The Guy That Got Away - Chapter 9

14 0 0
                                    

September na. All in all, 4 months na akong nagwo-work dito kasama yung training days ko ha. And 3 months na rin akong nagpapapayat na kaagad namang napansin ng marami. Siguro dahil mas maganda na ako ngayon, kaya di maiwasan ng ibang lalaki sa office na mapatingin at mapangiti sa akin. Eh kasi naman, maganda naman talaga ako eh. Ahaha! Well, isa sa mga lalaking nabighani ko ay itago nalang natin sa pangalang Eman. Emmanuel Caliro ang name talaga niya. O diba co-incidence? EC rin ang initials niya, tulad ni Eugene? Ayayay! Ganito kami nagkakilala...

Lunch break ko nung time na yon. Mag-isa lang ako nag-lunch dahil off lahat ng friends ko. After kumain, tumambay muna ako sa lounge ng office para makapag-relax kahit saglit. At dahil lounge area nga iyon, imposibleng walang uupo dun. Maya maya pa'y may biglang tumabi sakin; si Eman na iyon. Actually, crush ko siya. Hindi nga lang kasing tindi nang katulad kay Eugene. Pero siyempre, hindi ko parin maiwasang hindi kiligin nung tabihan niya ako, dahil nga syempre crush ko siya. At grabbbbeeeeee! And bango niya ha. Pero dahil hindi naman kami close, deadma to death lang kami sa isa't isa. Pero nagulat nalang ako nang bigla niya akong chikahin.

"Hi. Sorry to tell you this but, I've been noticing you before and parang you lost a lot of weight now ha. Stressed?"

"Ahhhh.. No. It's intentional. Nagpapapayat talaga ako."

"Wow, good for you. And you look more beautiful now."

"I know right. Haha! Thanks!"

"By the way, I'm Eman." At biglang nakipag-shake hands sakin si bruha. "And you are?"

"I'm Jen." Matipid kong sagot pero super ngiti naman ako sa kanya. Actually, matagal ko nang alam yung name niya. Kasi nga dahil crush ko siya at mahilig akong mag-stalk sa crush, naipag-tanong tanong ko na ang name niya. Galing ko no? Hehe!

"So, is it your lunch time din, right?"

"Yup. Ikaw?

"Yah. So what time's your shift ba?"

"8 to 5. Ikaw?"

"Ganun din. Wow. So pwede pala tayong magsabay umuwi mamaya? Would it be fine with you, Jen?"  Nagulat naman ako dahil biglang nagyayang sumabay umuwi si bruha. Feeling close agad? Pero dahil crush ko siya, keri lang. Hahaha!

"Um. Yah sure. Wala naman akong kasabay mamaya eh. My friends are all off today."

"Great! So I'll see you, then." Tumayo na siya at pumasok na sa office.

"Yah. Sure." Matipid ko nanamang sagot. Wow ha, nakabingwit na ako ng isda. Hahaha! Pero in fairness naman, malayong malayo ang itsura ni Eugene kay Eman. Si Eugene kasi, moreno, chinito, matangkad, mukhang konyo or parang rich kid at katamtaman lang ang katawan. Si Eman naman, matangkad din, moreno at katamtaman din ang katawan tulad ni Eugene, pero hindi siya chinito at mukhang rakista pa. Ay oo! Rakista pala talaga siya kasi may banda raw siya eh, sabi nung napagtanungan ko dati. So ayun nga, uwian na nung bigla niya akong pinuntahan sa cubicle ko. Gulat much nga ako eh, kasi ang alam ko hihintayin niya lang ako sa labas.

"Are you going home na?" Tanong niya.

"Um. Yah. Tara, let's go."

At ayun nga, sabay na kaming umuwi. Hindi ko alam kung bakit, pero ang gaan gaan ng loob ko sa kanya. Kasi pareho kami ng trip sa buhay. And most of my friends talaga are guys at mas komportable talaga akong maki-jamming sa lalaki. Pero yung naffeel ko kay Eman, ay ibang iba sa nararamdaman ko kay Eugene. Kasi, more of a friend lang talaga yung kay Eman eh. Anyway, tumambay muna kami ni Eman sa may convenient store malapit sa office at lumafang. At nagtanong tanong na rin siya about sa buhay ko.

"So, I guess may boyfriend ka na. Kasing mukhang may pinag-papagandahan ka eh."

"Wala noh. Pero may mahal ako. Kaso may girlfriend naman siya. Kainis noh. Pero I'm still doing what it takes, para makuha ko siya. Hahaha!"

"Wow. Kaya ba nagpapayat ka?" Sino ba iyon? Taga dito rin ba siya sa office?"

"Oo. Gusto kong magulat talaga siya 'pag nakita na niya ulit ako. Well, hindi siya dito sa office natin. Sa ibang branch siya. Trainer ko siya nung CCT, actually. You know Eugene Caballera? Siya yun."

"Hindi ko siya kilala eh. Bayaan mo na yon. May girlfriend naman na yon diba? Hanap ka nalang ng iba. Marami pa naman dyan eh. "

"Well, kung hindi talaga siya, okay lang. Pero ittry ko parin na balikan ulit siya pag talagang magandang maganda na ako. Hahaha!"

"Oh, bakit, maganda ka naman na ha. Dami ngang nakakapansin sayo eh, alam mo ba yun?"

"Really? I know, right? Haha!"

"Oo. At isa na ako don. Hahaha!" Sabay kurot sa cheeks ko.

"Echos mo!"

At dun na nagsimula ang friendship namin. Siya na nga ang nakakasabay kong kumain at umuwi every now and then eh. Ang sarap kasi niya kasama. Puro laugh trip at gaspangan lang kasi ang pinagggagagawa namin eh. At dahil kay Eman, unti-unti nang nawawaglit sa isip ko si Eugene.

The Guy That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon