Pagkatapos ng klase ko ay naglakad lakad na lang muna ako sa campus namin kasama sina Ella at Carla.
Pinagkuwentuhan namin yung nangyari kanina sa klase. Grabe naman kasi yung prof namin. Nagbigay siya ng syllabus namin for the semester, at limang homework na agad yung inassign niya.
"Sa end of the week pa naman due yun eh." sabi sa amin ni Carla, pero pareho kami ni Ella na medyo hindi pa ginaganahang matambakan ng assignments.
"Paano ka nga pala uuwi ngayon? Gusto mo sabay ka na sa akin mag commute?" aya sa akin ni Ella.
Medyo malapit lapit din kasi yung bahay ni Ella sa akin at imbis na mag antay ako kay Michael, siguradong makakauwi ako ng maayos lalo na at may kasabay naman ako.
"Eh may klase pa ako mamaya, okay lang ba sa iyo?" tanong ko kay Ella.
"Ano ka ba, mag aantay na lang ako sa library, at baka simulan na rin namin ni Carla yung assignments."
Napangiti naman ako at sobrang nagpasalamat kay Ella.
"Siguro sobrang kabado ako pauwi kung ako lang mag isa!" sabi ko sa kanya sabay yakap na din bilang pasasalamat.
Nagkuwentuhan pa kami ng kaunti ulit, hanggang sa nakarating na ako sa susunod kong klase. Sinabihan ako ni Ella na itext ko lang daw siya pag natapos na ako at sabay na silang umalis ni Carla papuntang library.
Pagkapasok ko sa classroom, nakita ko isang tao pa lang yung nandoon, pero mukhang natutulog pa yata siya.
Ayaw ko namang tumabi sa kanya, pero gusto ko din na malapit ako sa bintana, since makikita mo yung harapan ng school. Naisip ko din na pag malayo ang inupo ko, baka naman mag end up na wala akong katabi.
Umupo na lang ako sa upuan sa harap niya at binaba na yung mga gamit ko.
Since wala pang tao, tumunganga muna ako sa labas at napaisip-isip. Medyo nag aalala kasi ako sa pagkakaibigan namin ni Michael.
Alam ko namang matagal na kaming magkaibigan, pero syempre, nag aaway din naman kami.
"Paano na kaya kami?" mahinang tanong ko sa sarili ko.
Nagbuntong hininga na lang ako at umaligid ang mga mata ko sa labas.
Nakita ko si Michael sa laging tambayan nila ng mga ka banda niya.
Lagi sila sa gazebo sa harap ng school namin, at nakita ko naman na mukhang hindi niya pinoproblema yung mga iniisip ko.
"Siguro okay nga lang talaga sa kanya." sabi ko nanaman sa sarili ko. Napabuntong hininga nanaman ako.
Nagulat ako nang may narinig akong galaw sa likod ko, at napatingin ako sa isang lalaking nakatingin din sa akin.
Nagtitigan kami ng matagal, pero walang nagsalita. Dapat bang mag sorry ako? Baka masyado akong maingay?
Yumuko na lang ako ng kaunti, na parang humihingi ng paumanhin at tumingin na lang ulit sa bintana at nagdasal na lang akong natulog na lang ulit siya.
Maya-maya pa ay nagsipasukan na yung mga tao sa classroom.
May isang babaeng tumabi sa akin, at ang laki ng ngiti niya nang lumingon siya sa akin.
"Rica." sabi niya at nilahad niya yung kamay niya.
"Mia." sagot ko naman sabay hawak sa kamay niya.
"Anong major mo?" tanong niya sa akin.
"Biology. Ikaw?" tanong ko sa kanya.
"Biochem." sagot niya at sinimulan niyang ilabas yung notebook niya. Agad agad siyang lumingon at tumingin sa lalaki sa likod ko.

BINABASA MO ANG
The Passenger Seat
RomantizmDoes time define how strong a friendship is? Mula noong gumraduate si Mia sa high school ay lagi na lang niyang kasama si Michael sa buhay niya. Sa loob ng isang magulong bahay, si Michael ang kasama niya para makalayo sa mga problema niya. Pero, ha...