1

152 4 0
                                    



"Tapos na tayo. Tama na. Hindi na kita gusto. tigilan mo na ako, Shan.."

"What the heck, Peter! 5 years? Ganon lang yun sayo kadali itapon yun?"

I am crying so hard. Bakit ngayon pa sa araw ng birthday ko? I gave him everything even myself. Ganon ko sya kamahal but I don't think he feels the same.

"Puro kalokahan lang tayo dito, Shan. Alam mo naman na niloloko kita pero ano pa ring ginagawa mo? Tama na. Pagod na pagod na ako sayo..."

"Pagod? Ikaw napagod? Saan? Sa kakanahap ng babae mo? Alam mong tayo pero nambabae ka, saan ba ako nagkulang ha?!"

Ang sakit. Sya lahat ang firsts ko. First boyfriend ko, lahat. Simula college hanggang ngayon na nagttrabaho na kami. Ganon ba ako ka-walang kwenta? Pesteng buhay to!

"Pagod na akong nakikita kitang ganito, Shan. Walang araw na hindi ka umiiyak dahil sakin. Masakit, Shan. Hindi mo deserve ang gagong tulad ko. I'm sorry, Shan. Pero kailangan natin to, makakahanap ka rin ng mas better sakin."

And yeah, he left me. He left me hanging, he left me broke. Wasak na wasak na ako. Akala ko sya na yun. Pero hindi pala. Tanga na kung tanga pero, mahal na mahal ko talaga si Peter.

***

"Peter! balik ka na sakin. Hindi ko kayang mawala ka sakin.." kanina pa ako nandito pintuan ng condo nya— umiiyak. Nag-mamakaawang balikan sya ng taong mahal nya.

"Shan?"

"Jill?"

"Anong ginagawa mo sa condo ni Peter? bakit naka saplot ka lang? Anong meron sainyo?"

"Jill, sino yan?" si Peter.

"Bullshit, Jill! Sa dinami-rami ng tao sa mundo, yung boyfriend ko pa? Shit! Shit! Jill, bestfriend kita! Tapos ngayon nandito ka sa condo ng boyfriend ko at saplot lang ang meron ka?"

"At ikaw, Peter! Ano yung sinabi mo sakin? Ano yun, joke? Kaya mo ako iniwan dahil pinagpalit mo ako sa bestfriend ko?" Isang sampal ang iginawad ko sakanya.

"Wala kayong kwentang dalawa. Siguro ito na talaga yun. Tama ka nga, Peter, di ko deserve ang isang gagong tulad mo because I deserve so much more." hikbi sabay punas ng luha. Ang sakit.

"At sayo naman, Jill, salamat sa panga-ahas sa boyfriend ko. Ay I'm sorry ex na pala, haha. Salamat sa lahat, Jill and Peter."

"I'm so—" hindi ko na pinatapos si Jill magsalita. I left them.

My goodness! Buti na kayanan ko pa mag-drive nang hindi bumabangga. Kahit puro blurr lang nakikita ko kanina dahil sa sobrang pag-iyak. Ang sakit kasi talaga.

Napadaan ako sa Route 196, kaya nag-park na agad ako. I want to forget all the pain. I want to forget Peter. Nag-order agad ako ng isang bucket beer, may bigla namang kumalabit sakin...

"Shan! Ikaw pala yan. Bakit ikaw lang mag-isa dito?" ahh si ateng waiter. Yung kakilala ni Peter dito.

"Wala na kami ni Peter eh..."

"Ganon ba?" nakita ko syang napasimangot. "Mag-enjoy ka nalang dito ha, mamaya may magaling na bandang tutugtog dyan. Yung IV Of Spades..."

Di ko na sya pinansin. The heck I care about that band? All I want is to forget everything. Nagsimula na akong uminom nang uminom, at medyo nahihilo na rin ako. My goodness!
Ang galing pala talaga nung band, kaso mas lalo akong naiyak habang kinakanta nila yung love song na kanta nila. I don't know what's the song title pero ang sakit, doi!

Kanina ko pa rin nakikitang nakatingin sakin yung isang guitarist nila sakin. Sya ata yung nage-electric guitar? Umorder pa ako ng isa pang bucket. At sinimulan ko na ulit itong inumin. Shit. Lasing na lasing na ako. Sobrang sakit na ng ulo ko!

"Peste ka, Peter! Bakit mo ako iniwan.." I cried out loud.

"Huhuhuh.."

"Mahal na mahal kita, Pe—"

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko. Everything went black.

Miracle Aligner » Blaster SilongaWhere stories live. Discover now