireWhat if mapadpad ka sa mundo ng mga Vampire? At ang susi lang para makabalik ka sa mundo mo.. Ay ang puso ng prinsipe nila? #SlightRomCom